Anakbayan Muralla

Anakbayan Muralla ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป!
๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ, ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ž, ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก!

#๐–ฒ๐—Ž๐—†๐–บ๐—…๐—‚๐–ฒ๐–บ๐– ๐—‡๐–บ๐—„๐–ป๐–บ๐—’๐–บ๐—‡๐–ฌ๐—Ž๐—‹๐–บ๐—…๐—…๐–บ: https://forms.gle/mgcF44wH9fKfxGWM9

URGENT CALL FOR DONATIONS Nangangalap po ang Anakbayan Manila ng donasyon para kay Benedict Macabenta na dinakip at inar...
04/08/2024

URGENT CALL FOR DONATIONS

Nangangalap po ang Anakbayan Manila ng donasyon para kay Benedict Macabenta na dinakip at inaresto ng mga pulis sa kasong "direct assault" habang nakikipagnegosasyon na itigil na ang panghaharass sa isang residente na vini-video ang clearing operations at ginigiit ang pagpapatigil ng demolisyon sa Donald Compound, Harrison St., Pasay City.

Kasalukuyan siyang nakapiit sa Pasay City Hall Jail Station 1.



ALERT!Tahasang kinukundena ng Anakbayan National Capital Region ang pagkahuli sa isang kasapi ng Anakbayan Taguig, Bened...
03/08/2024

ALERT!

Tahasang kinukundena ng Anakbayan National Capital Region ang pagkahuli sa isang kasapi ng Anakbayan Taguig, Benedict Macabenta ng Anakbayan Manila, Miguel Gabriel Yanson ng Bagong Alyansang Makabayan NCR, at Albert Kim Minoza ng Karapatan National Capital Region sa gitna ng pagigiit ng karapatan sa paninirahan ng mga residenteng apektado ng demolisyon sa Donald Compound, F.B. Harrison St., Pasay City.

Malinaw na pagyurak ito sa karapatang pantao ng mga residente at ng mga nakikiisa para sa kanilang katiyakan sa paninirahan. Ang nangyaring clearing operations kanina sa Donald Compound ay nagpapakita ng kawalang pakialam ng management ng MEGALAND at Pasay PNP sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga residente.

Nararapat lamang na tumindig tayo para sa karapatan at katiyakan sa paninrahan ng mga residente ng Donald Compound! Kagyat nating panawagan na palayain ang Donald Compound 4!



Marcos Jr., ITO ang TUNAY na state of the nation. Dalawang araw matapos ang SONA, pinapasinungalingan ng   ang mga salit...
24/07/2024

Marcos Jr., ITO ang TUNAY na state of the nation. Dalawang araw matapos ang SONA, pinapasinungalingan ng ang mga salita ni Marcos.

Wala ni anino ni Marcos, Duterte, at ng kanilang flood control projects ang makita ngayong nasa state of calamity ang Metro Manila.

Nauna nang umalis ng bansa si VP Sara Duterte kaninang umaga kasama ang kaniyang pamilya papuntang germany. Iniwan niya ang walo na patay, dalawang sugatan, isang nawawala sa Northern Mindanao, at 866,483 na pamilyang apektado dahil sa bagyo. Kalakhan ng apektado ay mga maralitang lungsod, manggagawa, magsasaka, at mangingisda. Ang pinsala sa agrikultura ay nasa P8.7 million at pinsala sa imprastraktura ay umabot na sa P700,000.

Ipinagmalaki ni Marcos ang di umanong natapos na 5,500 flood control projects sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong isang araw ngunit pareho pa rin ang dinaranas ng mamamayang Pilipino: lubog sa baha, nasa panganib, at kanya-kanyang paraan para iligtas ang sarili. Ang ganitong mga proyekto ay kadalasan pang balon ng korapsyon at hindi komprehensibong tinutugunan ang climate change.

Ang pagtindi ng pagbaha ay idinulot ng walang pagkukubling pagbebenta ni Marcos ng mga lupain, kabundukan, at dagat ng Pilipinas. Isa na rito sa porma ng malawakang reclamation projects na sumisira sa ating kalikasan tulad na lamang ng Manila Bay Reclamation project.

