Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office - LGU Mangatarem

Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office - LGU Mangatarem Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office - LGU Mangatarem, Government Organization, Mangatarem.

Ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla , sa pamamagitan ng ABE Office na pinangu...
28/05/2026

Ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla , sa pamamagitan ng ABE Office na pinangungunahan ni Engr. Freida Abalos Aquino ay nagsagawa ng monitoring sa operational status at utilization ng pansakahang makinarya sa Mabalacat Farmers CIA, Cabarabuan Hillside FA, at Lawak Langka Maharlika FA.

Layunin ng gawaing ito na masiguro ang maayos na paggamit, pangangalaga, at pagiging epektibo ng mga makinaryang ipinagkaloob sa mga magsasaka.


Pinangunahan ng NIA-Pangasinan IMO ang pre-construction meeting para sa pagpapatuloy ng proyekto ng Bayaoas SRIP sa baya...
20/05/2026

Pinangunahan ng NIA-Pangasinan IMO ang pre-construction meeting para sa pagpapatuloy ng proyekto ng Bayaoas SRIP sa bayan ng Aguilar, kung saan isasagawa ang pagdudugtong ng canal lining na magbibigay ng mas maayos at tuloy-tuloy na irigasyon sa mga sakahang matatagpuan sa mga Barangay Quetegan, Bunlalacao, at Malunec, Mangatarem Pangasinan.

Ang nasabing aktibidad ay para mai-discuss ang desinyo, saklaw, at mga detalye ng proyekto sa mga magsasakang masasakupan nito. Nagkaroon din ng open forum para maihayag at maiparating ang kanilang katanungan, suggestion at concerns.


Ang Lokal na Pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla  sa pamamagitan ng ABE Office na pina...
18/05/2026

Ang Lokal na Pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla sa pamamagitan ng ABE Office na pinangungunahan ni Engr. Freida Abalos Aquino ay patuloy na nakikipagtulungan sa National Irrigation Administration- Pangasinan Irrigation Management Office na pinapangunahan ni Engr. John Molano upang maisulong ang mga proyektong patubig na makatutulong sa mga magsasaka sa ating bayan.

Kamakailan ay nagsagawa ng Geo-Resistivity Survey ang nasabing ahensya katuwang ang ABE Office sa Barangay Dorongan Punta na pinamumunuan ni Brgy. Captain Maricar Munar upang matukoy ang posibleng pagkukunan ng tubig sa ilalim ng lupa at masuri ang kaangkupan ng lugar para sa planong Solar Powered Irrigation Project.


Nagsagawa ang lokal na pamahalaan na pinamumunuhan ng ating mahal na Mayor Hon. Jensen Francisco Viray-Ventenilla  ng is...
18/05/2026

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan na pinamumunuhan ng ating mahal na Mayor Hon. Jensen Francisco Viray-Ventenilla ng isang coordination meeting kasama ang Municipal Agriculture Office na pingungunahan ni Mr. Benito Jazmin, Municipal Engineering Office na pinangungunahan ni Engr. Charito Lacuesta, Agricultural and Biosystems Engineering Office na pinangungunahan ni Engr. Freida Abalos Aquino, mga Barangay Official ng Ponglo Baleg na pinapangunahan ni Brgy. Captain Ely Retotar, at mga apektadong magsasaka kaugnay sa kahilingan para sa excavation at covering ng irrigation canal sa Barangay Ponglo Baleg, upang mapag-usapan at mabigyang-linaw ang mga mahahalagang usapin hinggil sa proyekto.

Ang pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad na agrikultura at mas magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka.


Patuloy ang pagtutulungan ng DA-BSWM at Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem na pinapamahalaan ni Mayor Jensen Francisco Vi...
15/05/2026

Patuloy ang pagtutulungan ng DA-BSWM at Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem na pinapamahalaan ni Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla sa pamamagitan ng ABE Office na pinapangunahan ni Engr. Freida Abalos Aquino upang maisulong ang mga makabagong programang makatutulong sa sektor ng agrikultura at sa kapakanan ng ating mga magsasaka.

Ang isinagawang site inspection at paglalayout ay para sa paparating na proyekto na 𝐀𝐮𝐭𝐨𝐦𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐖𝐞𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (AWS) sa Seven Barangays of Mangatarem IA ng Barangay Maravilla Extension.

Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas mabilis at mas eksaktong impormasyon ukol sa panahon upang makatulong sa pagpaplano ng mga magsasaka, mapalakas ang produksyon sa agrikultura, at mabawasan ang epekto ng pabago-bagong klima.


Nagkaroon ng tatlong araw na balidasyon ang DA- BSWM katuwang ang ABE Office sa mga Barangay ng Baracbac, Bogtong Silag,...
29/04/2026

Nagkaroon ng tatlong araw na balidasyon ang DA- BSWM katuwang ang ABE Office sa mga Barangay ng Baracbac, Bogtong Silag, Catarataraan, Caviernesan, Lawak Langka, at Linmansangan para sa kanilang mga iminungkahing Solar Powered Irrigation Project (Groundwater Source).

Layunin ng nasabing balidasyon na masuri ang kaangkupan ng lugar, mapagkukunan ng tubig, at iba pang teknikal na pangangailangan upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng proyekto para sa kapakinabangan ng mga magsasaka sa naturang mga barangay.


Validation of the proposed Cistern projects in Barangays Bantocaling, Bedania, Naguilayan East, and Tagac by the DA-BSWM...
29/04/2026

Validation of the proposed Cistern projects in Barangays Bantocaling, Bedania, Naguilayan East, and Tagac by the DA-BSWM and ABE Office.

Cistern is a rainwater harvesting system where the roof of the covered court is used as the catchment area to collect rainwater, then channel it through gutters and pipes into a cistern (storage tank).


MOA signing para sa Drying Facility ng Bogtong Silag Rice and Corn Growers Farmers Association na ipagkakaloob ng DA-Phi...
14/04/2026

MOA signing para sa Drying Facility ng Bogtong Silag Rice and Corn Growers Farmers Association na ipagkakaloob ng DA-PhilMech.


Ang DA-PhilMech, katuwang ang ABE Office, ay nagsagawa ng balidasyon sa Masagana Watershed Irrigators and Farmers Associ...
14/04/2026

Ang DA-PhilMech, katuwang ang ABE Office, ay nagsagawa ng balidasyon sa Masagana Watershed Irrigators and Farmers Association sa Barangay Cabaluyan 2nd kaugnay ng kanilang kahilingan para sa agricultural machinery na gagamitin sa kanilang bukirin.


Address

Mangatarem
2413

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agricultural and Biosystems Engineering Office - LGU Mangatarem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share