Governor's Help Desk Magdiwang

Governor's Help Desk Magdiwang Focusing in Helping Community

Provincial Government of Romblon Payout..June 4 , 2026THURSDAY @ MAGDIWANG MULTI PURPOSE HALL
03/06/2026

Provincial Government of Romblon Payout..
June 4 , 2026
THURSDAY @ MAGDIWANG MULTI PURPOSE HALL

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬: π—£π—šπ—₯ 𝗣𝗔𝗬𝗒𝗨𝗧 π—¦π—–π—›π—˜π——π—¨π—Ÿπ—˜Ipinapaalam ng Provincial Government of Romblon ang schedule ng payout simula bukas, June 4...
03/06/2026

π—”π——π—©π—œπ—¦π—’π—₯𝗬: π—£π—šπ—₯ 𝗣𝗔𝗬𝗒𝗨𝗧 π—¦π—–π—›π—˜π——π—¨π—Ÿπ—˜
Ipinapaalam ng Provincial Government of Romblon ang schedule ng payout simula bukas, June 4-5, 2026.

JUNE 4
MAGDIWANG 9am
CAJIDIOCAN 2pm

JUNE 5
SAN FERNANDO 8am

Sunding lamang po ang itinakdang oras upang maiwasan ang anumang abala. Maraming salamat po sa inyong patuloy na serbisyo.

Nakipagpulong ang Provincial Highway Patrol Team Romblon ngayong araw, Mayo 28, 2026, sa tanggapan ni Gov. Trina Firmalo...
28/05/2026

Nakipagpulong ang Provincial Highway Patrol Team Romblon ngayong araw, Mayo 28, 2026, sa tanggapan ni Gov. Trina Firmalo-Fabic sa pagtanggap ni Dr. Arnulfo F. de Luna, OIC ng PGR Extension Office, bilang bahagi ng koordinasyon at paghahanda para sa nakatakdang MIMAROPA Regional Development Council – Regional Peace and Order Council (RDC-RPOC) activity sa lalawigan.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Highway Patrol Group (HPG), Odiongan Municipal Police Station, Office of the Transportation Regulation Unit (OTRU), at mga concerned offices ng Local Government Unit ng Odiongan.

Layunin ng naturang pagpupulong na mapalakas ang inter-agency coordination at maihanda ang mga kinakailangang traffic management at public safety measures upang matiyak ang maayos, ligtas, at matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad sa lalawigan ng Romblon.


Pormal nang nilagdaan ngayong hapon ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DepEd at ng Pamahalaang Panlal...
28/05/2026

Pormal nang nilagdaan ngayong hapon ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DepEd at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon para sa pagpapatayo ng mga bagong silid-aralan sa lalawigan na nagkakahalaga ng β‚±53 milyon.

Ginanap ang pagpirma sa DepEd Central Office sa Makati City sa pagitan nina DepEd Assistant Secretary Aurelio Bartolome at Governor Trina Firmalo-Fabic, kasama si SP Member Nene Solis, Chairman ng Committee on Education, bilang saksi.

Kinilala ng DepEd CO ang probinsya ng Romblon bilang isa sa mga pinakaunang probinsya na nakapagsumite ng mga dokumento dahil sa mabilis na aksyon at maayos na koordinasyon ng lokal na pamahalaan. Sa ilalim ng kasunduan, DepEd ang magpopondo sa proyekto habang ang Pamahalaang Panlalawigan naman ang magpapatupad nito.

Ang hakbang na ito ay hindi lamang pagpapatayo ng mga gusali, kundi pagpupuhunan sa pangarap at mas magandang kinabukasan ng bawat batang Romblomanon.

Inaprubahan ng Provincial Development Council (PDC) ng lalawigan ng Romblon ang mahigit β‚±3 bilyong pondo para sa Annual ...
28/05/2026

Inaprubahan ng Provincial Development Council (PDC) ng lalawigan ng Romblon ang mahigit β‚±3 bilyong pondo para sa Annual Investment Program (AIP) ng lalawigan para sa taong 2027.

Batay sa dokumentong tinalakay sa ginanap na PDC Meeting sa Pasay City nitong May 28, umaabot sa mahigit β‚±3.4 bilyon ang nakapaloob sa Annual Investment Program para sa 2027. Mas mataas ito kumpara sa β‚±2.2 bilyong AIP na inaprubahan ng PDC para sa taong 2026.

https://romblonnews.net/2026/05/mahigit-%e2%82%b13-bilyong-pondo-ng-romblon-para-sa-2027-inaprubahan-ng-provincial-development-council/

Inaprubahan ng Provincial Development Council (PDC) ng lalawigan ng Romblon ang mahigit β‚±3 bilyong pondo para sa Annual Investment Program (AIP) ng lalawigan para sa taong 2027.