Dapat managot ang rehimeng Marcos sa kriminal na kapabayaan nito at lantarang paglulustay ng pera ng bayan para sa ganansya ng mga kapitalista at dayuhan. Simbolo ang pag-alis ni Sara Duterte papuntang Germany at kawalang aksyon ng rehimeng Marcos sa gitna ng sakuna na hindi kailanman sila tunay na nagsisilbi sa bayan, kundi para lang sa kanilang sarili at mga imperyalistang amo.

Nananawagan kami sa kabataang Pilipino na mag-ingat at maging mapagmatyag. Kasabay nito, ilantad natin ang pabayang rehimeng Marcos sa pagwawalang-bahala nito sa kaligtasan ng mamamayan alang-alang sa kita ng iilan.

EMERGENCY HOTLINES FOR   โ˜Ž๏ธTulong tulong tayong lahat laban sa matinding pagbaha at sakuna! Narito ang mga pambansang em...
24/07/2024

EMERGENCY HOTLINES FOR โ˜Ž๏ธ

Tulong tulong tayong lahat laban sa matinding pagbaha at sakuna! Narito ang mga pambansang emergency hotlines at mga syudad sa National Capital Region.


Tulong Kabataan: Call for Donations and volunteers! We are in need of donations for hot meals, hygiene kits, and water f...
24/07/2024

Tulong Kabataan: Call for Donations and volunteers!

We are in need of donations for hot meals, hygiene kits, and water for communities and families affected by . We also aim to set up community kitchens in evacuation centers across the National Capital Region.

For those interested to volunteer contact the Anakbayan page or 09150959984 for further details.

For Donations
* GCASH: 09150959984
* In-kind Drop off: 19 Data St., Santa Mesa Heights, Brgy. Don Manuel, Quezon City (Contact: 0945 154 0918)


25/02/2024
๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฃ๐—” ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”!Ngayong ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power, sama-sama nating ipakita kay Marcos...
24/02/2024

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ฃ๐—” ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”!

Ngayong ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power, sama-sama nating ipakita kay Marcos Jr. na kailanman ay hindi niya mabubura sa ating mga alaala ang makasaysayang labang napagtagumpayan bunga ng pagkakaisa ng sambayanan laban sa kanyang ama na si Marcos Sr. na napatalsik kasama ng pamilya niya. Ngayon na kung saan ay niraratsada ang Charter Change at PUV Modernization Program na siyang kibit-balikat ang mga nasa likod nito sa kapakanan ng sambayanan para sa pagsusulong ng interes ng mga negosyante, mga pulitiko, at dayuhan ay hinihiling ng kasalukuyang kondisyon mula sa ating henerasyon na isulong ang laban na napagtagumpayan noong EDSA. Bukod dito, ating paigtingin pa ang laban tungo sa isang kinabukasang malaya ang ating bansa mula sa kamay ng kasalukuyang sistema na siyang nagpapahirap sa sambayanan na nagbigay-daan sa mga naghaharing-uri.

Pinapakita lamang ng aral ng EDSA na hindi sapat ang pagpapatalsik sa presidente habang nananatili ang pahirap na sistemang umiiral na malayang pinakikinabangan ng naghaharing-uri na kinakasangkapan ng mga dayuhang interes ang paghihirap ng sambayanan.

๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™ช๐™ง๐™–๐™ก๐™ก๐™–, ๐™ข๐™–๐™ ๐™ž๐™ž๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™€๐˜ฟ๐™Ž๐˜ผ!

๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ž๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐˜พ๐™ƒ๐˜ผ-๐˜พ๐™ƒ๐˜ผ!


23/02/2024

๐Ÿšจ ๐—˜๐—— ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐Ÿšจ

Sa papalapit na anibersaryo ng EDSA Revolution sa ika-25 ng Pebrero, gunitain natin ang lakas ng masa laban sa pang-aapi at katiwalian ng diktaduryang Marcos Sr.

Ngayong isinusulong muli ang Charter Change, nagbabadyang muling humantong sa iisang pamilya ang kapangyarihan. Ang pangamba sa pagiging sunud-sunuran sa dayuhang interes ng ating pangulo ay hindi rin maaaring balewalain.

