05/01/2025
Importante ang laging handa, lalo na pagdating sa mga sakuna! 💡 Isa sa mga pinaka-kailangan natin ay ang tinatawag na Go Bag—ito ang bag na mabilis mong mahahatak kapag may emergency.
Ano ang dapat laman ng isang Go Bag?
✅ Tubig - At least 3 liters per person (pang-3 araw!)
✅ Pagkain - Ready-to-eat meals or canned goods (wag kalimutang can opener!)
✅ Flashlight at Extra Batteries
✅ First Aid Kit - Band-aids, alcohol, gamot, atbp.
✅ Important Documents - Birth certificates, IDs, atbp. (Ilagay sa waterproof pouch!)
✅ Damit at Blanket - Pang-extra layer ng proteksyon.
✅ Whistle - Para madali kang makita o marinig.
✅ Cash - Barya at bills, just in case walang ATM o online payments.
✅ Powerbank - Para laging may charge ang iyong gadgets.
✅ Face Masks at Hygiene Kit - Pang-maintain ng kalinisan kahit saan ka mapunta!
📌 TIP: I-customize ang Go Bag depende sa pangangailangan mo at ng pamilya mo! May babies? Dagdagan ng diapers at gatas. May mga alaga? Huwag kalimutan ang pet food at leash. 🐾
Sa panahon ng sakuna, ang pagiging handa ay malaking bagay! Kaya simulan nang mag-assemble ng Go Bag, mga kababayan! 💪