DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program

DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program Information to prevent illegal recruitment & trafficking in persons
MAGING MATALINO, HUWAG MAGPALOKO!

News Alert Migrant Workers Protection Bureau 28 August 2026๐——๐— ๐—ช, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ...
28/08/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
28 August 2026

๐——๐— ๐—ช, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜; ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ, ๐Ÿฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ

๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” Pinaiigting ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kampanya laban sa illegal recruitment matapos ang dalawang magkahiwalay na aksyon: ang pagsasara ng isang recruitment firm sa Clark Freeport Zone, Pampanga na nag-aalok umano ng mga trabaho sa Australia, at ang pagkakaaresto ng dalawang suspek sa Santiago City, Isabela kaugnay ng mapanlinlang na alok ng trabaho sa Ireland.

Peloton Workready, ipinasara sa Clark

Sa pangunguna nina Assistant Secretary Jerome Alcantara at Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) Directors Romelson Abbang at Eric Dollete, ipinahinto ng DMW ang operasyon ng Peloton Workready OPC (Peloton) sa Clark Freeport Zone matapos ang imbestigasyon kaugnay ng umano'y hindi awtorisadong recruitment ng mga Pilipino para sa mga trabaho sa Australia.

Nagsimula ang imbestigasyon matapos makatanggap ang MWPB ng ulat tungkol sa recruitment activities ng Peloton. Batay sa imbestigasyon, nag-aalok umano ang ahensya ng iba't ibang trabaho sa Australia โ€” kabilang ang construction worker, welder, carpenter, factory worker at iba pang skilled trade positions โ€” na may iniaalok na sahod na umaabot sa โ‚ฑ150,000 hanggang โ‚ฑ200,000 kada buwan, depende sa posisyon.

Ipinopromote umano ang mga oportunidad sa pamamagitan ng page na "Peloton Workready OPC," kung saan hinihikayat ang mga aplikante na magsumite ng aplikasyon online. Sumailalim umano ang mga aplikante sa document screening, interviews, trade skills assessment at final interview kasama ang isang sinasabing Australian employer, at hiningi rin ang mga dokumentong gaya ng passport, employment records, government clearances at iba pang qualification documents.

Bagama't ipinahayag ng Peloton na "no placement fee" ang recruitment at sasagutin umano ng foreign employers ang ilang processing at deployment costs, inatasan naman umano ang mga aplikante na sagutin ang kanilang personal na pamasahe, documentary requirements, interview-related expenses at trade assessment. Sinikap din umano ng ahensya na magpakita ng pagiging lehitimo sa pamamagitan ng mga testimonial ng mga sinasabing na-deploy na manggagawa at sa paglalathala ng mga Modern Slavery Statements sa kanilang website.

Mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga officer ng Peloton, kasama ang ilang empleyadong may kinalaman sa naturang aktibidad. Isasama rin ang kanilang mga pangalan sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Record, at irerekomenda ng DMW ang pagkansela ng business permit nito sa Pamahalaang Lungsod ng Angeles, gayundin ang pagkansela ng rehistrasyon nito sa Securities and Exchange Commission (SEC).

2 suspek, naaresto sa entrapment operation sa Isabela

Samantala, arestado naman sina Emelita Melo at Joseph Arconcil sa isinagawang entrapment operation ng DMW Region 2, MWPB, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela Provincial Field Unit noong Agosto 28, 2026 sa P7 Provincial Road, Santiago City, Isabela.

Naaresto ang mga suspek dakong alas-10:00 ng umaga sa kanilang tanggapan ng Learghusa Immigration and Consultancy Services/Leisaphil Immigration and Consultancy Services, matapos magsampa ng reklamo ang mga biktima kaugnay ng umano'y ilegal na recruitment at mapanlinlang na alok ng trabaho sa Ireland.

