13/09/2026
Ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi isang bayanihan ng buong komunidad.
Isang karangalan ang muling makapaglingkod bilang kinatawan ni Mayor Mark Alcala sa Induction Ceremony ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng West 1 Elementary School.
Maraming salamat at pagbati sa buong SPTA sa pagkakataong makasama kayo sa mahalagang araw na ito.
Patuloy tayong makikinig, makikibahagi, at kikilos para sa kapakanan ng ating mga kabataan