02/12/2022
"Usok, Daanan, at Gusali"
Mula Quezon City hanggang Muntinlupa
Sasakyang Gasolina, ginawang tao... tupa
Makinang bakal, may highway sa bawat mapang ginawa
Ang mga gusali, hindi pantay-pantay
Konkretong gawang matibay, ngunit walang kulay
Pinagkasya sa siyudad, tilang baon gawa ni nanay
Trapik bawat oras, oras nakatali
Amoy usok sa umaga at usok sa gabi
Ngunit sinasabi nga nila, wala talagang mali
O' Pilipinas at ang Metro Manila!
Kailan ba'y sandamakmak na problema'y, maitatatama?
Sapilitang bumubuhay sa ating maduming lupa
Masyadong matagal na, kailan nga pa ba?
Kapag nagkaroon ng isa pang flyover ba?
O kung sa pagdagdag ng mga daanan, nagwawala?
Sana sagutin po ninyo, mga taong responsable dito
Content and Video by Flan
๐ต๐ญ