Ayon sa imbestigasyon ng DMW Region 2, nag-aalok umano ang mga suspek ng visa assistance para sa Ireland at nangangako ng garantisadong trabaho bilang caregivers, na may sahod na umaabot sa โ‚ฌ3,200 o mahigit PhP 200,000.00 kada buwan. Nahuli ang dalawa habang isinasagawa umano ang kanilang recruitment activities sa kanilang tanggapan.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang mga suspek sa CIDG Provincial Office sa Ilagan, Isabela para sa booking, mugshot at paghahanda ng kaukulang kaso bago iharap sa Office of the City Prosecutor ng Santiago City para sa inquest proceedings.

Pinaaalalahanan ng DMW ang publiko na maging mapanuri sa mga nag-aalok ng trabaho at visa assistance para sa ibang bansa, lalo na sa mga nangangako ng garantisadong trabaho at mataas na sahod. Hinihikayat ang mga naghahanap ng trabaho abroad na beripikahin muna ang job offer at awtoridad ng recruiter bago magsumite ng mga dokumento o maglabas ng anumang halaga.

"Patuloy na paiigtingin ng DMW ang mga operasyon laban sa illegal recruitment at iba pang mapanlinlang na recruitment schemes, katuwang ang mga law enforcement agencies, upang maprotektahan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa," ayon sa ahensya.

Nananawagan din ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima ng Peloton at nina Melo at Arconcil na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal.


28/08/2026

Protecting OFWs and Job Seekers, DMW conducts closure operation against PELOTON WORKREADY OPC. located at 2nd FI, Clark Center 2, Jose Abad Santos (Clark Freeport Zone), Angeles City, Pampanga for illegal recruitment activities.

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ.Ang hindi pagbibigay ng opisyal na resibo para sa hinihinging placement o pro...
28/08/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ.

Ang hindi pagbibigay ng opisyal na resibo para sa hinihinging placement o processing fee ay maaaring indikasyon ng kahina-hinalang recruitment process.

โœ… Siguraduhing may opisyal na resibo sa bawat transaksyon.
๐Ÿšซ Huwag magbayad kung walang maipakitang wastong dokumento o resibo.

Kung may kahina-hinalang alok, i-report sa DMW.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ!


๐—ฆ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€: ๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—” ๐Ÿด๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿต.Kaya kung kinukuha o itinatago ito ng recruiter, kahit li...
26/08/2026

๐—ฆ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€: ๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ? ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—บ๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—” ๐Ÿด๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿต.

Kaya kung kinukuha o itinatago ito ng recruiter, kahit licensed pa, maaari itong ituring na Illegal Recruitment sa ilalim ng RA 8042, as amended by RA 10022, Sec. 6(k).

Kung kinuha o ayaw ibalik ng recruiter ang passport mo, bawiin ito o i-report agad sa DMW!

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ!

24/08/2026
๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ผ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ.May nag-aalok ng trabaho abroad sa Facebook, TikTok, ...
21/08/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ผ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ.

May nag-aalok ng trabaho abroad sa Facebook, TikTok, o Messenger? Bago mag-reply ng โ€œInterested po,โ€ mag-verify muna!

Alamin kung sino ang recruiter, employer, at recruitment agency. Kapag malabo ang impormasyon, sobrang ganda ng pangako, o may kahina-hinalang requirements, red flag โ€˜yan.

Kung may kahina-hinalang alok, i-report sa DMW.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ!


๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑPaalala sa mga Pilipinong naghahanap...
20/08/2026

๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข

๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ

Paalala sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa: ang mga immigration consultancy sa Pilipinas at ibang bansa ay hindi awtorisadong magsagawa ng recruitment at placement para sa overseas employment.

Ang pagsasagawa ng recruitment activities, gaya ng pag-aalok, pag-a-advertise, pagre-refer, o pangangako ng trabaho abroad, nang walang kaukulang lisensya o awtoridad mula sa Department of Migrant Workers (DMW) ay itinuturing na illegal recruitment.

Para sa listahan ng LICENSED RECRUITMENT AGENCIES, bisitahin ang: https://dmw.gov.ph/inquiry/licensed-recruitment-agencies


๐—ฆ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€: ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ผ๐˜„-๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป!Blue check โ‰  DMW-licensed.Bago mag-apply, siguraduhing verif...
19/08/2026

๐—ฆ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€: ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ผ๐˜„-๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป!

