PWD Malay Fed. Association

PWD Malay Fed. Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PWD Malay Fed. Association, Government Organization, Malay.

πŸ“Œ Malay Person with Disability (PWD) Federation
Empowering the PWD community of Malay, Aklan through unity, advocacy, and support.
πŸ’™ Inclusivity | πŸ‘ Support | πŸ’ͺ Empowerment
πŸ“ Serving all barangays of Malay, Aklan

26/08/2026

Barangay Manoc-manoc Person with Disability Association β™Ώβ™Ώβ™Ώ


β™ΏBarangay Person with Disability Manoc-Manoc Association Meeting πŸ€πŸ’™Matagumpay na naisagawa ang Barangay Person with Disa...
26/08/2026

β™ΏBarangay Person with Disability Manoc-Manoc Association Meeting πŸ€πŸ’™

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Person with Disability Manoc-Manoc Association Meeting, na pinangunahan ng Malay Person with Disability Federation President Ms. Sherry Tumaob, kasama sina Ms. Jheralyn Taala, Federation Treasurer Officer, Ms. Bernadette Lusegro, Dating President, at Barangay PWD Committee Konsehal Jophil Martin.

Isa sa mahahalagang agenda ng pagpupulong ang pag-elect ng bagong Barangay PWD President, kung saan napili at halal bilang bagong pangulo si Ms. Monica Bernabe. πŸŽ‰

Tinalakay rin ang pag-aayos at pagpapalakas ng membership, kabilang ang pagtatalaga ng Team Leader sa bawat sitio ng Barangay Manoc-Manoc upang mas maging maayos ang komunikasyon, koordinasyon, at pag-abot ng impormasyon sa bawat PWD member.

Kasama rin sa agenda ang ulat tungkol sa mga assistance at PWD programs na mahalagang maiparating at mapakinabangan ng ating mga PWD members.

πŸ’™ Mahalaga ang mga programang ito dahil ang bawat assistance at serbisyo para sa PWD ay malaking tulong upang mapabuti ang kanilang kalagayan, maprotektahan ang kanilang mga karapatan, at mabigyan sila ng mas pantay na pagkakataon sa komunidad.

Ang patuloy na pagkakaisa ng PWD Federation, Barangay PWD Association, mga lider ng bawat sitio, at mga katuwang na opisyal ay mahalaga upang mas mapalakas ang serbisyo at suporta para sa ating mga Persons with Disabilities.

Mabuhay ang PWD Manoc-Manoc Association! Sama-sama para sa mas organisado, mas inklusibo, at mas aktibong PWD community. πŸ’™πŸ€

28/07/2026

Nakatanggap ng tig-β‚±2,000 financial assistance ang kabuuang 715 Persons with Disabilities (PWDs) mula sa 17 barangay ng Bayan ng Malay sa ilalim ng 1st Semester (January–June) Quarterly Financial Assistance Program ng Local Government Unit (LGU).

Isinagawa ang dalawang araw na payout noong Hulyo 23 at 24, 2026 sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ms. Jerre Mae B. Prado, RSW, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Frolibar S. Bautista.

Katuwang sa programa ang Municipal Persons with Disability Affairs Office (MPDAO) sa pangunguna ni Mr. Jecee V. Maming, kasama ang PWD Federation sa pamumuno ni Ms. Sherry N. Tumaob.

Upang maging maayos ang distribusyon, hinati sa dalawang araw at magkahiwalay na lugar ang payout. Noong Hulyo 23, tumanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo mula sa unang cluster ng mga barangay sa Covered Court ng Brgy. Argao.

Samantala, noong Hulyo 24, ipinagpatuloy ang pamamahagi sa Covered Court ng Brgy. Balabag para sa mga benepisyaryo mula sa natitirang mga barangay.

Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang mga PWD sa Malay bilang bahagi ng patuloy na serbisyong panlipunan ng lokal na pamahalaan.

via: Malay Mswdo

Mga Kasimanwa! Follow us on Instagram and Tiktok:
https://www.instagram.com/kasimanwako/
https://www.tiktok.com/

27/07/2026
Kudos to Barangay Cabulihan πŸ‘πŸ‘πŸ‘
18/07/2026

Kudos to Barangay Cabulihan πŸ‘πŸ‘πŸ‘

πŸ“’ PWD MALAY FEDERATION 2nd QUARTER MEETINGMatagumpay na naisagawa ang 2nd Quarter Meeting ng PWD Malay Federation sa Sen...
15/06/2026

πŸ“’ PWD MALAY FEDERATION 2nd QUARTER MEETING

Matagumpay na naisagawa ang 2nd Quarter Meeting ng PWD Malay Federation sa Senior Building Conference Hall, Poblacion, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay ng PWD Subsidy, kabilang ang mga concerns at updates na lumabas nitong mga nakaraang linggo upang matiyak na maipaparating ang tama at napapanahong impormasyon sa ating mga miyembro.

Bahagi rin ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga nakatakdang programa, proyekto, at aktibidad para sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) sa mga susunod na buwan, bilang paghahanda sa mas epektibo at organisadong pagpapatupad ng mga serbisyo at adbokasiya para sa ating sektor.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Barangay PWD Presidents sa kanilang pagdalo, pakikiisa, at patuloy na dedikasyon sa paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan. Ang inyong suporta at kooperasyon ay mahalaga upang matiyak na ang bawat impormasyon at programa ay maayos na naipararating sa ating mga kapwa PWD.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Municipal Persons with Disability Affairs Office (MPDAO) sa pangunguna ni Sir. Jeecee V. Maming sa walang sawang paggabay, pag-assist, at patuloy na paghahatid ng mga serbisyong nakatuon sa kapakanan ng sektor ng PWD.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, kooperasyon, at malasakit, patuloy nating isusulong ang isang mas inklusibo at mas maunlad na komunidad para sa lahat ng Persons with Disabilities sa Bayan ng Malay. β™ΏπŸ’™

πŸŽ‰ PWD MALAY FEDERATION JOINS THE 77th MALAY DAY CELEBRATION PARADE πŸŽ‰Buong galak na nakilahok ang PWD Malay Federation sa...
15/06/2026

πŸŽ‰ PWD MALAY FEDERATION JOINS THE 77th MALAY DAY CELEBRATION PARADE πŸŽ‰

Buong galak na nakilahok ang PWD Malay Federation sa 77th Malay Day Celebration Parade, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at suporta sa mga programa at pagdiriwang ng ating bayan.

Ang aming pakikilahok ay patunay na ang mga Persons with Disabilities ay mahalagang bahagi ng komunidad at katuwang sa pag-unlad ng Bayan ng Malay.

Taos-pusong pasasalamat sa LGU Malay sa pangunguna ni Hon. Frolibar S. Bautista sa patuloy na pagsuporta at pagkilala sa sektor ng PWD.

Maligayang ika-77 Malay Day! Sama-sama tungo sa isang mas inklusibo at maunlad na komunidad. πŸ’™β™Ώ

DAY 6 – PWD BARANGAY MEETING & CONSULTATIONIsang matagumpay na araw na naman para sa ating PWD Malay Federation at MPDAO...
20/04/2026

DAY 6 – PWD BARANGAY MEETING & CONSULTATION

Isang matagumpay na araw na naman para sa ating PWD Malay Federation at MPDAO sa pagpapatuloy ng ating Barangay Meeting and Consultation. πŸ’™

Lubos po ang aming pasasalamat at pagpupugay sa masisipag at dedikadong mga PWD leaders na naging katuwang natin sa araw na ito:

✨ Brgy. Yapak – Maraming salamat kay PWD President Ma’am Cecelia Dumol
✨ Brgy. Balabag – Salamat kay PWD President Ma’am Celina Tejada
✨ Brgy. Manoc-manoc – Salamat kay PWD President Sir Anthony Bisonga

Ang inyong pamumuno at malasakit sa kapwa PWD ay tunay na kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon sa ating lahat. πŸ‘

Hindi rin po namin makakalimutang magpasalamat sa ating mga Barangay Officials na naglaan ng suporta at paghahanda para sa ating meeting:

