Kabataan Partylist Malabon

Kabataan Partylist Malabon Ang una, natatangi, at tunay na boses ng kabataan sa Kongreso ay may lokal na balangay na sa Malabon! ๐Ÿ’™โœŠKabataang Malabon, tara na't sumama na kayo!

13/05/2026

SARA, PANAGUTIN! BATO, ARESTUHIN!

Habang umuusad ang impeachment laban kay Sara Duterte at umiinit ang usapin kay Ronald โ€œBatoโ€ dela Rosa matapos lumabas ang ulat na may warrant of arrest mula sa ICC kaugnay sa war on drugs, mas lalong lumilitaw ang malalim na bangayan sa loob ng naghaharing-uri. Ipinapakita nito na ang kasalukuyang krisis ay hindi simpleng usapin ng hustisya, kundi bahagi ng pag-aagawan ng kapangyarihan ng mga makapangyarihang paksyon ng estado.

Sa isang banda, ginagamit ng kampo ni Sara Duterte ang Senado para protektahan ang sarili at harangin ang pananagutan sa iba pang isyu ng abuso sa kapangyarihan. Makikita ito sa mga galawan sa loob ng Senado tulad ng agawan at pagpapalit ng liderato sa posisyon ng Senate President, mula kay Tito Sotto patungo kay Alan Peter Cayetano na isang kaalyado ng Duterte, na nagpapakita ng realignment at pagbabago ng kontrol sa mayorya sa Senado. Kasama rin dito ang pagbibigay ng proteksyon kay Bato imbes na hayaang managot at humarap sa mga kaso at imbestigasyon na kinakaharap niya.

Sa kabilang banda, sinusubukan ng administrasyong Marcos na ipakita na sinusunod nila ang โ€œrule of lawโ€ habang hinahayaan o kinukunsinti ang mga galaw na may kinalaman sa ICC at sa impeachment process. Hindi ito simpleng usapin ng hustisya lamang. Bahagi ito ng banggaan ng magkakaibang paksyon ng naghaharing uri na parehong nag-aagawan at gustong manatili sa kapangyarihan bago ang 2028 elections.

Mahalagang tandaan na hindi ibig sabihin na malinis ang kabilang paksyon dahil lang iniimbestigahan ang Duterte bloc. Ang dapat tingnan ay kung bakit ngayon lamang umuusad ang usapin ng pananagutan, kasabay ng pagkawatak-watak ng dating alyansa ng mga nasa kapangyarihan. Kaya sa ganitong pagsusuri, malinaw na ang timing ng mga hakbang na ito ay hindi hiwalay sa pulitika, kundi bahagi ng umiigting na banggaan sa loob ng naghaharing-uri.

Malinaw na sariling interes lamang ang sinusulong ng mga reaksyunaryong ito, imbes na tugunan ang lumalalang krisis sa kabuhayan, trabaho at edukasyon. Kaya naman, patuloy na panawagan ng mga kabataan ng National Capital Region โ€” Sara, Panagutin! Bato, Arestuhin! Labanan ang bulok na sistema!



02/05/2026
๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฌ๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅโ€”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก!๐Ÿค™Nakiisa sa ginanap na Kusinang bayan ang KPL-Malabon sa Monumento...
16/04/2026

๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ, ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฌ๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅโ€”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก!๐Ÿค™

Nakiisa sa ginanap na Kusinang bayan ang KPL-Malabon sa Monumento kaninang tanghali, kasama ang mga manggagawang tsuper, komyuter at kabataan.

Sa gitna ng krisis at gutom, pinagtitibay natin ang kolektibong puwersa, binubusog ang isaโ€™t isa upang patuloy na itaguyod ang laban kontra sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at mga batayang pangangailangan.

Kaya naman, patuloy ang ating panawagan:

TANGGALIN ANG VAT AT EXCISE TAX SA LANGIS!
IBASURA ANG OIL DEREGULATION LAW!
KONDENAHIN ANG GIYERA NG US-ISRAEL SA IRAN!
-
SUMALI SA KPL-MALABON!โ˜€๏ธ
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon

ICYMI: ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ-๐—•๐—˜๐—•๐—ข๐—ง, ๐—ž๐—œ๐—ž๐—”๐—ฌ, ๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฉ๐—”๐—•๐—˜โ€”๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ!โœŠNoong March 8, nagmartsa at nakibaka ang kababaihan, KABATAAN, at...
11/03/2026

