08/09/2026
Ngayong araw, Setyembre 8, ating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ina ni Hesukristo at huwaran ng kababaang-loob, pananampalataya, at pagtitiwala sa Diyos.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang buhay ni Birheng Maria upang patuloy tayong mamuhay nang may pananampalataya, pagmamahal at malasakit sa ating kapwa.
Maligayang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria! Patuloy nawa niya tayong gabayan at ipanalangin tungo sa isang buhay na puno ng pag-asa at paglilingkod.