Katipunan Student Movement CCJE

Katipunan Student Movement CCJE KASAMA BulSU CCJE is one of the local chapters of Katipunan Student Student Movement - Bulacan State

[HAPPENING NOW]Kilos-Protesta laban sa Oil-Price HikeSa kabila ng pagsisikap ng mga estudyante na makapasok sa paaralan,...
27/03/2026

[HAPPENING NOW]

Kilos-Protesta laban sa Oil-Price Hike

Sa kabila ng pagsisikap ng mga estudyante na makapasok sa paaralan, ang kahirapan sa pag-commute ay nananatiling isa sa mga pangunahing hadlang sa pagkakaroon ng produktibo at dekalidad na edukasyon.

Sikapin man ng bawat tsuper na maibigay ang serbisyong nararapat para sa mamamayan, ang mga nasa kapangyarihan naman ang patuloy na humihila pababa at unti-unting binubura ang tunay na karapatan ng mga Pilipino.

Simulaโ€™t simula, KASAMA na tayong tumindig, mula sa karapatan ng masang estudyante hanggang sa mga isyung kinahaharap sa labas ng pamantasan. At ngayon, kasama ang iba pang mga organisasyon at sektor, KASAMA kami ng bawat tsuper: tumitindig at umaalma laban sa kawalan ng sapat na proteksyon mula sa gobyerno, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sinusulong ng KASAMA, katuwang ang ibaโ€™t ibang organisasyon, ang pagpapababa ng presyo ng langis, makatarungang pasahe, at sapat na suporta para sa mga tsuper, kasabay ng panawagan para sa abot-kaya at maaasahang pampublikong transportasyon para sa lahat.

Sa laban na ito, hindi lang ito usapin ng biyahe, ito laban para sa karapatan, kabuhayan, at kinabukasan.



26/03/2026

BulSUans, ituloy natin ang paglaban sa lansangan!

Malaki ang naging ambag ng kabataan sa demokratikong paghalal sa mga susunod na lider ng Student Government sa BulSU. Ngunit, ang usapin ng politika ay hindi rito nagtatapos. Mayroon tayong mas malaking kampanya na dapat tugunan.

Nitong mga nakaraang araw, pumalo na sa higit isang daang piso ang presyo ng gasolina at diesel. Apektado tayong lahat dito. Tumataas ang presyo ng mga bilihin, nawawalan ng kita ang mga drayber, at nahihirapan ang mayorya ng Pilipino sa transportasyon dahil sa mahal na presyo ng langis.

Ito ang dapat naman nating pag-usapan. Dahil, ang pangarap natin na magkaroon ng mas abot-kayang presyo ng mga bilihin sa pamantasan, mas mabilis na byahe sa araw-araw, at mas mataas na pondo sa sektor ng edukasyon, ay posible lamang kung sosolusyonan natin nang sama-sama ang pagsugpo sa korapsyon at krisis sa bansa.

Alalahanin din nating marami sa atin ang anak ng drayber, kamag-anak ay tsuper, o may mga kakilalang trabahador na direktang apektado sa pandaigdigang problema sa langis. Ito ang ating pananagutan para sa bawat pamilya.

upang tuluyan at agarang suspendehin ang Excise Tax
sa pagbabasura ng Oil Deregulation Law
sapagkat buhay at masa ang nakataya sa laban ng masa rito

Bukas, magkita-kita tayo sa harap ng Malolos Kapitolyo Mini Forest sa ganap na 5:00 ng hapon upang ipanawagan ang ating mga laban. BulSUans, bayan at Bulacan magkakasama tayong humingi ng pananagutan!

16/03/2026

Bulok ang sistema. Pero kailanman hindi mabubulok ang paninindigan ng kabataan.

Sa buong kampanya, paulit-ulit nating narinig ang parehong pangako: dagdag pondo sa edukasyon, mas maayos na pasilidad, mas maraming suporta sa estudyante. Ngunit, hindi magiging sapat ang anumang pangako kung patuloy na ninanakaw ang kaban ng bayan.

Pagod na ang taumbayan. Ngunit hindi tayo mapapagod na tumindig.

