MEAL Malabon City

MEAL Malabon City Monitoring, Evaluation, Accountability and Learning Office of Malabon City

03/09/2026
02/09/2026

🐶💉 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION SA BRGY. LONGOS!

Para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga fur baby at buong komunidad, isasagawa ang Libreng Dog Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang a*o.

📅 September 3, 2026 (Huwebes)
⏰ 9:00 AM–12:00 NN
📍 Blk. 48B Sebo Court Ph 3 E2, Maya Maya St., Brgy. Longos

Inaanyayahan ang mga residente ng Brgy. Longos at mga kalapit na barangay na dalhin ang kanilang mga alagang a*o para sa libreng pagpapabakuna.

🐾 Siguraduhing ang inyong alaga ay nakatalì o nasa maayos na kulungan upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Ang rabies ay isang seryosong sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng regular at tamang pagbabakuna. Sa isang simpleng hakbang, makatutulong tayo sa pagprotekta sa ating pamilya, komunidad, at mga alagang hayop.

Magpabakuna. Mag-ingat. Maging responsableng pet owner!


02/09/2026
01/09/2026

BER MONTHS NA MALABUEÑOS!

September! Simula na naman ng pinakamahabang countdown sa Pasko! Ramdam na natin ang saya, excitement, at pagmamahalan na dala ng BER Months. Panahon na naman ng pagbibigayan, pagkakaisa, at pagbabahagi ng kabutihan sa bawat isa.

Malabueños, sabay-sabay nating salubungin ang BER Months nang may ngiti at positibong puso! Nawa’y maging makabuluhan, masaya, at puno ng biyaya ang mga susunod na buwan para sa bawat tahanang Malabueño.

Maligayang BER Months, mga Malabueños!

31/08/2026
31/08/2026

PAGPUPUGAY SA MGA BAYANI NG ATING BAYAN

Ngayong Araw ng mga Bayani, nagbibigay-pugay tayo sa mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at lakas para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ngunit ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan.

Sa bawat pagtulong, pagdamay, pagiging tapat, at paggawa ng tama, maaari rin tayong maging bayani sa ating kapwa at komunidad.

🇵🇭 Mabuhay ang mga bayani ng kahapon. Mabuhay ang mga bayaning Malabueño ngayon.


31/08/2026

⏳💙 HULING ARAW NA! 💙⏳

Mga Malabueño, huwag palampasin ang pagkakataong makuha ang inyong 3rd Tranche2026 para sa mga benepisyaryo ng Malabon Ahon Blue Card.

📌 Tandaan:
🗓️ Nagsimula noong July 29, 2026, 5:00 PM ang pag-claim at magtatagal lamang hanggang August 31, 2026 hanggang 11:59 PM lamang

🔎 I-check ang inyong pangalan sa listahan dito:
https://drive.google.com/file/d/1LB7MrHuus0fR5WpHHr5kSYvGtr3sbwN4/view?usp=sharing

💳 Paano makukuha ang assistance?
✔️ Mag-withdraw sa kahit anong Bancnet ATM kiosk 🏧
✔️ Pumunta sa pinakamalapit na USSC branch
✔️ Gamitin bilang ATM Debit Card sa malls 🛍️, kainan 🍽️, drugstores 💊, at iba pang establisyimento

Siguraduhing makapag-claim bago matapos ang itinakdang panahon. Sama-sama tayong umahon, mga ka-Malabon! 💙


30/08/2026

Address

F. Sevilla Boulevard
Malabon
1470

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MEAL Malabon City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share