19/05/2026
📣 PAANYAYA SA PAGDINIG PAMBAYAN
Inaanyayahan ang publiko sa gaganaping Pagdinig Pambayan ukol sa Regulasyon ng PWD ID sa Hunyo 1, 2026, ika-1 ng tanghali sa 6th Floor, Session Hall, Malabon City Hall.
Tatalakayin sa pagdinig na ito ang panukalang ordinansa na naglalayong sugpuin ang paggamit, pagmamay-ari, at pagpapakalat ng mga pekeng, pinalsipikang, binagong (tampered), at expired na PWD ID upang maprotektahan ang mga lehitimong Persons with Disability (PWDs) at maiwasan ang pang-aabuso sa mga benepisyong nakalaan para sa kanila.
Hinihikayat ang mga pangkalahatang mamamayan, business sector, health sector, at mga PWD na makilahok at magbahagi ng kanilang pananaw at mungkahi kaugnay ng panukala.
Ang ordinansang ito ay may Ref No. 2026-024 at pinangungunahan nina Coun. Payapa Viola Ona, Chairperson ng Committee on Senior Citizen & PWD Affairs, at Coun. Maricar D. Torres, Chairperson ng Committee on Laws, Rules & Ordinances, kasama bilang principal authors sina Coun. Nadja Vicencio at Coun. Payapa Viola Ona.
Para sa buong kopya ng ordinansa, i-scan ang QR Code. Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa 02-8281-4999 local 5020 o mag-email sa [email protected].