Sa ating paninilbihan bilang gobernador, nakita ko kung gaano kalalim ang problemang kinakaharap natin. Hindi sapat ang mga petisyon o panawagan kung ang kalaban natin ay isang sistemang matagal nang binubulok ng kurapsyon. Kailangan natin ng mga lider na handang humarap dito, hindi para sa pangalan, hindi para sa kulay, kundi para sa mga estudyanteng araw-araw na apektado nito.

Bilang bahagi ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinuruan tayo na ang kaalaman ay walang saysay kung wala itong paninindigan. Kaya kung may isang bagay na nais nating ibalik sa konseho, iyon ay ang diwa ng konsensya ng bayan, ang lakas ng loob na magsalita, kumilos, at manindigan kahit mahirap..

Kaya narito tayo muli. Dahil naniniwala tayo na hindi pa tapos ang laban. Minsan na nating napatunayan na kayang baguhin ng kabataan ang takbo ng kasaysayan. At ngayon, muli tayong tinatawag na gawin ito, hindi para sa sarili natin, kundi para sa kinabukasan ng bawat estudyante at bawat Pilipino.

BulSUans, samahan ninyo kami. Ibalik ang ninakaw na pondo ng bayan at ilaan ito sa edukasyon, sa classrooms, sa facilities, sa mga espasyong dapat nagsisilbi sa mga estudyante.

Dahil kung bulok ang sistema, mas lalo nating kailangang patunayan: hindi kailanman mabubulok ang paninindigan ng kabataan.

Ako ang inyong Bise Presidente Selwyn Almeida, Isang sikolohista, Isang bading, at handang tumindig para sa bulsu, bulsuan at para sa bayan!



16/03/2026

10pm naman na, kaya siguro ito na yung valid na oras para maging vulnerable. Ang totoo: takot na akong umulit sa pagtakbo. Mula kasi noong pumasok sa BulSU, politikal na mundo na ang tinahak ng batang ito.

Gr. 7 BM (2017)
Gr. 8 BM (2018)
Vice Governor (2019)
OIC Governor (2020)

Proud achievements iyan, pero minsan naiisip ko na sana hindi agad ako naging pakielamero sa lipunan, sana naging kiddy-wiggly lang ako. Yung tulad ng kung paano maging carefree ang mga highschool students. Sa murang edad, masyado yata naming sineryoso ang buhay. Imagine, Grade 8 pa lang, gusto ko ng baguhin ang mundo ๐Ÿ˜…. 14 years old pa lang, sumisigaw na kami ng โ€œDuterte, Tutaโ€ sa kahabaan ng EDSA dahil sa pagsunod ni Du30 sa Tsina at US.

Hindi ko man lang naranasan na makipaghabulan sa mga kaklase ko noon sa Caprio Hall basketball court. Bakit? Busy kami masyado mag-paint ng placards dahil inilalaban namin noon ang GGSS (Go For Greater State Subsidy), pagtanggal ng RLE Fee for CON Students, rally para sa Magna Carta of Students at iba pang mga isyu sa pamantasan.

Imbis na ang 14-year old self ko ang manlimos ng tulong para sa mga projects at academic na gawain sa iskul, mas pinili nating tugunan ang sigaw ng saklolo mula sa taumbayang nakararanas ng EJK.

Marami akong bagay na hindi naranasan, pero hindi ko ipagpapalit ang mga kuwento, istorya at oras na kasama namin ang masa. Iyan ang totoo.

Palagi ko pa ring pipiliin na sumama sa piket/strike ng mga manggagawa ng NutriAsia Factory. Dadayo ulit tayo sa Zambales kung kinakailangan para ipaliwanag sa mga mangingisda na may karapatan sila sa West Philippine Sea. Magiging matikas pa rin ang paninindigan natin para maipaglaban ang BulSUans sa kahit ano mang banta ang magdaan. Hindi tayo titigil, hindi susuko, at hindi na muling magpapagapi.

Kaya, kahit natalo noong 2024, buong tapang ang paninindigan natin ngayon. Atin na ang laban na ito. BulSUans kayo po ang bumuo sa puso ng ating kampanya. Magsama-sama tayo para sa pagguhit ng kasaysayan โ€” isang susunod na konsehong mahal at aalagaan kayo.

