15/02/2026
Kasalukuyang ipinagdiriwang ang makulay at masayang Barangay Night ng San Antonio Weste, na dinaluhan ng mga residente, kabataan, at mga panauhin mula sa iba’t ibang purok. Tampok sa gabi ang pagbibigay-parangal sa mga nagwagi sa Inter-Purok Basketball League 2026, bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at sportsmanship na ipinamalas sa buong liga. 🏀✨
Pinangunahan ang programa ngayong Linggo ng inyong lingkod, kasama ang iba pang opisyal ng barangay, at Sangguniang Kabataan na patuloy na sumusuporta sa mga aktibidad na nagpapalakas ng pagkakaisa at samahan ng komunidad.
Isang gabi ng pagkilala, pasasalamat, at pagbubuklod—patunay na sa San Antonio Weste, ang bawat tagumpay ay tagumpay ng buong komunidad. 🎉👏