BulSUONE CHTM

Contact the organization

BulSUONE CHTM Lagi't lagi, CHTM �

POSISYON NA PAPEL SA SENADO NG PILIPINAS UKOL SA PANAWAGAN PARA SA MAS MATAAS AT SUSTENABLENG BADYET PARA SA BULSU Sa pa...
30/09/2026

POSISYON NA PAPEL SA SENADO NG PILIPINAS UKOL SA PANAWAGAN PARA SA MAS MATAAS AT SUSTENABLENG BADYET PARA SA BULSU

Sa pangunguna ni Senator Paul Bajado ng BulSU Student Government, inihain ng BulSUONE ang panawagan na bigyang-pansin ang aktuwal na pangangailangan ng ating unibersidad sa pagtalakay ng pambansang badyet.

Mga nilalaman ng papel:

• Mas mataas at sapat na badyet para sa BulSU — partikular sa harap ng pagbaba ng panukalang FY 2027 budget ng unibersidad.

• Mas maraming plantilla at sapat na Personnel Services — upang tumugon sa pangangailangan ng lumalaking student population, academic programs, at student services.

• Mas malaking Capital Outlay — para sa classrooms, laboratories, libraries, equipment, rehabilitation, student spaces, athletic facilities, at accessibility improvements.

• PWD-friendly at accessible na BulSU — upang matiyak na may aktuwal na resources para sa accessible facilities at inclusive university spaces.

• Sapat na suporta para sa student-athletes — kabilang ang training, equipment, facilities, coaching, medical support, nutrition, at transportation.

• Pondo para sa student organizations at activities — dahil bahagi rin ng student development ang pagkakataong makapag-organisa, makilahok, at magsagawa ng mga programa.

• Sapat na suporta para sa campus publications — upang magkaroon ng resources ang student journalists habang napapanatili ang kanilang editorial independence.

• Mas matibay na financial assistance at student welfare programs — dahil hindi nagtatapos sa libreng tuition ang mga gastusing kinakaharap ng mga estudyante.

Panawagan ng BulSUONE ang pagpapanumbalik at pagtaas ng pambansang alokasyon para sa Bulacan State University, kasama ang sapat na pondo para sa Personnel Services, Capital Outlays, student development, accessibility, athletics, publications, at student welfare.

Isang buong lakas para sa BulSU at Bayan.

Quick question, BulSUans!Kapag sinabi nating “flagship program” ano ang unang pumapasok sa isip mo?Para sa iba, maaaring...
30/09/2026

Quick question, BulSUans!

Kapag sinabi nating “flagship program” ano ang unang pumapasok sa isip mo?

Para sa iba, maaaring pamilyar na ang termino. Para naman sa iba, baka ngayon pa lang ito napapansin. Baka may ilan din na may sariling pagkakaintindi batay sa mga naririnig, nabasa, o nararanasan nila.

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng flagship program? Bakit may mga programang iniuugnay sa partikular na campus? Ano ang batayan nito? At paano ito maaaring makaapekto sa mga estudyante?

Ikaw, BulSUan, ano ang pagkakaintindi mo sa flagship program?


UPDATE | OPISYAL NA ULAT HINGGIL SA PAKIKIPAG DAYALOGO NG BULSUONE SA BULSU ADMINKakatapos lamang ng ating pakikipag-ugn...
09/09/2026

UPDATE | OPISYAL NA ULAT HINGGIL SA PAKIKIPAG DAYALOGO NG BULSUONE SA BULSU ADMIN

Kakatapos lamang ng ating pakikipag-ugnayan sa administrasyon ng Bulacan State University. Bagama't nilinaw nilang non-negotiable ang suspensyon ng mga klase, ayon na rin sa datos na ipinasa ng Student Government patungkol sa percentage ng attendance ng BulSUans. narito ang mga mahahalagang hakbang na ating nakamit para sa kapakanan ng mga mag-aaral:

1. Espesyal na Pagsusulit at Deadlines. Maglalabas ang administrasyon ng memorandum upang ilipat sa susunod na linggo ang lahat ng special exams. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay nito ngayong linggo. Ipinagbabawal din sa mga propesor na humingi ng karagdagang requirements bago makakuha ng special exam ang isang mag-aaral. Magkakaroon din ng pangkalahatang pag-urong sa mga academic deadlines.

2. Evacuation Sites. Inaprubahan at maaari nang gamitin ang mga evacuation sites sa loob ng campus para sa mga estudyanteng hindi makauwi at nangangailangan ng ligtas na masisilungan.

3. Health Break. Na-secure natin ang pagkakaroon ng Health Break. Kasalukuyan na itong pinoproseso, ngunit hindi pa tiyak kung maipapatupad ito agad sa susunod na linggo.

