Melquiades "Mel" Robles

Melquiades "Mel" Robles ANG BUHAY MELIONARYO ay hango sa salitang meliorism.

MELIORISMO ang paniniwala na maaaring mapabuti ang mundo sa pamamagitan ng ating pagkilos at pagsisikap tungo sa mga positibong pagbabago— ito ang pahayag na gabay ni General Manager Mel Robles.

Sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Bayani, alalahanin natin at bigyang-pugay ang mga magigiting na Pilipinong nag-alay ...
31/08/2026

Sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Bayani, alalahanin natin at bigyang-pugay ang mga magigiting na Pilipinong nag-alay ng kanilang lakas, tapang, at dangal para sa ating bayan.

Nawa’y magsilbi silang inspirasyon sa atin hindi lamang sa pagtataguyod ng patriotismo, kundi maging sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na sa paglilingkod, paggawa ng tama, at pagtulong sa kapwa.

Maligayang Araw ng mga Bayani! 💪🇵🇭

Malugod nating binabati ng maligayang kaarawan ang ating First Lady Liza Marcos ngayong araw, August 21, 2026!Maraming b...
21/08/2026

Malugod nating binabati ng maligayang kaarawan ang ating First Lady Liza Marcos ngayong araw, August 21, 2026!

Maraming beses na nating nakasama ang First Lady sa pagsasagawa ng kanyang inisyatiba na LAB For All bilang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanyang programang sumusuporta sa kalusugan ng mga Pilipino.

Kaya naman, hangad natin na pagpalain ang First Lady ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at walang-sawang inspirasyon upang patuloy pang makapaglingkod sa bayan.

Happy birthday, FL!

Pondong sumusuporta sa Universal Health Care at sektor ng edukasyon ang naging prayoridad ng Philippine Charity Sweepsta...
17/08/2026

Pondong sumusuporta sa Universal Health Care at sektor ng edukasyon ang naging prayoridad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isinagawa nating turnover ng mandatory contributions na may kabuuang halaga na ₱2,068,013,300.05 sa Bureau of the Treasury noong Agosto 14, 2026.

Ipinagkaloob natin ang ₱1,935,582,784.67 sa PhilHealth bilang karagdagang pondo para sa Universal Health Care (UHC). Sakop nito ang ikaapat na quarter ng 2025 at unang dalawang quarter ng 2026. Katumbas ito ng 40% ng Charity Fund ng PCSO, alinsunod sa Republic Act No. 11223, na nagtatakda ng naturang kontribusyon para sa UHC.

Para naman sa Commission on Higher Education (CHED), inilaan natin ang ₱132,430,515.38. Saklaw nito ang mandatory contributions mula Enero hanggang Hunyo 2026 para sa Higher Education Development Fund, alinsunod sa Republic Act No. 7722, na naglalaan ng 1% ng monthly gross lotto sales ng PCSO para sa nasabing pondo.

Sinasalamin ng mga kontribusyong ito ang ating pagsisikap na makatulong sa pagpapabuti ng mga programang pangkalusugan at edukasyon, lalo na’t kritikal ang mga sektor na ito para matiyak ang magandang kinabukasan ng ating mga kababayan.




13/08/2026

Muli nating balikan ang isang mahalagang tagumpay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa layuning mabigyan ng Patient Transport Vehicles (PTVs) ang lahat ng 82 lalawigan sa Pilipinas.

Sa pag-turnover ng mga PTV sa 21 lalawigan sa Northern at Central Luzon, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang inyong lingkod, naisakatuparan natin ang 100% PTV coverage noong Hulyo 24, 2026.

Sa kabuuan, 1,830 Patient Transport Vehicles na ang naipagkaloob ng PCSO sa buong bansa bilang bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP).

Malayo na ang narating ng programang ito, ngunit hindi dito nagtatapos ang ating gawain. Patuloy nating palalawakin ang ating mga programa para sa kapakanan ng ating mga kababayan.