Blue check โ‰  DMW-licensed.

Bago mag-apply, siguraduhing verified at licensed ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruiter o recruitment agency.

I-check ang opisyal na listahan ng DMW:
https://dmw.gov.ph/inquiry/licensed-recruitment-agencies

Huwag basta maniwala sa blue check, followers, o mukhang legit na page. Ang mahalaga: licensed ba talaga ng DMW at may valid na job order?

Protektahan ang sarili laban sa illegal recruitment.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ!

News Alert Migrant Workers Protection Bureau ๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜†๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—œ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ญ๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ, ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ถ๐—น๐—ผ...
18/08/2026

News Alert
Migrant Workers Protection Bureau

๐—ฆ๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜†๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—œ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐˜‚๐—ถ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—ญ๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ, ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ถ๐—น๐—ผ

๐˜๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ช๐˜ต๐˜บ, ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด โ€” Naaresto sa Iloilo City si Julie Pearl Robejes, na umanoโ€™y nagpapatakbo ng Paragon Visa Consultancy, kaugnay ng kasong Syndicated Illegal Recruitment at Estafa na isinampa matapos umanong manghikayat at maningil sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa New Zealand.

Ayon sa mga reklamo, noong 2025 ay nag-recruit umano si Robejes at kanyang mga empleyado ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa New Zealand. Nangako umano sila ng employment para sa ibaโ€™t ibang kasanayan at propesyon, kapalit ng processing fees na umaabot mula โ‚ฑ100,000 hanggang โ‚ฑ300,000.

Para sa mga aplikanteng hindi kayang bayaran ang kinakailangang halaga, umanoโ€™y nire-refer sila ni Robejes sa mga loan agent upang makalikom ng pambayad sa kanilang recruitment-related expenses.

Gayunman, pagdating ng ilang complainant sa New Zealand, wala umano silang nadatnang trabahong ipinangako sa kanila. Ang ilan ay walang ready employment, habang ang iba naman ay nakapagtrabaho ngunit sa mga posisyong iba sa mga unang ipinangako sa kanila.

Nalaman din umano ng mga complainant na ni-raid ng mga awtoridad sa New Zealand ang bahay ni Robejes sa Auckland kaugnay ng umanoโ€™y kawalan ng kinakailangang lisensya upang magsagawa ng recruitment activities. Dahil dito, ang ilan sa mga complainant ay umuwi sa Pilipinas, habang ang iba ay nanatili sa New Zealand at nagtrabaho pansamantala.

Nagbigay ng assistance ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga complainant sa pagsasampa at pagpapatuloy ng mga kaso laban kay Robejes at sa kanyang mga empleyado.

Sa kabuuan, 13 kaso ang naisampa kaugnay ng mga reklamoโ€”pitong kaso sa pamamagitan ng DMW Regional Office VI at anim na kaso sa pamamagitan ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB)โ€”para sa Syndicated Illegal Recruitment at Estafa.

Noong 23 Marso 2026, naglabas ang Regional Trial Court Branch 27, Iloilo City ng Warrant of Arrest laban kay Robejes at dalawa pa niyang empleyado kaugnay ng People of the Philippines vs. Robejes, et al., na nakadocket bilang Criminal Case No. 26-96939.

Noong 13 Agosto 2026, dakong alas-9 ng gabi, matagumpay na naaresto si Robejes ng mga tauhan ng La Paz Police Station 2 sa Iloilo City. Matapos ang kanyang pagkakaaresto, siya ay dinala at pansamantalang ipinuwesto sa kustodiya ng nasabing himpilan.

Noong 16 Agosto 2026, isinugod si Robejes sa St. Paulโ€™s Hospital sa Iloilo City matapos makaranas ng persistent stomach ache at medical emergency. Sa kasalukuyan, siya ay nasa PS2 Female Custodial Facility habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng kaso at turnover sa korte.

Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima ni Robejes na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal o magtungo sa DMW o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa pagsasampa ng reklamo.


Address

Mandaluyong

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63287210619

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DMW Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program:

Shortcuts

Share