31/05/2026
๐๐๐ฅ๐ง๐๐ค๐จ๐๐๐ ๐ฆ๐ช๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ง๐๐, ๐๐๐๐จ๐ก๐?
Mula Mayo 27 hanggang 30, 2026, walong (8) lindol ang naitala sa at sa paligid ng Mabitac, Laguna. Pito sa mga ito ay naganap noong umaga ng Mayo 27 lamang, mula 3:20 AM hanggang 10:14 AM, habang ang ikawalo ay naitala makalipas ang tatlong araw, noong Mayo 30, 6:10 PM.
Sa walong lindol na ito, ang may pinakamalakas na magnitude na 2.6 ang unang naganap sa serye. Ito ay nagmula sa 2 kilometro ng hilagang-kanluran ng Mabitac at may mababaw na lalim na 9 km. Ang pitong natitirang lindol naman ay nasa pagitan ng magnitude 1.2 at 2.0, sa lalim na 9 hanggang 37 km. Wala sa mga ito ang naramdaman ng mga residente at walang naiulat na pinsala o sugatan.
Ang pagkakasunod-sunod ng maraming maliliit na lindol sa iisang lugar sa loob ng maikling panahon ay isang pattern na kilala bilang earthquake swarm, isang serye ng mga lindol na kadalasang walang malinaw na pangunahing lindol na sinusundan ng mga aftershock.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang PHIVOLCS tungkol sa aktibidad na ito, at hindi pa nito kinukumpirma kung ito ay tunay na earthquake swarm.
Walang dahilan upang mabahala, ngunit mahalagang manatiling handa. Alamin ang inyong evacuation route at bantayan ang mga opisyal na ulat para sa pinakabagong impormasyon.
31 May 2026