BulSU Students' Rights and Welfare

BulSU Students' Rights and Welfare Paglingkuran ang Bayan, Para sa Mapagpalayang Karapatan! It attends to the grievances of the students and aims to establish a peaceful settlement.

The Students' Rights and Welfare (SRW) Committee aims to protect and uphold the rights and welfare of every BulSUans, and advocate changes both inside and outside Bulacan State University through resolutions and inquiries in aid of legislation. Responsibilities:
1. Entertain the grievances of the students and provide for guidelines in handling student
cases
2.Endorse the complaints of the students

to the proper university authorities and defend the
student’s side together with the SSC President provided that probable cause is determined.
3. Propose infrastructure developments based on the findings of the Research and
development Committee

Email us at: [email protected]

PROPOSED BULSU GRADING SYSTEM, HINDI MAKA-ESTUDYANTE!Kamakailan lang ay naghain ng proposal na grading system kapalit ng...
22/08/2026

PROPOSED BULSU GRADING SYSTEM, HINDI MAKA-ESTUDYANTE!

Kamakailan lang ay naghain ng proposal na grading system kapalit ng Zero Based Grading System (ZBGS), at matapos ang masusing pag-aaral at mga konsultasyon, napagtanto ng Konseho ng mga Mag-aaral na hindi ito maka-estudyante, at higit sa lahat, hindi nito tinutugunan ang tunay na pangangailangan ng ng mga Iskolar ng Bayan.

Kung hindi para sa estudyante ito nagsisilbi, hindi dapat tayo sumasangayon sa pagpapasa ng grading system na ito. Para sa kolektibong kilos sama-sama nating ilabanan ang maka-estudyanteng sistema! ✊🏻

SIGN THE PETITION NOW!
https://c.org/DGgNHL69dr
https://c.org/DGgNHL69dr
https://c.org/DGgNHL69dr




TAMBAK NA KANSELASYON, DAHIL SA KORAPSYON 🤮💢Bilyun-bilyong piso ang inilaan para sa flood control, ngunit sa bawat malak...
21/08/2026

TAMBAK NA KANSELASYON, DAHIL SA KORAPSYON 🤮💢

Bilyun-bilyong piso ang inilaan para sa flood control, ngunit sa bawat malakas na ulan, tila patuloy ang paglubog ng mamamayan. Sa gitna nito, hindi dapat matabunan ng baha ang mga tanong tungkol sa mga proyektong kinuwestiyon at pondong dapat sana’y para sa kaligtasan ng taumbayan. Hindi dapat nito tangayin ang alaala ng mga pondong nilustay ng mga gahaman.

Hindi nakakalimot ang taumbayan at hindi rin dapat nakakalimot ang pamahalaan.

MANAGOT NA ANG DAPAT MANAGOT,
IKULONG LAHAT NG MGA KURAKOT.


NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KONSEHO NG MAG-AARAL SA INIHAING PONDO NG NEP 2027 SA BULSUAng Konseho ng Mag-aaral ng Bulacan S...
16/08/2026

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG KONSEHO NG MAG-AARAL SA INIHAING PONDO NG NEP 2027 SA BULSU

Ang Konseho ng Mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU) ay sama-samang naninindigan para sa nararapat na pag-angat ng pangkabuoang badyet na nakalaan para sa pamantasan.

Sa inilabas na proposed budget sa National Expenditure Program (NEP) para sa unibersidad, naitalang may nakalaan na P1,849,576,000 na halaga para sa susunod na taon. Bumaba ito ng P260,424,000 kumpara sa GAA 2026 budget na nagkakahalaga ng P2,110,000,000.

Habang kinikilala ng konseho ang pagtaas ng badyet para sa Free Higher Education ng 7.41% (₱41,847,000) na magbibigay karagdang akses sa libreng edukasyon para sa mga susunod na iskolar ng bayan, hindi dapat napag-iiwanan ang mahahalagang pasilidad, kagamitan, at proyekto na mas magbibigay espasyo sa mga mag-aaral.