βœ”οΈ Hon. Hector Casidsid – Brgy. Captain, Yapak
βœ”οΈ Hon. Jason Talapian – Brgy. Captain, Balabag
βœ”οΈKon. Rosalie Magracia - Brgy. Balabag PWD Committee
βœ”οΈ Hon. Danilo Delos Santos – Brgy. Captain, Manoc-manoc

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng kumpletong pangangailangan upang maging maayos at matagumpay ang ating pagtitipon. πŸ™

Patuloy nating palalakasin ang samahan at boses ng bawat PWD sa ating komunidad. Sama-sama para sa mas inklusibo at mas maunlad na bayan! πŸ’ͺ✨





πŸ“Œ Day 5 - Malay PWD Barangay Meeting and ConsultationSa pangunguna ng PWD Malay Federation at ng MPDAO (Municipal Person...
17/04/2026

πŸ“Œ Day 5 - Malay PWD Barangay Meeting and Consultation

Sa pangunguna ng PWD Malay Federation at ng MPDAO (Municipal Persons with Disability Affairs Office), matagumpay na naisagawa ang Day 5 ng Malay PWD Barangay Meeting and Consultation sa Barangay Caticlan. Layunin ng gawaing ito na mapalakas ang ugnayan, partisipasyon, at kapakanan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa komunidad.

Lubos ang aming taos-pusong pasasalamat sa Barangay Caticlan sa kanilang mainit na pagtanggap at mahusay na paghahanda ng lahat ng kinakailangan para sa meeting. Ang inyong suporta at pagiging handa ay malaking bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.

Isang espesyal na pasasalamat kay:
✨ PWD Barangay President Sir Erwin Dela Cruz sa kanyang dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa sektor ng PWD
✨ Barangay Committee on PWD Konsehal Miss. Genelgie Aloba sa kanyang aktibong pakikiisa at suporta sa mga programa
✨ Barangay Captain Hon. Rannie Tolosa sa kanyang mahusay na pamumuno at malasakit sa kapakanan ng bawat PWD

Ang matagumpay na konsultasyong ito ay patunay ng pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa tungo sa mas inklusibo at mas maunlad na komunidad para sa lahat.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa! πŸ’™β™Ώ

πŸ“ŒDay 4 - PWD Malay Federation Barangay Meeting Matagumpay na naisagawa ang Day 4 ng Barangay PWD Meeting ng PWD Malay Fe...
16/04/2026

πŸ“ŒDay 4 - PWD Malay Federation Barangay Meeting

Matagumpay na naisagawa ang Day 4 ng Barangay PWD Meeting ng PWD Malay Federation katuwang ang Municipal Persons with Disability Affairs Office (MPDAO) sa mga sumusunod na barangay:

πŸ“ Barangay Napaan
πŸ“ Barangay Argao
πŸ“ Barangay Sambiray

Ang ika-apat na araw ng ating pagpupulong ay naging makabuluhan at puno ng aktibong partisipasyon mula sa ating mga PWD members. Patuloy nating pinagtibay ang ating samahan at pinalalim ang mga programang magbibigay ng mas maayos na serbisyo at suporta para sa ating sektor.

πŸ’ Taos-pusong pasasalamat sa ating masisipag na Barangay PWD Presidents:
✨ Miss. Analyn Cidar – Barangay Argao
✨ Miss. Kristine Cahilig – Barangay Napaan
✨ Sir Filejandro Lazaga – Barangay Sambiray

πŸ‘ Lubos din ang aming pasasalamat sa suporta ng ating mga butihing Punong Barangay:
Hon. Mannie Casidsid – Barangay Argao
Hon. Ruben Sullano – Barangay Napaan
Hon. Jimmy Solano – Barangay Sambiray

πŸ™ Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta sa mga adhikain ng PWD Malay Federation. Ang tagumpay ng Day 4 ay patunay ng ating pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa.

πŸ’™ Sama-sama para sa isang inklusibo, aktibo, at mas maunlad na komunidad para sa lahat!

Address

Malay
5608

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWD Malay Fed. Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share