Urdaneta Magallanes Cavite

Urdaneta Magallanes Cavite Official page of Sangguniang Barangay of Urdaneta, Magallanes, Cavite

Maligayang Kaarawan, Kapitan Aniano !Sa araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa...
25/04/2026

Maligayang Kaarawan, Kapitan Aniano !

Sa araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating barangay. Ang inyong dedikasyon, malasakit, at pamumuno ay naging inspirasyon sa bawat isa sa amin.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan upang magampanan pa ninyo ang inyong tungkulin para sa kapakanan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit. Hangad namin ang marami pang taon ng tagumpay at kaligayahan para sa inyo at sa inyong pamilya.

Maligayang Kaarawan po, Kapitan! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

PARA SA KAAYUSAN NG ATING KOMUNIDAD!Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ip...
12/04/2026

PARA SA KAAYUSAN NG ATING KOMUNIDAD!
Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ipinapaalala ng Magallanes Municipal Police Station na mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at disiplina sa ating bayan:
๐Ÿšซ Inuman sa Kalsada โ€“ Ipinagbabawal ang paglalagay ng mesa at silya sa kalsada.
๐Ÿšซ Topless sa Kalye โ€“ Panatilihin ang disente at maayos na pananamit sa mga pampublikong lugar.
๐Ÿšซ Videoke Lampas 10:00 PM โ€“ Iwasan ang labis na ingay upang mabigyan ng sapat na pahinga ang lahat.
๐Ÿšซ Pagala-galang Kabataan โ€“ Mahigpit na ipinatutupad ang curfew para sa mga menor de edad simula 10:00 PM.
Ang mga alituntuning ito ay para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.
Sumunod tayo sa batas para sa isang ligtas, maayos, at payapang lungsod..

๐ƒ๐€๐˜ 3 | ๐‹๐“๐Ž ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐”๐ซ๐๐š๐ง๐ž๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐๐ž๐ง๐๐ข๐ญ๐š 1 ๐Ÿš˜๐Ÿšฆ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ-๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ po tayo !!Pumunta lamang po sa ๐Œ...
12/04/2026

๐ƒ๐€๐˜ 3 | ๐‹๐“๐Ž ๐‘๐ž๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐”๐ซ๐๐š๐ง๐ž๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐๐ž๐ง๐๐ข๐ญ๐š 1 ๐Ÿš˜๐Ÿšฆ
๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ-๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ po tayo !!
Pumunta lamang po sa ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข-๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ž ๐‡๐š๐ฅ๐ฅ at ๐ƒ๐€๐‹๐‡๐ˆ๐ ang mga ๐‘๐„๐๐”๐ˆ๐‘๐„๐Œ๐„๐๐“๐’, need din po ng ๐€๐‚๐“๐ˆ๐•๐„ ๐„๐Œ๐€๐ˆ๐‹ ๐€๐ƒ๐ƒ๐‘๐„๐’๐’ at ๐ƒ๐€๐“๐€



๐Ÿ‘‡ ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป 2026 ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒHatid-serbisyo para sa ating mga kababayan! ๐Ÿš˜Simulan na ang inyong journey bilang ...
20/03/2026

๐Ÿ‘‡ ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป 2026 ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ
Hatid-serbisyo para sa ating mga kababayan! ๐Ÿš˜
Simulan na ang inyong journey bilang responsableng motorista sa pagkuha ng Student License ๐Ÿชช

Nasa ibaba po ๐Ÿ‘‡ ang mga ๐——๐—˜๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—˜ (๐Ÿ“…petsa, ๐Ÿ•œ oras,๐Ÿ“lugar, ๐Ÿ“ƒrequirements and ๐Ÿ’ฐfees) at mga ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” para sa mga ating LTO Caravan 2026 (๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ-๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐Ÿ˜‰)

Nandito na din po ang schedule ng pagpunta.

Sama-sama nating paigtingin ang kaalaman sa batas-trapiko at kaligtasan sa kalsada ๐Ÿšธโ›”๐Ÿšฆ




Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mga kababaihan sa ating Barangay, (maaari din po ang mga taga ibang barangay...
20/03/2026

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mga kababaihan sa ating Barangay, (maaari din po ang mga taga ibang barangay) na makibahagi sa ating gaganaping Womenโ€™s Month Celebration, isang makabuluhang pagtitipon bilang pagkilala sa lakas, kakayahan, at kontribusyon ng kababaihan sa ating lipunan.

Ito po ay gaganapin sa darating na Linggo, March 22,2026 @ 1:00PM sa atin pong Covered Court.

Magkakaroon ng ibaโ€™t ibang gawain tulad ng libreng manicure at pedicure, libre at iba pa...

Inaanyayahan namin kayong makiisa at ipagdiwang ang kahalagahan ng kababaihan sa ating komunidad. Ang inyong presensya ay lubos naming ikagagalak.

Maraming salamat at umaasa kaming kayo ay makakadalo!

Ang Pamahalaang Barangay ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mamamayan na dumalo at nakiisa sa ginanap na Barangay...
15/03/2026

Ang Pamahalaang Barangay ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mamamayan na dumalo at nakiisa sa ginanap na Barangay Assembly. Ang inyong aktibong pakikilahok, suporta, at pakikipagtulungan ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagpupulong.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at bukas na talakayan, mas napagtitibay natin ang ating layunin na mapaunlad at mapanatili ang kaayusan ng ating barangay. Ang inyong mga suhestiyon, opinyon, at pakikiisa ay mahalagang gabay upang lalo pang mapabuti ang ating mga programa at serbisyo.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa Pamahalaang Barangay. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa para sa mas maunlad, mapayapa, at maayos na komunidad.

Mabuhay ang ating Barangay!