Lalabanan natin ang katiwalian. Tayo naman ang mananakot sa mga mapagsamantala. Hindi mag-aalinlangang ipagtanggol at pagsilbihan kayo, BulSUans.

Walang pinanganak na nakataas-kamao, pero mayroon yata talagang mga taong ipinanganak para lumaban.

Tatay, para ito sa dugo mong mapangahas at may pag-aalab na magsilbi sa lipunan.
Nanay, para ito sa puso mong mapagmahal at mapang-unawa sa kapwa.

BulSU, Bulakenyos at Pilipino, para sayo ang kampanya at eleksyong ito.

Mahal ko kayo palagi, BulSUans.



BulSuans at Lex Libras, Tindig tayo kasama si Senador si Robert โ€œROBIโ€ Cadeliรฑa para sa Pamantasang Ligtas at may Suport...
16/03/2026

BulSuans at Lex Libras, Tindig tayo kasama si Senador si Robert โ€œROBIโ€ Cadeliรฑa para sa Pamantasang Ligtas at may Suporta sa Student Organizations.

Isinusulong ng ating senador ang BulSUPPORT: Student Organization Support System, nakapaloob dito ang malinaw na financial guidelines, institutional funding, at patas na venue allocation upang mas mapalakas ang mga organisasyon sa ating pamantasan.

Kasabay nito ang BulSUan Proteksyunan โ€” mga polisiyang magtitiyak ng proteksyon sa student volunteers at officers, at isang Legal Assistance Program na magpapalakas sa kamalayan ng mga BulSUan sa kanilang mga karapatan.

Kaya naman, para sa isang ROBIlis ang aksyon, ROBIsa ang solusyon!
BULACAN STATE UNIVERSITY, TINDIG TAYO! โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ’™

๏ฟฝ ๏ฟฝ

Maraming Salamat BSLM 3C sa pag-Tindig!! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’™
16/03/2026

Maraming Salamat BSLM 3C sa pag-Tindig!! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’™

16/03/2026
Maraming Salamat sa pag Tindig BSLM 3A! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’™
16/03/2026

Maraming Salamat sa pag Tindig BSLM 3A! โœŠ๐Ÿป๐Ÿ’™

PANINILBIHAN TUNGO SA KONSEHONG MAY PANANAGUTAN! โœŠ๐Ÿ’™CCJE  , KASAMA ka sa bilang, kasama ka sa laban, at mananatiling kasa...
16/03/2026

PANINILBIHAN TUNGO SA KONSEHONG MAY PANANAGUTAN! โœŠ๐Ÿ’™

CCJE , KASAMA ka sa bilang, kasama ka sa laban, at mananatiling kasama ka sa marami pang tagumpay. Lex Libras, tindig tayo kasama nina :

Gobernador: Janna โ€œJANNAโ€ Guieb
Bise-Gobernador: John Rylie โ€œRYโ€ Dela Cruz
Criminology BM: Alliah โ€œLILIโ€ Labaguis
LegMa BM : Marylourds Althea โ€œMARYโ€ Lim



13/03/2026

๐†๐”๐ˆ๐„๐๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐‰๐€๐๐๐€ โ€” CCJE, sa bawat laban, hindi ka na muling mag-iisa. Dahil anJANNA ang paninilbihang may paninindigan at pananagutan.

Lex Libras, Kasama ka sa CCJE na ALL in ang patisipasyon at pagpapalakas ng mga organisasyon, student groups, at publikasyon; may student-centered na espasyo at pasilidad; may sistematikong remedyo sa pagtugon ng mga hinaing ng estudyante; at may mekanismong titiyak na ang mga legasiya ay hindi natatapos sa iisang termino โ€” dahil dapat, ang inisyatibang tunay nagbibigay benepisyo ay napagpapatuloy.

Ang gobernador na may pananagutan at kasama mong tumindig, ๐‰๐š๐ง๐ง๐š "๐‰๐€๐๐๐€" ๐†๐ฎ๐ข๐ž๐›!




13/03/2026

Address

Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katipunan Student Movement CCJE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share