30/05/2026
https://www.facebook.com/share/18r5aHcQ13/
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang motovlogger kaugnay ng video na in-upload sa page na โSir Ki,โ kung saan makikitang nagpapatakbo umano ng motorsiklo nang sobrang bilis sa isang pampublikong kalsada. Makikita rin umano sa nasabing video na pinara ito ng mga pulis, ngunit sa halip na huminto ay iniwasan pa umano ang mga awtoridad.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, posibleng managot ang rider sa kasong โReckless Drivingโ at โImproper Person to Operate a Motor Vehicleโ dahil sa kanyang paraan ng pagmamaneho na malinaw na naglalagay sa panganib hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa ibang motorista at pedestrian.
Dahil dito, pinadadalo ng LTO ang rehistradong may-ari at/o rider sa itinakdang pagdinig na gaganapin sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng kaukulang parusang administratibo.
Nakasaad din sa kautusan na ang hindi pagdalo sa nasabing pagdinig ay ituturing na pagtalikod sa kanilang karapatang marinig, at magpapasya ang ahensya base sa mga ebidensyang hawak nito.
Bilang agarang hakbang, isinailalim na sa alarm status ang naturang motorsiklo habang preventively suspended naman sa loob ng siyamnapung (90) araw ang lisensya ng rider, na kinakailangang agad isumite sa IID.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, hindi dapat ginagawang aliwan o content ang mga delikadong gawain sa kalsada.
โHindi katanggap-tanggap na ginagamit ang social media para ipakita at gawing normal ang iresponsableng pagmamaneho. Ang kalsada ay hindi lugar para sa pasikatan, karera o paggawa ng content na naglalagay panganib sa buhay ng ibang tao,โ ani Lacanilao.
Binigyang-diin din na may malaking responsibilidad ang mga content creators dahil marami ang naiimpluwensyahan ng kanilang mga ipinapakita online.
โKung ikaw ay may platform at maraming followers, mas lalo mong dapat gamitin ito para magpakita ng disiplina at responsableng pagmamaneho. Dapat nagsusulong ng road safety ang content, hindi paglabag sa batas trapiko,โ dagdag pa niya.
Patuloy ding hinihikayat ng ahensya ang lahat ng motorista at content creators na maging mabuting ehemplo sa lansangan at gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng responsableng pagmamaneho at kaligtasan sa kalsada.