Batay sa dokumentong tinalakay sa ginanap na PDC Meeting sa Quezon City nitong May 28, umaabot sa mahigit β‚±3.4 bilyon ang nakapaloob sa Annual Investment Program para sa 2027. Mas mataas ito kumpara sa β‚±2.2 bilyong AIP na inaprubahan ng PDC para sa taong 2026.

https://romblonnews.net/2026/05/mahigit-%e2%82%b13-bilyong-pondo-ng-romblon-para-sa-2027-inaprubahan-ng-provincial-development-council/

26/05/2026

Dumating na ang 2 bagong dumptrucks ng Pamahalaang Panlalawigan! Malaking tulong ito para mapaganda natin ang estado ng ating provincial roads.

Ang 1 ay madedestino sa Tablas habang ang 1 ay sa Sibuyan.

May parating pang loader at boomtruck ngayong taon. Last month ay nadeliver na ang ating 2 brand new rollers (pison).

Salamat sa buwis ng taongbayan!


Kahapon, May 25, 2026, nagsagawa tayo ng Special Provincial DRRM Council Meeting kung saan isinapinal ang PDRRMO Annual ...
26/05/2026

Kahapon, May 25, 2026, nagsagawa tayo ng Special Provincial DRRM Council Meeting kung saan isinapinal ang PDRRMO Annual Investment Plan para sa taong 2027.

Naipresenta sa pagpupulong ang mga nakahandang proyekto at programa kabilang ang mga nakalaang pondo para sa implementasyon ng mga ito, bilang bahagi ng ating patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng disaster risk reduction and management sa lalawigan.

Hangad natin na mas maprotektahan at mabigyan ng kaukulang seguridad ang bawat Romblomanon lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna sa ating probinsya. Gusto nating maging handa ang ating mga awtoridad at komunidad sa anumang pagsubok na maaari nating harapin sa mga susunod na taon kaya mahalaga ang patuloy na pagtutulungan at kahandaan ng bawat isa.



Isang mainit at makahulugang tanghalian ang ating pinagsaluhan kahapon, May 22, kasama ang ating mga mahuhusay at ipinag...
23/05/2026

Isang mainit at makahulugang tanghalian ang ating pinagsaluhan kahapon, May 22, kasama ang ating mga mahuhusay at ipinagmamalaking atletang Romblomanon na kalahok sa Palarong Pambansa 2026. Kasama rin natin sina Cong. Budoy Madrona, Vice Governor Arming Gutierrez, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga alkalde mula sa 17 bayan ng ating lalawigan bilang pagpapakita ng buong-pusong suporta para sa Team Romblon. Nandoon din ang DepEd Officials at coaches/trainers sa pamumuno ni SDS Roger Capa.

Ang simpleng salu-salong ito ay sumasalamin sa pagkakaisa ng ating lalawigan at sa taos-pusong pagmamahal natin para sa ating mga kabataang atleta. Sa ating mga manlalaro, nais naming ipaabot na nandito ang buong pamunuan ng Probinsya ng Romblon na nakasuporta, naniniwala, at buong pusong nagdarasal para sa inyong tagumpay. Salamat kay Cong Budoy sa pagsponsor ng tanghalian ng Romblon delegation.

Patuloy nating pagtitibayin at palalawakin ang ating Sports Development Program upang lalo pang mahubog ang talento, disiplina, at kakayahan ng kabataang Romblomanon. Hangad nating makapagbukas pa ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan at mabigyan sila ng inspirasyon upang patuloy na mangarap at magsikap.

Bilang dagdag-suporta, naglaan din po tayo ng pondo para sa bawat atleta upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan habang kinakatawan nila ang ating mahal na lalawigan.

Buong puso naming ipinagmamalaki kayo, Team Romblon! Dalhin ninyo ang husay, puso, at tapang ng bawat Romblomanon. Kasama ninyo kami sa bawat laban at tagumpay.

Padayon, Team Romblon! 🫢

Mayo 7, 2026Isinagawa ang pag bigay ng allowance sa ating masisipag na Barangay Health Worker sa pangunguna ng Romblon P...
07/05/2026

Mayo 7, 2026
Isinagawa ang pag bigay ng allowance sa ating masisipag na Barangay Health Worker sa pangunguna ng Romblon Provincial Government treasurers office kasama ang Governor's Help Desk Magdiwang at Magdiwang Public Information Office -Office of the Mayor sa Magdiwang Multipurpose hall..

Address

Magdiwang Romblon
Magdiwang
5511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Governor's Help Desk Magdiwang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share