4. Tulong sa Transportasyon. Bukas ang administrasyon na ikonsidera ang pagbibigay ng transportasyon sakaling mas lumala pa ang sitwasyon at pagbaha.

Batid nating hindi ito ang buong aksyon na inaasahan dahil hindi natin nakamit ang kabuuang suspensyon, ngunit ang mga kompromisong hakbang na ito ay iginiit natin upang mabigyan ng agarang kaligtasan ang ating mga mag-aaral. Patuloy nating babantayan ang mabilisang paglabas at implementasyon ng memorandum na ito.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang ating mahigpit na panawagan at paggigiit para sa tunay na ACADEMIC EASE. Manatili sa mga ligtas na lugar at patuloy na mag-update sa inyong mga pamilya.


‎ACADEMIC EASE, NOW! SIGN THE PETITION!‎‎Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat, maraming estudyante sa bula...
08/09/2026

‎ACADEMIC EASE, NOW! SIGN THE PETITION!
‎
‎Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat, maraming estudyante sa bulacan ang kasalukuyang humaharap sa mga binahang tahanan, kawalan o hindi stable na kuryente, limitadong pampublikong transportasyon, at mga rutang hindi ligtas daanan.
‎
‎Sa kabila nito, patuloy pa ring isinasaalang-alang ang pagpapatuloy ng mga klase at malalaking academic assessments upang mahabol ang itinakdang academic calendar.
‎
‎Pero sa puntong ito, tungkol na ito sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.
‎
‎Kaya nananawagan kami sa administrasyon ng Bulacan State University at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na agarang magpatupad ng academic ease measures, kabilang ang pagsususpinde ng mga klase at malalaking academic assessments hanggang sa maging mas ligtas at maayos ang sitwasyon.
‎
‎Kung naniniwala kang karapatan ng bawat estudyante na maging ligtas, makapagpahinga, at mapagtuunan ang kanilang pamilya at sariling kalagayan sa panahon ng krisis, mmakiisa sa panawagan at lagdaan ang ating petisyon.
‎
‎Lagdaan ang petisyon:
https://c.org/cTq7ZGbQTt
https://c.org/cTq7ZGbQTt
https://c.org/cTq7ZGbQTt

Story Blast:
https://drive.google.com/file/d/1U5jx1_hyek9HTxfHxBlJ6X1tq3FIgCIP/view

‎
‎
‎

𝗠𝗜𝗗𝗧𝗘𝗥𝗠𝗦 𝗕𝗢𝗢𝗦𝗧!⚡️💛Sa gitna ng pagod, kalamidad, pressure, deadlines, at iba't ibang hamon na kinakaharap ng bawat BulSUa...
06/09/2026

𝗠𝗜𝗗𝗧𝗘𝗥𝗠𝗦 𝗕𝗢𝗢𝗦𝗧!⚡️💛

Sa gitna ng pagod, kalamidad, pressure, deadlines, at iba't ibang hamon na kinakaharap ng bawat BulSUan, nais nating maghatid ng kaunting tulong at suporta upang kahit papaano ay maging mas magaan ang inyong mga araw.

Kaya naman, kaisa ang Local Bayanihan Tayo Committee at Local Mental Health Coalition ng ating kolehiyo, naghanda tayo ng Food Pantry and School Supplies Booth para sa ating mga kapwa BulSUans!

Dito, maaaring kumuha ng ilang food items at school supplies na maaaring makatulong habang patuloy tayong nagsusumikap at humaharap sa mga academic responsibilities. Sapagkat sa dami ng kailangang gawin, minsan isang simpleng tulong lang ang kailangan natin upang tayo ay makapagpatuloy.

Kaya kung napapagod ka na, huminto sandali at bumisita sa ating booth upang mag-recharge!

🗓️: September 7-12, 2026
📍: CHTM Building, 3rd Floor, Front of LSC Office

Gawin nating magaan ang Midterms Week!
Best of luck, BulSUans! 🍀



UPDATE | BULSUONE FILES AN URGENT APPEAL FOR RECONSIDERATION OF JOINT MEMORANDUM NO. 21, S. 2026Matapos ilabas ang Joint...
06/09/2026

UPDATE | BULSUONE FILES AN URGENT APPEAL FOR RECONSIDERATION OF JOINT MEMORANDUM NO. 21, S. 2026

Matapos ilabas ang Joint Memorandum No. 21, S. 2026 na nagtatakda ng face-to-face at on-site Midterm Examinations mula September 7 hanggang 13, pormal na naghain ang BulSUONE, kasama ang mga student representatives, ng isang urgent appeal para sa reconsideration ng nasabing direktiba.