๐ŸŒธ Happy Womenโ€™s Month! ๐ŸŒธSa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month, ating kinikilala at pinapahalagahan ang lakas, sipag, at malasa...
14/03/2026

๐ŸŒธ Happy Womenโ€™s Month! ๐ŸŒธ

Sa pagdiriwang ng Womenโ€™s Month, ating kinikilala at pinapahalagahan ang lakas, sipag, at malasakit ng lahat ng kababaihan sa ating komunidad. Maraming salamat sa inyong patuloy na inspirasyon, pagmamahal sa pamilya, at ambag sa pag-unlad ng ating barangay.

Sa bawat ina, kapatid, anak, at lola โ€” kayo ang tunay na haligi ng tahanan at ng ating lipunan.

Patuloy nating ipaglaban ang pagkakapantay-pantay, respeto, at pagpapahalaga sa kababaihan.

๐Ÿ’œ Mabuhay ang kababaihan!
๐Ÿ’œ Happy Womenโ€™s Month sa lahat!
๐Ÿ’œ" LEAD LIKE THE BABAYLANS, FILIPINAS !

PANAWAGAN SA MGA KABARANGAY ๐Ÿ“ฃMagandang araw po sa ating lahat !Kami po ay  nananawagan sa lahat ng kabarangay na huwag m...
14/03/2026

PANAWAGAN SA MGA KABARANGAY ๐Ÿ“ฃ

Magandang araw po sa ating lahat !

Kami po ay nananawagan sa lahat ng kabarangay na huwag magtapon ng basura at mga diaper kung saan-saan, lalo na sa mga kanal, bakanteng lote, at gilid ng kalsada lalo na po sa tulay , hindi po ito tapunan ng mga diaper .

Ang ganitong gawain ay nagdudulot ng pagbabara ng kanal, baha, masamang amoy, at panganib sa kalusugan ng ating komunidad.

Inaanyayahan po namin ang lahat na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

MAGING RESPONSABLENG MAMAMAYAN PO TAYO ..

Ilagay po natin ang mga ito sa tamang lagayan at wag iwanan kung saan saan.

Ang malinis na barangay ay responsibilidad nating lahat. Sa simpleng disiplina at pagtutulungan, mapapanatili nating ligtas, maayos, at malinis ang ating kapaligiran.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Magandang araw po...๐Ÿ“ข Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay Urdaneta na dumalo sa gaganaping Barangay Assem...
11/03/2026

Magandang araw po...

๐Ÿ“ข Inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay Urdaneta na dumalo sa gaganaping Barangay Assembly sa darating na MARCH 15, 2026, 1:00 PM, sa ating barangay covered court.

Layunin ng pagpupulong na maipabatid ang mga programa, proyekto, at mahahalagang usapin ng ating barangay. Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga upang lalo pang mapabuti ang ating komunidad.

Maraming salamat po at inaasahan ang inyong pakikiisa.

๐Ÿ“ข ANUNSYO PARA SA PUBLIKO ๐Ÿ“ขIpinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Urdaneta na magkakaroon ng pagpapalit ng dis...
09/02/2026

๐Ÿ“ข ANUNSYO PARA SA PUBLIKO ๐Ÿ“ข

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Urdaneta na magkakaroon ng pagpapalit ng disenyo ng Barangay ID alinsunod sa Anti-Epal Bill (RA 11667).

Ang bagong disenyo ng Barangay ID ay:
โœ”๏ธ Walang pangalan, larawan, o simbolo ng sinumang pulitiko
โœ”๏ธ Alinsunod sa itinakdang pamantayan ng batas
โœ”๏ธ Para sa mas malinaw, patas, at propesyonal na pagkakakilanlan ng barangay

๐Ÿ“… Simula ng pagpapalit: FEBRUARY 9, 2026

๐Ÿ“„ Dalhin: Lumang Barangay ID para sa pagpapalit ..


Inaanyayahan po ang lahat ng apektadong residente na makipagtulungan para sa maayos at mabilis na proseso.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.

PABATID !!May napulot pong cellphone sa makalampas sa tulay sa Barangay Urdaneta  ngayong Pebrero 9, 2026 bandang 2:30 n...
09/02/2026

PABATID !!

May napulot pong cellphone sa makalampas sa tulay sa Barangay Urdaneta ngayong Pebrero 9, 2026 bandang 2:30 ng hapon.

Ang may-ari po ay maaaring magtungo sa Barangay Hall ng Barangay Urdaneta at magpakita ng patunay ng pagmamay-ari (hal. lock screen, IMEI, o detalye ng phone).

Pakisabihan na lang po ang kakilala kung sakaling nawalan sila ng cellphone.
Salamat po! ๐Ÿ™

๐Ÿ“ข PAALALA SA PUBLIKO ...Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Urdaneta, na alinsunod sa kautusan at  Under DI...
04/02/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA PUBLIKO ...

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Urdaneta, na alinsunod sa kautusan at Under DILG Memorandum Circular No. 2026-006, ay magkakaroon ng pagbabago sa disenyo, format, at itsura ng mga sumusunod na dokumento ng barangay:

Barangay Clearance

Barangay Certificates (Residency, Indigency, at iba pa)

Ang nasabing pagbabago ay bahagi ng pagsunod ng barangay sa standardization, transparency, at pagpapatibay ng seguridad ng mga opisyal na dokumento.

๐Ÿ“Œ Simula Pebrero 4, 2026, ang bagong format na po ang opisyal na gagamitin sa pag-isyu ng mga nabanggit na dokumento. Ang mga lumang format ay hindi na ipagkakaloob matapos ang nasabing petsa.

Inaanyayahan po ang lahat na makipag-ugnayan sa Barangay Office para sa karagdagang impormasyon at gabay.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon.

Address

Magallanes

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Urdaneta Magallanes Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share