ICYMI: ๐— ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ-๐—•๐—˜๐—•๐—ข๐—ง, ๐—ž๐—œ๐—ž๐—”๐—ฌ, ๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฉ๐—”๐—•๐—˜โ€”๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ!โœŠ

Noong March 8, nagmartsa at nakibaka ang kababaihan, KABATAAN, at multisektoral na mamamayan sa Liwasang Bonifacio upang ipaglaban ang karapatan, dignidad, at nakabubuhay na sahod. Sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin, laganap na kontraktwalisasyon, at patuloy na karahasan at diskriminasyon laban sa kababaihan, pinatunayan nito na hindi na muling tatahimik ang kababaihang Pilipino.

Mula sa lansangan hanggang sa U.S. Embassy Manila, mariing kinondena ng mga progresibong organisasyon ang agresyon ng Estados Unidos at Israel laban sa Iranโ€”isang malinaw na anyo ng imperyalistang panghihimasok at pananakot sa mga mamamayan nito at ng mga apektadong bansa.

Kasabay nito, iginiit din ang panawagang alisin ang excise tax at 12% VAT sa mga pangunahing bilihinโ€”mga buwis na lalong nagpapabigat sa pasanin ng ordinaryong mamamayan.

Ngunit ang laban na ito ay hindi lamang kuwento ng lansangan sa Maynila. Hindi ito malayo sa bituka ng kababaihan sa Malabon. Mula sa walang patid na BAHA, MATAAS na presyo ng bilihin at PANGGIGIPIT mula sa estado.

Kaya malinaw ang panawagan nitong ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ป'๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†. HINDI PA TAPOS ANG LABAN! Hanggaโ€™t may pang-aapi, panga-abuso at pananakot. Lalaban ang Kababaihang Pilipino.

ABANTE, BABAE!โœŠ๐Ÿ’œ
-
SUMALI SA KPL-MALABON!โ˜€๏ธ
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon


๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ, ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜! ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป, ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜!โœŠ๐Ÿฉท๐Ÿ’œHindi dekorasyon ang kababaihan sa lipunanโ€”sila ang lakas ng pakikibaka!Sa gitna ng...
08/03/2026

๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ, ๐—•๐—”๐—•๐—”๐—˜! ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป, ๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—ง๐—˜!โœŠ๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Hindi dekorasyon ang kababaihan sa lipunanโ€”sila ang lakas ng pakikibaka!

Sa gitna ng pasismo, diskriminasyon, at korapsyon, patuloy na tumitindig ang KABATAANG kababaihan upang ipaglaban ang karapatan, dignidad, at kinabukasan ng sambayanan.

KABATAANG KABABAIHAN, magkaisaโ€”mangahas na makibaka!

๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—ง ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ข๐—งโ€”๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—•๐—”๐—•๐—” ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—ž๐—ง๐—ข๐—ž!Laksa-laksang mamamayan mula sa ibaโ€™t ibang multisektora...
26/02/2026

๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—ข๐—ง ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—ข๐—งโ€”๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—•๐—”๐—•๐—” ๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐—ž๐—ง๐—ข๐—ž!

Laksa-laksang mamamayan mula sa ibaโ€™t ibang multisektoral na hanay ang nakiisa sa lansangan bilang paggunita sa ika-apat na dekadang anibersaryo ng EDSA People Power Uprising nitong Pebrero 25, 2026.

Kasama ang hanay ng kabataan ng Malabon, patuloy ang pagtindig at paglaban para sa maayos at tunay na makatarungang sistema, pagpapanagot sa mga kurakot, pagwakas sa pulitikang pamilya, at pagsusulong sa demokratikong gobyernong bayan.

Kaya ang panawagan ng kabataang Malabon ngayong EDSA@40: Tama na sa BAHA. Tama na sa KORAPSYON. Tama na sa POLITICAL DYNASTIES!

SUMALI SA KPL-MALABON!โ˜€๏ธ
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon

๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฃ๐—Ÿ-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ 2026!Isang matagumpay na pagdaraos ng Regional Congress 2026 na ginanap sa Liwasa...
26/02/2026

๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ฃ๐—Ÿ-๐—ก๐—–๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—š๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ 2026!

Isang matagumpay na pagdaraos ng Regional Congress 2026 na ginanap sa Liwasang Diokno, Commission on Human Rights, Quezon City. Pinatunayan ng malawak na partisipasyon ng kabataan mula sa ibaโ€™t ibang lungsod sa NCR ang patuloy na paglakas at pagkakaisa ng hanay sa rehiyon.

