Mayao Silangan Barangay Health Center

Mayao Silangan Barangay Health Center Mayao Silangan Barangay Health Center

Ang ating mga paSuso Mommies ay nakilahok sa nasabing programa. Salamat sa pagbibigay ng bawat patak ng inyong gatas par...
18/05/2026

Ang ating mga paSuso Mommies ay nakilahok sa nasabing programa. Salamat sa pagbibigay ng bawat patak ng inyong gatas para sa buhay ng ibang sanggol.

"Sa bawat breastmilk donation, may sanggol na nabibigyan ng pagkakataong lumakas at mabuhay." Sa mga nais pong magdonate...
12/05/2026

"Sa bawat breastmilk donation, may sanggol na nabibigyan ng pagkakataong lumakas at mabuhay."

Sa mga nais pong magdonate ng kanilang breastmilk, maaari po kaung magtungo sa ating Brgy Health Center para sa iba pang impormasyon.

04.30.2026Huling hirit ngayong Abril.Muli na namang naisagawa ang BoomKonsulta sa ating Barangay kung saan mayroon tayon...
01/05/2026

04.30.2026

Huling hirit ngayong Abril.

Muli na namang naisagawa ang BoomKonsulta sa ating Barangay kung saan mayroon tayong Doctor, Nurse, Midwife at Medtech na nagtulong tulong upang makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan tulad ng Konsultasyon, pagbibigay ng libreng gamot at libreng laboratory. Higit 52 na pasyente ang ating nabigyan ng nasabing serbisyo ngayong araw. Ito ay patuloy na isasagawa sa ating Barangay.

Muli, maraming salamat po. 💙🩷

28/04/2026

Pabatid :

Sa darating na APRIL 30, HUWEBES, ay mayroon po tayo muling BOOMKONSULTA kung saan ay mayroon po tayong Doctor at Medtech sa ating BRGY HEALTH CENTER. Ito po ay magsisimula mula alas-8 ng umaga. First Come First Serve po ang ating polisiya. Mangyari po lamang na pumunta sa umaga at wag ng magpahapon pa.

Para po sa mga magpapakonsulta, mangyari po lamang na magdala ng :
✅Para sa mga ADULT, magdala ng xerox ng ID tulad ng Yellow Card, Senior Id, Voters ID o National ID na nakaaddress sa Lucena (4 na kopya)
✅Para sa mga PEDIA o bata edad below 18 yrs old, magdala ng xerox ng BIRTH CERTIFICATE, ID ng magulang na nasa Birth Certificate, iD na tulad ng Yellow Card, Senior ID, Voters ID o National ID na nakaaddress sa Lucena(4 na kopya)
✅Para sa mga SENIOR, magdala ng xerox ng SENIOR ID (4 na kopya)
✅Para po sa mga WALANG YELLOW CARD, maaari pa din po kayong magpakonsulta, mangyari po lamang na magdala ng xerox ng ID na may address ng Lucena (4 na kopya)

Mangyari din po na humingi dn kayo ng Certificate of Indigency sa ating Brgy (4 na kopya).

Para sa may mga katanungan, maaari po kayong magPM sa page o sa mga GC na nakatalaga sa inyong mga Purok. Muli, ito po ay sa darating na APRIL 30, 2026, HUWEBES.

Maraming salamat po at Magandang hapon po.

💙Nurse Pam

Pagpupugay para sa mga Barangay Health Alliance 👏
27/04/2026

Pagpupugay para sa mga Barangay Health Alliance 👏

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga Barangay Health Alliance (BHA) sa inyong walang sawang paglilingkod, malas...
27/04/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga Barangay Health Alliance (BHA) sa inyong walang sawang paglilingkod, malasakit, at dedikasyon sa pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad. Kayo ay tunay na mga bayani sa bawat tahanan na inyong naaabot at natutulungan.

Maraming salamat sa inyong oras, sakripisyo, at pagmamahal sa serbisyo publiko. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang maipagpatuloy ang inyong napakahalagang tungkulin. 💙 🩺

Home Visitation during PuroKalusuagan Activity🩺Patuloy ang aming pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng home visitation p...
25/04/2026

Home Visitation during PuroKalusuagan Activity🩺

Patuloy ang aming pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng home visitation para sa mga may karamdaman. Layunin nitong masubaybayan ang kalagayan ng pasyente, makapagbigay ng kaukulang payo at pangangalaga, at matiyak ang patuloy na paggaling sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi man kayo makarating sa ating Health Center ay hayaan nyong kami ang lumapit sa inyong mga tahanan upang usaping pangkalusugan ay tugunan.

Maraming salamat po sa pagtitiwala at pagpapatuloy sa inyong mga tahanan. 💙

Ingat po tayo. 🙏
23/04/2026

Ingat po tayo. 🙏

03.11.2026Mother and Baby Friendly Workplace Accreditation for Brgy Mayao Silangan Health Center 🤱Muling pasasalamat sa ...
23/04/2026

03.11.2026

Mother and Baby Friendly Workplace Accreditation for Brgy Mayao Silangan Health Center 🤱

Muling pasasalamat sa lahat ng magulangin na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa Breastfeeding o ang Pagpapasuso. Isang patunay na talagang gatas ng ina ang BEST MILK para kay baby. Sa atin pong butihing Kapitan, Kapitan Ricardo J. Lafuente, lubos na pasasalamat sa walang sawa at sa palagiang pagsuporta sa lahat ng aktibidad ng ating health center. Sa ating Kgwd on Health, Kgwd Cristal Abustan, isang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta at pag-agapay sa usaping pangkalusugan (may bagong hamon daw po tayo). Kay Sec Edel Mente , sa agarang pagresponde sa lahat dokumentong papel na aming kailangang isubmit at ideya na aming kailangan sa bawat programa ng ating center, maraming salamat po. At higit sa lahat, sa aking mga BHA's, na hindi napapagod at palaging nandyan para sa ikagaganda ng bawat programang pangkalusugan at handang magserbisyo para sa ating kabarangay, maraming maraming salamat po.

Muli na naman nating nakamit ang akreditasyon bilang isang Mother and Baby Friendly Workplace.

🩷Mayao Silangan Barangay Health Center💜
🤱CERTIFIED MOTHER AND BABY FRIENDLY WORKPLACE🤱

Patuloy ang pagbibigay ng Health Education sa ating komunidad!Sa pamamagitan ng tamang kaalaman tungkol sa kalusugan, ma...
23/04/2026

Patuloy ang pagbibigay ng Health Education sa ating komunidad!

Sa pamamagitan ng tamang kaalaman tungkol sa kalusugan, mas napapalakas natin ang kakayahan ng bawat pamilya na makaiwas sa sakit at mapanatili ang malusog na pamumuhay. Ang simpleng kaalaman ay malaking hakbang tungo sa mas ligtas at mas maayos na kinabukasan para sa lahat.

Maraming salamat po sa aktibong pakikilahok at suporta na ibinibigay ninyo sa amin.

Topics : Tamang Nutrisyon, Pagpupurga at Bakuna para sa mga bata

Address

Lucena

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayao Silangan Barangay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share