29/07/2026
: Patuloy na Lumalawak ang VIBE+ at STAR WORX BLOCK 1, Mas Maraming Oportunidad para sa Bagong Henerasyon ng mga Artista
Kapansin-pansin ang patuloy na paglago ng VIBE+ at STAR WORX BLOCK 1, na nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang artista na maipakita ang kanilang talento sa telebisyon.
Mula pa noong nagsimula ang VIBE, ilan sa mga unang naging bahagi ng programa ay sina Carmela Lorzano, Selina Griffin, at Adam Buck bilang GEN Vs. Isa sa mga magandang balita ngayon ay ang pagkakapromote ni Carmela Lorzano bilang isa sa mga VIBE Jocks.
Pagpapatunay ito ng kanilang dedikasyon at talento bilang mahuhusay na performers. Tiyak na malayo ang mararating ng mga kabataang ito sa pangangalaga at pangunguna na din ng pamunuan ng STAR WORX.
Matapos namang ma-reformat ang programa bilang VIBE+, mas pinalawak pa ang cast sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang miyembro ng STAR WORX BLOCK 1 bilang mga regular na bahagi ng programa. Kabilang dito sina Chan Martin, Nico Matugas, Spencer Capistrano, Keisha Serna, at Marthena Jickain.
Lalo pang naging kapana-panabik ang VIBE+ nang ilunsad noong July 11 ang STAR WORX ON VIBE+, isang espesyal na segment na magsisilbing entablado upang maipakita ang talento at potensyal ng mga artista ng STAR WORX sa mas malawak na audience.
Sa patuloy na pagbibigay ng TV5 ng pagkakataon sa mga bagong talento, inaasahang mas marami pang mahuhusay na artista ang makikilala at mabibigyan ng pagkakataong sumikat sa industriya ng entertainment.