Brgy. Carmona Health and Sanitation

Brgy. Carmona Health and Sanitation Barangay Carmona
Prevention and Promotion

Nitong August 20, 2026 dumalo ang ating Barangay Health Workers sa Lecture/Seminar sa Ospital ng Makati patungkol sa Eye...
27/08/2026

Nitong August 20, 2026 dumalo ang ating Barangay Health Workers sa Lecture/Seminar sa Ospital ng Makati patungkol sa Eye Health Lecture and Seminar para sa mga Barangay Health Workers (BHWs)

Nagkaroon ng isang lecture at seminar na naglalayong palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Health Workers tungkol sa pangangalaga sa kalusugan ng mata, wastong visual activity assessment, at pangunahing screening para sa mga karaniwang sakit at kondisyon sa mata.

Tinalakay dito ang tamang paraan ng pagsasagawa ng visual acuity screening, pagtukoy ng mga senyales at sintomas ng problema sa paningin, wastong paggamit ng visual acuity chart, at mga pangunahing hakbang sa pag-assess ng kalagayan ng mata. Binigyang-diin din ang pagkilala sa mga karaniwang kondisyon tulad ng cataract, glaucoma, diabetic retinopathy, conjunctivitis, at refractive errors.

Layunin ng seminar na mabigyan ang mga BHW ng sapat na kaalaman upang makapagsagawa ng pangunahing screening, makilala ang mga nangangailangan ng karagdagang pagsusuri, makapagbigay ng tamang health education, at makapag-refer ng mga pasyente sa angkop na eye care professional o health facility.

Ngayong buwan ng Agusto nagkaroon ng Ovi-Larvae Trapping (August 20, 2026) at Harvesting ng Ovi-Larvae Trapping ( August...
27/08/2026

Ngayong buwan ng Agusto nagkaroon ng Ovi-Larvae Trapping (August 20, 2026) at Harvesting ng Ovi-Larvae Trapping ( August 24, 2026) mula Area 1 hanggang 4 ang ating mga Barangay health workers . Upang maiwasan at masigurong Ligtas ang ating Barangay sa Dengue.
Maraming salamat sa inyong pakiki-isa.



゚viralシfypシ゚viralシ





Magandang araw Barangay Carmona nagsisimula na po ang Mobile Chest Xray ngayong araw sa harapan ng ating Barangay Carmon...
13/08/2026

Magandang araw Barangay Carmona nagsisimula na po ang Mobile Chest Xray ngayong araw sa harapan ng ating Barangay Carmona Multi-Purpose Hall.

Barangay Carmona
10/08/2026

Barangay Carmona

Magandang araw Barangay Carmona mag ingat po tayo ngayong tag-ulan.
10/08/2026

Magandang araw Barangay Carmona mag ingat po tayo ngayong tag-ulan.

07/08/2026
05/08/2026

Tingnan ang Schedule ng 2nd Round ng Libreng Chest X-Ray mula August hanggang September 2026!

Inaanyayahan ang lahat na magtungo sa itinalagang Makati Health Center upang mag-avail ng libreng Chest X-Ray, bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa Tuberculosis (TB).

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ate Nancy Binay, layunin ng programang ito na matukoy nang maaga ang posibleng kaso ng TB, upang agad mabigyan ng tamang lunas at maiwasan ang paglala o pagkalat ng sakit.

Hinihikayat na magpatingin ang mga sumusunod:

May ubo na tumatagal ng dalawang (2) linggo o higit pa
Mga nakatatanda
May direct contact sa pasyenteng may TB
Mga naninigarilyo
May mahinang resistensya
Kulang sa nutrisyon
May diabetes

Hanapin, Alamin, Gamutin: Sama-samang laban sa TB!

05/08/2026

Ang kalusugan ng ating mga anak ang pinakamahalaga. 💙

Simula August 3 hanggang 28, magsasagawa ang Lungsod ng Makati ng School-Based Influenza Vaccination Program sa lahat ng pampublikong paaralan, libre para sa ating mga estudyante.

Pinaaalala ni Mayor Ate Nancy Binay na sa pamamagitan ng bakuna, mas protektado ang ating mga anak laban sa influenza, mas kaunti ang sakit na maaari nilang makuha o maipasa sa iba, at mas panatag tayo tuwing pumapasok sila sa paaralan.

Mga magulang at guardians, magpapadala ang paaralan ng program information at informed consent form. Basahin, sagutan, at pirmahan ito, at ibalik sa class adviser bago ang naka-schedule na araw ng bakuna.

Kung may mga katanungan o alalahanin, huwag mag-atubiling lumapit sa school clinic at kausapin ang inyong school nurse.

Barangay CarmonaMobile Chest X-ray August 13, 20268:00 am hanggang 3:00 pmTARGET Participants:• Senior citizens (60 year...
03/08/2026

Barangay Carmona
Mobile Chest X-ray
August 13, 2026
8:00 am hanggang 3:00 pm

TARGET Participants:
• Senior citizens (60 years old and above)
• Persons with diabetes
• Smokers
• Urban poor/indigent residents
• Barangay officials and personnel
• Barangay Health Workers (BHWs)
• TODA members
• Close contacts of TB patients
• People Living with HIV (PLHIV)
• Individuals with a history of previous TB treatment
• Individuals with immunocompromising conditions, such as end-stage renal disease, alcohol or substance abuse, those undergoing chemotherapy, or other cancer-related treatments

Address

8001 A. P Reyes Avenue, Barangay Carmona
Makati
1207

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Carmona Health and Sanitation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share