21/09/2026
π‘ππ©ππ₯ ππ’π₯πππ§: πππ‘ππ π πππππππ ππ‘π πππ§π’π§π’πππ‘ππ‘!
TINGNAN: Sa ika-54 na paggunita sa Martial Law, lumabas mula sa mga silid-aralan ang mga estudyante ng Bulacan State University para sa isang campus walkout ngayong Setyembre 21, bitbit ang paninindigang hindi dapat malunod sa paglimot ang kasaysayan, katotohanan, at mga aral ng nakaraan.
Mula sa loob ng pamantasan, sabay-sabay na umalingawngaw ang mga panawagan para sa demokrasya, karapatang pantao, pananagutan, at isang kinabukasang hindi ipinagkakait sa mga mag-aaral. Sa bawat hakbang at placard, ipinapaalala ng mga BulSUan na ang pag-alala ay hindi lamang paglingon sa kasaysayan, kundi pagkilos upang hindi na maulit ang mga pagkakamaling minsang nagdulot ng takot, pang-aabuso, at pagkitil sa mga karapatan ng mamamayan.
Sa Akbayan Youth β BulSU, naninindigan tayo: hindi dapat maging tahimik na pahina ng kasaysayan ang Martial Law. Habang may mga pagtatangkang tabunan, baluktutin, o ilubog sa limot ang katotohanan, mananatiling bukas ang ating mga mata at nakataas ang ating mga tinig.
Sapagkat maaaring bumaha ang mga lansangan, ngunit hindi mababaha ang katotohanan.
HINDI MABABAHAN ANG KATOTOHANAN! HINDI MABUBURA ANG KASAYSAYAN! NEVER FORGET, NEVER AGAIN TO MARTIAL LAW!
Credits: Joaquin Marcelo, Regis Serviano and Dhadiel Concepcion