Isa po ako sa biktima ng 3 kaso ng pagnanakaw sa nakaraang 2 linggo ng isang Salisi gang na gumagala sa Legaspi Village. Nakakuha na po ng at least 3 laptop bag ng mga lalaking pare-pareho ang modus operandi. Nakasuot ng matinong damit (sports attire o kaya polo barong), may suot na itim na salamin, at may dalang itim na backpack nag nagsisilbing pangharang sa bag na inanakaw habang dahan-dahan it
ong kinukuha at tinatakas. At least 2 tao po ang hinala nating suspek: isang matabang lalaking nagnakaw ng North Face na backpack sa Damiana's Filipino restaurant noong nakaraang July 25, at isang mas maliit (ngunit malaki ang tiyan at malapad ang likod) na lalaking medyo kulot ang buhok at matangos at ilong na nagnakaw naman ng 1 laptop bag sa Army Navy Dela Rosa noong July 31 at 1 pang laptop bag sa Habitual Coffee sa Chino Roces noong August 10. Pareho po ang modus operandi nila na makikipag-usap sa kulay-puting telepono habang ginagamit ang black na backpack upang takpan ang pagnakaw sa gamit ng biktima. Posibleng pareho (at walang grado) ang gamit nilang salamin upang takpan ang mukha. Ayon sa mga security guard at bantay sa compound ng pinaka-recent na nakawan, halos buong araw naka-tambay ang lalaking ito sa area upang pagmasdan ang paggalaw ng mga empleyado't customer ng mga establishment dito. Maging listo po tayo sa mga taong nakatambay sa mga tindahan at kainan na wala namang pakay doon - maaaring nagmamasid lang ang mga ito ng biktima ng susunod nilang krimen! Kung may impormasyon po kayo ukol sa identitad at lokasyon ng magnanakaw na ito, paki-PM ang Page na ito. May reward po para sa makapagbigay ng impormasyon na makakatulong sa paghuli sa grupong ito.
* * *
PEOPLE WHO WORK / LIVE IN LEGASPI VILLAGE, MAKATI: Be aware that there have been at least 3 theft cases in the past 2 weeks by a Salisi gang operating in coffee shops and restaurants. At least 3 laptops have been taken by men seemingly working alone - all wearing the (same) black-rimmed glasses, carrying a black backpack, and talking on the same white phone to avoid looking threatening. It seems like 2 different people (1 fat guy in Damiana's, another medium-built guy with different-looking features - Filipino but with a prominent nose - in the Army Navy and Habitual incidents, but both wearing the same (fake) black rimmed glasses, carrying a black packpack, and have the same MO of talking on the phone to not seem like a threat). Establishment Owners - Please be vigilant and alert your frontliners and security staff to be on the lookout for these characters - let them call the police (who have been notified about this) if they notice any suspicious behavior. In my theft incident (Habitual Coffee, August 10), the thief was already scouting out the area, loitering as a customer, as early as 12:30 in the afternoon watching how people who come in and out of the place - but the crime was committed at 9 PM. I would appreciate any information (PM us) that would lead to the arrest of these individuals - reward to be given for any verifiable information.