Kinikilala ng BulSUONE ang mga hakbang na inilaan ng Administrasyon para sa mga estudyanteng hindi makadadalo sa pagsusulit. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, naninindigan kami na hindi sapat ang mga ito upang maituring na tunay na Academic Ease.

Hindi leniency ang pag-aatas sa mga estudyanteng direktang naapektuhan ng kalamidad na makipag-coordinate pa sa kanilang mga propesor upang makakuha ng special examination—lalo na kung marami sa kanila ay kasalukuyang walang kuryente, signal, internet, o maayos na paraan upang makipag-ugnayan.

Hindi rin sapat ang pagpapahintulot sa civilian attire kung ang pangunahing problema ay mga binahang lugar, impassable roads, disrupted transportation, at panganib sa pagbiyahe.

Higit sa lahat, hindi dapat maging batayan ng patas na academic assessment ang kung sino ang may kakayahang makapunta sa campus at kung sino ang kailangang manatili sa kanilang mga komunidad upang harapin ang epekto ng kalamidad.

Kaya naman nananawagan ang BulSUONE para sa genuine academic leniency—isang konsiderasyong hindi lamang ipinapasa sa indibidwal na estudyante, kundi isang institusyonal na tugon na kumikilala sa aktuwal na kalagayan ng buong student body.

Sa ating apela, hinihiling namin ang:
• Pagtanggal sa indibidwal na requirement na makipag-coordinate sa professors para sa mga estudyanteng naapektuhan ng kalamidad;
• Pagpapaliban ng Midterm Examinations upang mabigyan ang mga estudyante ng sapat na panahon para makabawi at makapaghanda;
• Pagpapatupad ng online, flexible, o alternative examination modalities;
• Tunay na academic ease para sa mga estudyanteng kailangang unahin ang kanilang kaligtasan, tahanan, pamilya, at pagbangon mula sa kalamidad; at
• Proactive at flexible academic arrangements mula sa mga kolehiyo at faculty, sa halip na ipaubaya sa mga estudyante ang buong responsibilidad na maghanap ng paraan upang makasunod sa kasalukuyang schedule.

Access the full petition letter here: https://tinyurl.com/5n85u5vc


KALENDARYO BA O ANG BULSUAN? HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE!Mariin nating pinupuna ang hakbang ng administras...
06/09/2026

KALENDARYO BA O ANG BULSUAN? HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE!

Mariin nating pinupuna ang hakbang ng administrasyon sa paglalabas ng Joint Memorandum No. 21, S. 2026. Sa kabila ng ating pormal na petisyon at pagkalampag para sa makatarungang konsiderasyon, ipinag-utos ng pamantasan na ituloy ang Midterm Examinations sa pamamagitan ng face-to-face o on-site modality mula Setyembre 7 hanggang 13.

Pahihintulutan nga ang pagsuot ng civilian attire mula Setyembre 7 hanggang 13 para sa mga estudyante, ngunit liliwanagin natin: HINDI ITO ANG HINIHINGI NG MGA ESTUDYANTE! Hindi damit ang pangunahing problema ng mga BulSUan kundi ang kaligtasan sa pagbiyahe at ang kawalan ng sapat na oras upang makapag-aral matapos bahain ang kani-kanilang mga tahanan.

Nakasaad sa inilabas na memo na ang mga estudyanteng labis na naapektuhan ng baha, nasirang kalsada, at hirap sa transportasyon ay maaaring kumuha ng special examination nang walang academic penalty. Subalit, ibinato lamang ng administrasyon ang bigat at pasanin sa mga estudyante dahil sila pa ang inatasan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga propesor para sa special exam arrangements. Paano makikipag-ugnayan ang mga estudyanteng kung walang signal, kuryente, o internet connection?

Kalendaryo ba o ang BulSUan? Ang tunay na academic leniency, inuuna ang safety! Ang pagpupumilit na ituloy ang on-site na pagsusulit para sa mga nakakapasok diumano ay nagdudulot lamang ng hindi patas na sitwasyon, kung saan naiiwan ang mga biktima ng kalamidad na kailangan pang magmakaawa para sa konsiderasyon.
Hindi ganito ang tunay at makataong Academic Ease. Hindi tayo titigil hangga't hindi nakakamit ang institusyonal na konsiderasyon na patas para sa lahat.

TAMA NA ANG BINGI-BINGIHAN! ACADEMIC EASE NOW!



05/09/2026
PANAWAGAN PARA SA ACADEMIC EASE AT ONLINE MIDTERM EXAMINATIONSNananawagan ang BulSUONE sa Bulacan State University Admin...
05/09/2026

PANAWAGAN PARA SA ACADEMIC EASE AT ONLINE MIDTERM EXAMINATIONS

Nananawagan ang BulSUONE sa Bulacan State University Administration na ipatupad ang online at flexible na Midterm Examinations, kasabay ng makatwirang academic consideration para sa mga estudyanteng patuloy na nakararanas ng epekto ng mga nagdaang weather-related disruptions.

