24/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa unang araw ng klase, hindi lamang tayo nagbabalik sa silid-aralan. Nagbabalik din tayo sa isang lipunang patuloy na humaharap sa kahirapan, korapsyon, kawalan ng hustisya, at hindi pagkakapantay-pantay.
Kaya ngayong First Day Rage, huwag tayong matakot lumiban upang manindigan at isigaw ang ating mga karapatan. Bilang mga estudyante, may boses tayo at may karapatan tayong makialam sa mga isyung direktang nakaaapekto sa ating kinabukasan. Kasabay ng pagsisimula ng klase ang pagsisimula rin ng samuโt saring gastusinโuniporme, libro, requirements, at iba pa. Sa gitna ng tumataas na gastusin, hindi dapat lalo pang pabigatin ang buhay ng mga estudyante. Hinihiling natin ang pagbawas sa mga gastusing maaaring maiwasan at isang edukasyong tunay na abot-kaya para sa lahat. Hindi rin tayo mananahimik sa mga isyung panlipunang kinakaharap natin. Tututol tayo sa mga kasunduan at polisiyang maaaring makaapekto sa soberanya at kinabukasan ng bansa. kabilang ang Pax Silica
May karapatan tayong magtanong, kumwestiyon, at humingi ng transparency.
Anuman ang posisyon, pangalan, o partido, walang opisyal na dapat maging higit sa pananagutan. Sa mga usapin ng impeachment, alegasyon ng katiwalian, at pang-aabuso sa kapangyarihan, hinihingi natin ang patas na proseso, transparency, due process, at accountability. At sa mga flood control projects, hindi sapat ang pangako at imbestigasyon lamang. Kung may korapsyon at kapabayaan, dapat may managot. Ang pondong para sa kaligtasan ng mamamayan ay dapat napupunta sa tunay na serbisyo, hindi sa bulsa ng iilan. Sana magsilbing aral sa atin ang mga naranasan natin nitong mga nakaraang araw dahil sa bagyo. Sa bawat binahang tahanan, paaralan, at komunidad, nakita natin kung gaano kalaki ang epekto ng kapabayaan at maling paggamit ng pondo. Hindi dapat maging normal ang ganitong sitwasyon.
Ngayong unang araw ng klase, unang araw din ng paninindigan.
Huwag matakot magsalita.
Huwag matakot magtanong.
Huwag matakot manindigan.
Para sa pantay na karapatan.
Para sa abot-kayang edukasyon.
Para sa hustisya at pananagutan.
Para sa bawat estudyante.
Para sa bayan.
FIRST DAY RAGE.
FIRST DAY OF RESISTANCE.