Buong lakas na nakiisa ang Kabataan Partylistโ€“Malabon, kasama ang iba pang mga delegado mula sa ibaโ€™t ibang panig ng NCR. Sama-samang tinalakay ang kalagayan ng kabataan, hinubog ang mga plano para sa darating na taon, at pinagtibay ang mga paninindigan para sa mas organisado at mas militanteng pagkilos sa 2026.

Mula sa lansangan hanggang sa mga komunidad, patuloy ang pagtataguyod at panawagan para sa PAMBANSA, SIYENTIPIKO, at MAKAMASANG edukasyon.

LABAN, KABATAAN NG NCR! โœŠ

SUMALI SA KPL-MALABON!โ˜€๏ธ
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon
bit.ly/Join-KPLMalabon

TULOY-TULOY ANG LABAN SA KATIWALIAN AT KORAPSYON! โœŠNakiisa ang Kabataan Partylist Malabon sa pag-martsa mula Luneta papu...
03/12/2025

TULOY-TULOY ANG LABAN SA KATIWALIAN AT KORAPSYON! โœŠ

Nakiisa ang Kabataan Partylist Malabon sa pag-martsa mula Luneta papunta sa Mendiola kasama ang ibaโ€™t ibang organisasyong pang-sektor para sa Kilos Bayan Kontra Kurakot at sa paggunita ng kaarawan ni G*t Andres Bonifacio nitong nakaraang Linggo, Nobyembre 30!

Bago tumungo sa Luneta, ang KPL Malabon, kasama ang ang kapwa progresibong grupo sa ilalim ng Defend CAMANAVA Network, ay nagsagawa ng maiksing programa sa Sangandaan, Caloocan ukol sa pagwakas ng matinding korapsyon sa gobyerno at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Hamon sa ating kabataan ang patuloy na pagtanggol sa ating bayan, hindi man ito sa mga dayuhang mananakop dahil ang banta sa atin ngayon ay ang katiwalian at korapsyon na nagmumula sa kamay mga nakaupong opisyal sa gobyerno at sa bulok na sistemang ipinapairal nito. Sa tuktok nito, si Marcos Jr. at Sara Duterte ay patuloy na pinagtatakpan at hindi napapanagot sa pag-abuso ng kanilang kapangyarihan bilang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Tuloy ang laban para sa mga Pilipinong pinapahirapan ng mga korap, tinatanggalan ng karapatan at kinabukasan! Kayaโ€™t nananawagan tayo: LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT! MARCOS-DUTERTE RESIGN!








ORAS NA PARA KUMILOS, MAKIISA SA PAGPAPANAGOT SA MGA KURAP, SUMALI SA KABATAAN PARTYLIST MALABON: bit.ly/Join-KPLMalabon

MARCOS AND DUTERTE RESIGN! LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!Ang dami-daming mga pasabog na isinisiwalat, pero hanggang ng...
26/11/2025

MARCOS AND DUTERTE RESIGN! LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

Ang dami-daming mga pasabog na isinisiwalat, pero hanggang ngayon wala pa ring nananagot! Mas ipinapakita lang kung gaano kabulok ang gobyerno natin, kung saan sila pa ang mga nangunguna sa sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan at pagpapahirap sa mga Pilipino.

Ngunit ang mga katauhang sangkot, nagbubulag-bulagan at nagwawalang-bahala na para bang wala silang kasalanan. Kami ay BINABAHA, NAWAWALAN NG TIRAHAN, NAGUGUTOM, at NAGHIHIRAP. Ang ganitong klaseng sistema ay hindi na pwede magpatuloy!

Tayong kabataan, estudyante, at mamamayan ay galit na galit na! Itungo natin ito sa lansangan ngayong NOBYEMBRE 30, 2025, 9AM sa LUNETA para sa PROTESTANG BAYAN KONTRA KURAKOT.

Hanggaโ€™t walang napapanagot, ang mga kabataan ay tuloy-tuluyang ipaparinig ang kanilang tinig: MARCOS AND DUTERTE RESIGN! LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!







ORAS NA PARA KUMILOS, MAKIISA SA PAGPAPANAGOT SA MGA KURAP, SUMALI SA KABATAAN PARTYLIST MALABON: bit.ly/Join-KPLMalabon

Address

Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Partylist Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share