11/12/2025
LAKAS NG BAWAT ISA, PARA SA XEVERA! Buklod Xevera, ATIN 'to
Mga Kagalang-galang na Miyembro ng Xevera Mabalacat Homeowners Association Inc. (XMHOAI)
Pormal po naming ipinapakilala ang Team Buklod Xevera, ATIN 'to, ang inyong mga kandidato para sa darating na Homeowners Association Election 2025.
Ang aming PLATAPORMA ay nakatuon sa apat na pamantayan:
A-ccountability (Pananagutan)
T-ransparency (Kalinawan)
I-ntegrity (Katapatan)
N-on Partisanship (Walang Pinapanigan kundi XEVERANS lamang)
Ang pangalan ng aming grupo, BUKLOD, ay sumisimbolo sa mga prinsipyo ng pagkakaisa at kolektibong pagkilos mula sa anim na haligi:
B Bayanihan (Collaborative effort and unity)
U Ugnayan (Effective communication and connection)
K Kaayusan (Order and proper management)
L Layunin (Clear objectives and strategic planning)
O Obligasyon (Fulfillment of duties and responsibilities)
D Disiplina (Adherence to rules and consistent performance)
Ang aming vision: PINAGBUKLOD NA LAKAS NG BAWAT, ISA PARA SA XEVERA!
Ito ay isang panawagan sa LAHAT - homeowners, residente, nangungupahan, administrasyon, utilities and service providers, workers at staff, developer, kaagapay ang lokal na pamahalaan ang MAGBUKLOD para sa iisang mithiin - sa pagpili sa Team Buklod Xevera, ATIN 'to, pinipili ninyo ang isang administrasyong tinitiyak ang PROPESYONAL NA PAMAMALAKAD, BUKAS NA PAGLILINGKOD SA LAHAT at AKTIBONG PAMAMAHALA para sa ikagaganda at ikakaayos ng ating komunidad at pamumuhay sa lugar na pinili natin para sa ating pamilya, mga anak, magiging apo at sa mga sumusunod na henerasyon.
Buklod Xevera, ATIN 'to
Ihayag ang inyong karapatan at maging boses ng pamayanan!
MAKIBAHAGI!
📌GENERAL ASSEMBLY/MEETING DE AVANCE
SABADO DEC 13, 5PM XEVERA MABALACAT BASKETBALL COURT
📌ELECTION PROPER
LINGGO, DECEMBER 14, 8AM-3PM XEVERA MABALACAT BASKETBALL COURT