Bahagi ng patuloy na adhikain ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagpapabuti ng serbisyong medikal sa m...
11/08/2026

Bahagi ng patuloy na adhikain ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagpapabuti ng serbisyong medikal sa mga komunidad. Kaya naman, ipinagkaloob natin ang iba’t ibang mobility aid at kagamitang medikal sa tatlong benepisyaryo noong Agosto 5, 2026.

Partikular nating nabahagian ng suportang pangkalusugan ang Unang Distrito ng Zambales, Lone District ng Iloilo, at 4Ps Partylist bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng ahensya.

Wheelchair, nebulizer, saklay, blood pressure (BP) apparatus, at walker ang inilaan natin para sa Unang Distrito ng Zambales, samantalang tumanggap ang Lone District ng Iloilo ng mga saklay, BP apparatus, wheelchair, nebulizer, at tungkod.

Samantala, ipinagkaloob naman natin sa 4Ps Partylist ang mga wheelchair at walker na pakikinabangan ng mga kwalipikadong benepisyaryo nito.

Mahalaga para sa PCSO hindi lamang ang pagtupad sa mandatong itinatakda ng CSR Program, kundi ang masiguro na nararamdaman ng ating mga kababayan ang tulong at suporta ng ahensya sa pamamagitan ng ganitong mga programa.




Pagbibigay ng suportang medikal ang naging pangunahing layunin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang isag...
03/08/2026

Pagbibigay ng suportang medikal ang naging pangunahing layunin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang isagawa natin ang ceremonial turnover ng 2D Echo Ultrasound with Doppler para sa Emilio G. Perez Memorial District Hospital (EGPDH) sa Kapitolyo ng Malolos Bulacan ngayong Lunes, Agosto 3, 2026.

Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ang 2D Echo Ultrasound with Doppler ay isang non-invasive na pagsusuri gamit ang ultrasound na nagbibigay ng malinaw na larawan ng galaw, istruktura, mga balbula, at daloy ng dugo sa puso sa pamamagitan ng sound waves.

Inaasahan nating lubos itong mapapakinabangan ng mga residente ng Hagonoy at ng mga karatig-lugar, lalo na't mahalagang kagamitang medikal ito sa maagang pagtukoy at pagsusuri ng mga sakit sa puso.

Isinagawa natin ang inisyatibang ito sa ilalim ng Medical Equipment Donation Program na may layuning mapalawak at mapaigting ang serbisyong pangkalusugan sa mga pagamutan sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Kasabay nito, ipinamahagi rin natin ang lotto shares ng Bulacan na nagkakahalaga ng P1,808, 156.64 para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 357-A na nagtatakda sa PCSO na magbigay ng bahagi ng kita mula sa lotto sa lokal na pamahalaan para sa kanilang mga programa na inilulunsad para sa kanilag mga nasasakupan.

Para sa PCSO, isang produktibong pagsisimula ito ng buwan habang patuloy nating isinusulong ang mga programang naglalayong maghatid ng mas maraming serbisyong pangkalusugan at pangkawanggawa sa ating mga kababayan.




Labing-dalawang local government units (LGUs) sa Metro Manila ang pinagkalooban natin ng mahigit P83 milyon na kabuuang ...
30/07/2026

Labing-dalawang local government units (LGUs) sa Metro Manila ang pinagkalooban natin ng mahigit P83 milyon na kabuuang halaga ng lotto shares mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, July 29, 2026.

Sa idinaos nating ceremonial check turnover sa PCSO Main Office, nakatanggap ng lotto shares ang mga sumusunod na LGU: Caloocan City, Pasig City, Manila City, Las Piñas City, Mandaluyong City, Pasay City, Parañaque City, Muntinlupa City, Navotas City, Makati City, Marikina City, at Malabon City.

Bahagi ito ng ating mandato sa ilalim ng Executive Order No. 357-A kung saan ang parte ng kita mula sa operasyon ng lotto ng PCSO ay inilalaan natin sa mga lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, nasusuportahan natin ang kanilang mga rogramang pangkalusugan, pangkawanggawa, at iba pang proyekto na lubos na mapakikinabangan ng kanilang nasasakupan.