Ayon sa NEP 2027, bumaba ng P277,340,000 ang Capital Outlays (CO) na siyang dapat sumusuporta para sa pagtatayo, pag-re-renovate, at pagdagdag pa sa mga long-term university facilities at equipment na susuporta sa inaasam na dagdag kapasidad sa bilang ng mga estudyante sa pamantasan.

Noong December 2025, sa isinapublikong pag-aaral ng Research and Development Committee napag-alaman na hindi sumasapat ang bilang at accomodation ng mga learning spaces sa pamantasan magmula sa mga seating capacity, ventillation at maayos na maintenance sa mga ito. Kaakibat pa nito ang natanggap na impormasyon ng Students’ Rights and Welfare Committee nitong July 2026 mula sa Office of the Academic Affairs at bawat Dean’s Office na nagsasabing walang unutilized rooms para sa mga student organizations at student sectors sa pamantasan dahil nakalaan na lahat ng espasyo na ito para sa mga pang-akademiko at administratibong espasyo.

Base sa mga datos na ito, maliwanag na kasabay dapat ng isang mas pinalalagong bilang sa pamantasan ang kalidad na pangmatagalang serbisyo na susuporta sa pag-aaral. Mula sa hindi matapos-tapos na mga pinondohang establisyimento sa Campus 2 hanggang sa simpleng paglalaan ng mga tunay na conducive classrooms na sasapat para sa lahat.

Ngunit hangga’t hindi pa tuluyang naisasabatas ang pondo na ito sa General Appropriations Act (GAA) ng taong 2027, panawagan natin sa Kongreso na agarang dinggin ang ipinasang GA Resolution ng Academic Affairs Committee noong 2025 para ipanawagan ang mas mataas na alokasyon ng pondo sa BulSU para sa GAA 2027 na talagang tutugon sa lahat ng aspeto ng pangangailangan sa unibersidad.

Ang daan para sa isang aksesibol at kalidad na edukasyon ay hindi dapat pababa: bagaman kinikilala ng konseho ang mas mataas na pondo sa ilang mahahalagang parte ng pangkabuoang badyet ay hindi dapat dito natatapos ito. Nananatili ang ating kagustuhan para sa pagdadagdag ng mga tao sa bakanteng plantilla positions, pondo sa scholarships, mainam na university facilities para sa bawat mag-aaral at grupo at iba pang mga primaryang pangangailangan ng mga BulSUans.

Ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan na dapat nating IPAGLABAN!

Mga sanggunian:
BulSU NEP 2027:http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/NEP2027/SUCS/E/E4.pdf
BulSU GAA 2026:https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2026/VolumeIA/SUCS/F4.pdf
BulSU SG Research & Development Committee Classroom Capacity and Facilities Assessment: https://www.facebook.com/share/p/1bQnjEtUbm/

Mga Larawan:
Wheree
Pacesetter
Wikipedia
PDJ Campus
BulSU SG Research and Development
Bulacan State University
BulSU Capture
CAFA Sketch
Taytayan



16/08/2026
📌 NOTICE | POSTPONEMENT OF COMMITTEE HEARINGIpinapaalam na ang nakatakdang Committee Hearing ay pansamantalang ipinagpap...
09/08/2026

📌 NOTICE | POSTPONEMENT OF COMMITTEE HEARING

Ipinapaalam na ang nakatakdang Committee Hearing ay pansamantalang ipinagpapaliban dahil sa hatid na kondisyon ng panahon at bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.

Sa halip, magkakaroon muna ng Committee Review na isasagawa alinsunod sa mga itinakdang legislative measures at umiiral na alituntunin ng Student Government.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat. Maraming salamat sa inyong konsiderasyon.

Para sa estudyante at para sa masa.



PARA SA MAPAGPALAYANG KARAPATAN Salamat sa bawat BulSUan na patuloy na nakikiisa, naninindigan, at ipinaglalaban ang kar...
07/08/2026

PARA SA MAPAGPALAYANG KARAPATAN

Salamat sa bawat BulSUan na patuloy na nakikiisa, naninindigan, at ipinaglalaban ang karapatan ng bawat estudyante.