Kaya't mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga online na pag-aaral at talakayan upang ipagpatuloy ang laban para sa tunay na kalayaan at katarungan. Sa pangunguna ng INS, inaanyayahan ang lahat na sumali sa ED Fest, upang palawakin ang kaalaman at kamalayan sa kahalagahan ng EDSA at patuloy na pagtindig.

Taraโ€™t sumali, makilahok, at makipanayam! ๐Ÿ“–๐Ÿ—ฃ๏ธ

๐Ÿ“– ๐—›๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐˜‡๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” | Feb 23 (๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) | 8:00 PM
๐Ÿ“– ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐˜€๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฒ | Feb 24 (๐—ฆ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) | 8:00 PM
๐Ÿ“– ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฒ | Feb 25 (๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†) | 8:00 PM

Mag-rehistro rito๐Ÿ‘‡
๐Ÿ”— https://forms.gle/tjT73BQtewY5hcih7
๐Ÿ”— https://forms.gle/tjT73BQtewY5hcih7
๐Ÿ”— https://forms.gle/tjT73BQtewY5hcih7

19/01/2024

๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š "๐—ž๐—œ๐—ง๐—œ๐—Ÿ-๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐——๐—”"

Sa papalapit na pagtatapos ng dagdag na palugit na ibinigay ng LTFRB sa darating na ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, hindi lamang mga tsuper at opereytor ang maapektuhan ng hindi makatarungan, kontra-manggagawa, at anti-mamamayang modus ni Marcos Jr. para sa pagsusulong ng interes ng mga dayuhang negosyante. Inaasahan na ๐Ÿฎ๐Ÿด.๐Ÿฑ ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—บ๐˜†๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ ang direktang maapektuhan, kasama na ang mga manggagawa at mga estudyante sa pagsisimula ng malawakang krisis sa transportasyon sa ating bansa.

Bago pa man isulong ang dagdag pasanin sa mga tsuper at opereytor, nararanasan na ng ating bansa ang masalimuot na kalagayan ng pampublikong transportasyon na labis na nagpapahirap sa milyon-milyong komyuter. Ang Public Utility Modernization Program o PUVMP ay tiyak na magiging sanhi ng mas matindi at mas malubhang krisis sa pamamasahe ng pang-araw-araw na komyut ng mga estudyante. Kaltas sa sahod ng mga manggagawa at pagkaantala sa edukasyon ng mga mag-aaral ay ilan lamang sa mga epekto nito. Marami sa kanila ang nagtitiis na sumabit sa pampasaherong jeep para maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Sa halip na maging solusyon, ang modernisasyon ay tila nagdudulot lamang ng mas malalang problema, isang "๐—ท๐˜‚๐˜…๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป" na inaasahang tutugunan ng PUVMP.

Pakinggan natin ngayon ang mga pag-asa ng bayan mula sa Muralla, na aming nakapanayam hinggil sa pagratsada ng pamahalaan ni Marcos Jr. sa kitil-pasada.




16/01/2024

๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ง๐—œ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—Ÿ๐—ฆ๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ง๐—ข๐—ฅ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—™๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—”๐——๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang franchise consolidation deadline na pinataw ng pamahalaan ni Marcos Jr. para sa mga tsuper at opereytor na sumailalim sa mga kooperatiba o korporasyon alinsunod sa Omnibus Franchising Guidelines ng LTFRB sa ilalim ng huwad na PUV Modernization Program. Binigyan man ng panandaliang pulso ang ilang mga tsuper at opereytor sa mga piling ruta ay nananatili pa rin na nasa bingit ng kamatayan ang kanilang ikinabubuhay dahil sa nalalapit na pagtatapos ng palugit sa darating na ๐—™๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’.

Tinatayang nasa ๐Ÿ‘๐ŸŽ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ na mga tradisyunal na jeepney ang magiging iligal sa palugit na ito na siyang tutuldok sa libo-libong kabuhayan at mga pamilya na umaasa dito. Ang pagratsada ng tandem na pamahalaang Marcos-Duterte sa kanilang sariling bersyon ng bagong lipunan ay sadyang pahirap, hindi maka-masa, at hindi tama na tangkilikin ng bawat mamamayang Pilipino.

Pakiramdaman natin ang pulso ng ilan sa mga tsuper at opereytor na ating nakapanayam sa nagdaang mga araw.




Address

Intramuros
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan Muralla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan Muralla:

Share