Kinikilala natin ang kahalagahan ng academic continuity at pagpapanatili ng academic standards. Gayunpaman, ang pagpapatuloy ng akademikong gawain ay dapat isaalang-alang ang aktuwal na kalagayan ng mga estudyante.

Sa mga nagdaang araw, maraming BulSUans ang nakaranas ng pagkaantala sa klase, naipong requirements, limitadong oras para makapag-aral, at problema sa kuryente, internet, transportation, at access sa learning resources. Sa pagbabalik ng klase, sabay-sabay na kailangang habulin ang mga naantalang aralin at gawain habang papalapit ang Midterm Examinations.

Dahil dito, hinihiling namin ang sapat na panahon para makabawi at makapaghanda, flexible na modalidad ng pagsusulit, at alternatibong arrangements para sa mga estudyanteng may lehitimong limitasyon sa access sa internet, kuryente, devices, at iba pang kinakailangang resources.

Kaya malinaw ang panawagan sa administrasyon:

1. Ipatupad ang online Midterm Examinations upang matiyak ang kaligtasan at accessibility ng mga estudyante.

2. Maglaan ng sapat na panahon para sa academic adjustment bago isagawa ang Midterm Examinations.

3. Magbigay ng alternatibong paraan ng pagsusulit para sa mga estudyanteng hindi makadadalo online, nang walang karagdagang academic penalty.

4. Ipatupad ang asynchronous at offline assessments para sa mga estudyanteng walang access sa internet o kinakailangang device.

Hinihiling namin ang makatarungang pagkakataong makapaghanda para rito. Ang academic ease ay hindi academic exemption. Ito ay makatwirang konsiderasyon upang matiyak na ang pagpapatuloy ng akademikong taon ay hindi magiging dagdag na disadvantage sa mga estudyanteng naapektuhan ng mga pangyayaring hindi nila kontrolado.

Para sa bawat BulSUan.

Access the full petition letter here: https://tinyurl.com/25czujdw


05/09/2026

PANALO ANG MGA ISKOLAR NG BAYAN!

Bunga ng ating walang-patid na pagkalampag mula pamantasan hanggang Kongreso, pirmado na ang Republic Act No. 12325! Pormal nitong pinalalawak ang Expanded Universal Access to Quality Education Act (UAQTEA) sa pangunguna ng mga estudyante't kabataan katuwang ang Akbayan Partylist, Rep. Chel Diokno, at Sen. Bam Aquino. Sa tagumpay na ito, kayo ang sentro ng ating panawagan para sa karapatan sa abot-kayang edukasyon.

Matatandaang buong-tapang nating isinulong ang isang Position Paper upang labanan ang nakaambang ₱181.23 milyong kaltas-pondo sa BulSU para sa 2027. Ang pagkapasa ng batas na ito ay direktang tugon dito—tiniyak nito ang financial assistance para sa Internship at Related Learning Experience (RLE) na karaniwang umaabot ng hanggang ₱80,000, kasabay ng ₱500 milyong AHEAD Grant ng CHED. Para sa mga mag-aaral ng College of Nursing at allied health sciences, kayo ang aming sandigan sa laban na ito. Ang suportang pinansyal mula sa estado ay malinaw na patunay na walang sapat na dahilan upang i-relocate ang inyong mga programa. Nararapat na gamitin ang pondong ito upang panatilihin at palakasin ang kolehiyo sa mismong Main Campus!

Laban sa "manufactured scarcity" ng gobyerno, napatunayan natin na ang pagkakaisa ng bawat Iskolar ng Bayan ay isang buong lakas na hindi kayang balewalain. Bukod sa RLE subsidy, mas marami nang estudyante ang makikinabang sa mas malawak na libreng edukasyon na wawasak sa artipisyal na enrollment cap, kalakip ang dagdag suporta para sa pamasahe, baon, dorm, at school materials.

Gagamitin natin ang momentum na ito upang patuloy na igiit ang 6% ng GDP na pamumuhunan sa edukasyon. Hinihikayat namin ang bawat Iskolar ng Bayan na patuloy na tumindig. Asahan ninyong patuloy tayong magpapadala ng mga petition paper at walang-pagod na kakalampag hanggang sa tuluyang maprotektahan ang kapakanan ng bawat BulSUan. Sa patuloy nating pag-abante, lagi't laging nakasentro sa estyudante dahil sila ang ating sandigan na isang buong lakas nating pinaglalaban!

Para sa edukasyon, para sa bayan!


Address

Bulacan State University
Malolos
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSUONE CHTM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BulSUONE CHTM:

Shortcuts

Share