Hindi matatapos sa ika-100 araw ang ating panawagan at patuloy ang ating pakikibaka para sa isang malaya, makatarungan, at mapagpalayang pamantasan.

Para sa Mapagpalayang Karapatan para sa bawat BulSUans. ✊🏻


[PARTNERSHIP ✨]ALL ABOARD TO OUR FIRST DESTINATION! 🛶In collaboration with Rotaract Club of Marilao Circle together with...
07/08/2026

[PARTNERSHIP ✨]

ALL ABOARD TO OUR FIRST DESTINATION! 🛶

In collaboration with Rotaract Club of Marilao Circle together with BulSU Students' Rights and Welfare the Lingkod-Kapwa Outreach initiative is set to sail the waters of Obando, Bulacan to visit the coastal community of Barangay Binuangan!

Together with the help of volunteers from all three groups, we have managed to repack 80 envelopes of school supplies and snacks to be distributed to their beloved community

See you tomorrow, kiddos!



[OFFICE MEMORANDUM NO. 009 S. OF 2026]Ipinapahayag ni Senator Criscel D. Dela Peña, Chairperson ng Students' Rights and ...
07/08/2026

[OFFICE MEMORANDUM NO. 009 S. OF 2026]

Ipinapahayag ni Senator Criscel D. Dela Peña, Chairperson ng Students' Rights and Welfare ang Office Memorandum Blg. 009, S. 2026. Ito ay upang ipabatid ang Unang Committee Hearing para sa Non-Financial Resolution na naka-ilalim sa SRW Committee.

Para sa estudyante at para sa masa.

OM NO. 009 S. OF 2026:
https://bit.ly/4q7MPxS
https://bit.ly/4q7MPxS
https://bit.ly/4q7MPxS



[PARTNERSHIP]MAGLINGKOD SA BAYAN, MAGING SA KAPWA 📦👥Sa bawat donasyon na ating nalikom mula sa nagdaang pagdiriwang ng  ...
07/08/2026

[PARTNERSHIP]

MAGLINGKOD SA BAYAN, MAGING SA KAPWA 📦👥

Sa bawat donasyon na ating nalikom mula sa nagdaang pagdiriwang ng sa unibersidad, atin namang bigyang diwa ang paglilingkod sa bayan na tatagos sa bawat komunidad na nangangailangan.

Handog namin ang LINGKOD-KAPWA OUTREACH SERIES, serye ng mga outreach mission ng Freshie Union Committee katuwang ang bawat Local Student Council at ang ating mga project partners mula sa:

BULSU Office of the Student Regent
BULSU SG Office of the Vice President - OVP
BulSU Students' Rights and Welfare
BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee
BULSU SG Bayanihan Tayo
Rotaract Club of Marilao Circle

Abangan ang mga nakalinya naming mga proyekto't inisyatibo sa mga susunod na araw 🤝

Illustration by: Denniel Alfonso
Graphics by: Yzadora Gabrielle




MAGLINGKOD SA BAYAN, MAGING SA KAPWA 📦👥

Sa bawat donasyon na ating nalikom mula sa nagdaang pagdiriwang ng sa unibersidad, atin namang bigyang diwa ang paglilingkod sa bayan na tatagos sa bawat komunidad na nangangailangan.

Handog namin ang LINGKOD-KAPWA OUTREACH SERIES, serye ng mga outreach mission ng Freshie Union Committee katuwang ang bawat Local Student Council at ang ating mga project partners mula sa:

BULSU Office of the Student Regent
BULSU SG Office of the Vice President - OVP
BulSU Students' Rights and Welfare
BULSU SG Gender Equality, Diversity and Inclusion Committee
BULSU SG Bayanihan Tayo
Rotaract Club of Marilao Circle

Abangan ang mga nakalinya naming mga proyekto't inisyatibo sa mga susunod na araw 🤝

Illustration by: Denniel Alfonso
Graphics by: Yzadora Gabrielle




06/08/2026

Address

Malolos

Telephone

+639777123780

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSU Students' Rights and Welfare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BulSU Students' Rights and Welfare:

Shortcuts

Share