Sumasalamin ang gawaing ito sa makabuluhang kolaborasyon ng PCSO sa mga lokal na pamahalaan na siyang nagsisilbing tulay ng ahensya upang matiyak na naihahatid ang tulong at suporta ng ahensya sa bawat Pilipino.




Maliban sa kalusugan, patuloy ding isinusulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang sektor ng edukasyon s...
30/07/2026

Maliban sa kalusugan, patuloy ding isinusulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mandatory contribution nito sa Commission on Higher Education (CHED).

Isinagawa natin nitong Miyerkules, Hulyo 29, ang pormal na turnover ng P132,430,515.38 na kontribusyon ng PCSO sa CHED para sa kanilang lotto shares mula Enero hanggang Hunyo 2026.

Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o ang Higher Education Act of 1994, inaatasan ang PCSO na mag-remit ng bahagi ng kita nito mula sa operasyon ng lotto bilang suporta sa pagpapatupad ng Higher Education Development Program.

Naniniwala tayo sa PCSO na isang napakahalagang hakbang ito upang maibigay sa ating mga kabataan ang dekalidad na edukasyon na siyang huhubog sa kanilang magandang kinabukasan.




Makasaysayan ang araw na ito para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil nakamit na natin ang 100% PTV co...
24/07/2026

Makasaysayan ang araw na ito para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil nakamit na natin ang 100% PTV coverage sa lahat ng 82 lalawigan sa buong bansa.

Ngayong Biyernes, Hulyo 24, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., katuwang ang inyong lingkod, ang pamamahagi ng 34 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa 21 lalawigan sa Northern at Central Luzon bilang bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP).

Kabilang sa mga benepisyaryong lalawigan ang mga mula sa Region I, Region II, Region III, at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa turnover na ito, matagumpay nating nakumpleto ang target ng programa na mabigyan ng PTV ang lahat ng lalawigan sa bansa.

Dalawang PTV ang ipinagkaloob ng PCSO sa La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.

Samantala, isang karagdagang PTV ang ipinagkaloob sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province, na nauna nang nabigyan ng tig-iisang yunit sa ilalim ng programa.

Malugod kong ibinabahagi na sa kabuuan, 1,830 PTV na ang naipagkaloob ng PCSO sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naisakatuparan natin ang ganito kalawak na inisyatiba upang mabigyan ng sasakyang medikal ang lahat ng lalawigan sa ilalim ng isang programa ng pamahalaan.

Naging posible ang makasaysayang tagumpay na ito sa pamamagitan ng ating matibay na pakikipagtulungan sa pambansa at lokal na pamahalaan, gayundin sa patuloy na suporta ng ating mga katuwang sa paglilingkod.

Bunga ito ng ating sama-samang pagsisikap na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng ligtas at agarang transportasyon para sa mga pasyente.

Asahan ninyo na hindi rito nagtatapos ang ating misyon. Lalo pa nating paiigtingin ang mga programa ng PCSO upang makatulong sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan at sa patuloy na pagpapabuti ng buhay ng bawat Pilipino.




Patuloy nating pinalalakas ang Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippine Charity Sweepstakes Offi...
22/07/2026

Patuloy nating pinalalakas ang Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) s a pamamagitan ng pagkakaloob ng isang Patient Transport Vehicle (PTV) sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ngayong Miyerkules, Hulyo 22, 2026.

Sa isinagawang turnover ceremony sa PCSO Main Office, personal na tinanggap ni Pasig City Vice Mayor Robert Jaworski Jr. ang PTV, na inaasahang makatutulong sa mas mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangang medikal ng mga Pasigueño.

Higit sa dami ng mga PTV na naipagkakaloob sa iba't ibang panig ng bansa, nakatuon tayo sa l ayuning mapalawak ang access ng mga Pilipino sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, bilang suporta sa hangarin ng pamahalaan na maisakatuparan ang Universal Health Care, lalo na para sa mga higit na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.




Address

Mandaluyong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Melquiades "Mel" Robles posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share