Dr. Edwin "Love" Pureza

Dr. Edwin "Love" Pureza Maligayang Pagdating sa page ni DOK LOVE PUREZA!

Isang araw na lang… Ramdam n’yo na ba?! πŸ‘€Kung hindi pa, baka bukas bigla na kayong masilip! πŸ˜‚β€οΈπŸ’šπŸ’™
31/08/2026

Isang araw na lang… Ramdam n’yo na ba?! πŸ‘€

Kung hindi pa, baka bukas bigla na kayong masilip! πŸ˜‚β€οΈπŸ’šπŸ’™

Maligayang Araw ng Lucena! Ngayong Lucena City Day, ating ipagdiwang ang mayamang kasaysayan, patuloy na pag-unlad, at p...
20/08/2026

Maligayang Araw ng Lucena!

Ngayong Lucena City Day, ating ipagdiwang ang mayamang kasaysayan, patuloy na pag-unlad, at pagkakaisa ng bawat Lucenahin.

Mabuhay ang ating minamahal na Lungsod ng Lucena!

Pagbati mula kay Kons. Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza🫢

MALIGAYANG ARAW NG QUEZON! πŸ‡΅πŸ‡­Ngayong ika-19 ng Agosto, ginugunita natin ang ika-148 anibersaryo ng kapanganakan ni Pangu...
19/08/2026

MALIGAYANG ARAW NG QUEZON! πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong ika-19 ng Agosto, ginugunita natin ang ika-148 anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezonβ€”Ama ng Wikang Pambansa at dakilang anak ng Lalawigan ng Quezon.

Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanyang pagmamahal sa bayan, matatag na pamumuno, at malasakit sa kapwa.

β€œAng bayan higit sa lahat.”

Pagbati mula kay Konsehal Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza.

πŸ“’ HOLIDAY ADVISORY | AUGUST 2026Narito ang mga mahahalagang paggunita ngayong Agosto:πŸ“… August 19 – Quezon DayπŸ“… August 20...
18/08/2026

πŸ“’ HOLIDAY ADVISORY | AUGUST 2026

Narito ang mga mahahalagang paggunita ngayong Agosto:

πŸ“… August 19 – Quezon Day
πŸ“… August 20 – Lucena Day
πŸ“… August 21 – Ninoy Aquino Day
πŸ“… August 31 – National Heroes Day

Planuhin nang maaga ang inyong mga transaksyon at gawain. Nawa’y magsilbi ang mga araw na ito bilang pagkakataon upang alalahanin ang ating kasaysayan, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa bayan.

Serbisyong may puso.❀️

CPR-READY LUCENA PROGRAM, PASADO NA SA IKATLONG PAGBASA!Matagumpay nang naipasa sa ikatlong pagbasa ang ordinansang β€œCPR...
17/08/2026

CPR-READY LUCENA PROGRAM, PASADO NA SA IKATLONG PAGBASA!

Matagumpay nang naipasa sa ikatlong pagbasa ang ordinansang β€œCPR-Ready Lucena Program,” na inihain ni Konsehal Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza.

Layunin nitong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga Lucenahin sa pagsasagawa ng CPR, magkaroon ng mas maayos na emergency-response protocols, at matiyak na may mga sinanay na responder sa mga pampubliko at pribadong institusyon sa lungsod.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas maraming mamamayan ang magiging handang tumugon sa oras ng cardiac emergencyβ€”dahil ang tamang kaalaman at agarang pagkilos ay maaaring makapagsalba ng buhay.

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, handa, at CPR-Ready na Lucena City!

MATAGUMPAY NA 2ND COMMITTEE HEARING.Matagumpay na naisagawa ang 2nd Committee Hearing sa pangunguna ni Konsehal Dr. Edwi...
13/08/2026

MATAGUMPAY NA 2ND COMMITTEE HEARING.

Matagumpay na naisagawa ang 2nd Committee Hearing sa pangunguna ni Konsehal Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza, Chairman ng Committee on Health and Sanitation, kaugnay ng panukalang:

β€œAN ORDINANCE MANDATING THE REPORTING OF NOTIFIABLE DISEASES AND OTHER HEALTH CONDITIONS IN ACCORDANCE WITH APPLICABLE LAWS AND DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) GUIDELINES, ESTABLISHING A LOCAL HEALTH DATA REPORTING SYSTEM, AND FOR OTHER PURPOSES.”

Nagbigay ng mahahalagang inputs ang mga resource persons, kabilang ang Mount Carmel Diocesan General Hospital at St. Anne General Hospital, upang malinaw ang kasalukuyang reporting system at maiwasan ang unnecessary duplication at dagdag na burden sa mga healthcare facilities.

Patuloy ang Committee sa konsultasyon upang makabuo ng malinaw, maayos, praktikal, at naaayon sa batas na ordinansa para sa kalusugan ng bawat Lucenahin. πŸ’™

🌧️ MAG-INGAT PO TAYO, MGA LUCENAHIN! ⚠️Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hinihikayat ko po ang lahat na ...
08/08/2026

🌧️ MAG-INGAT PO TAYO, MGA LUCENAHIN! ⚠️

Dahil sa patuloy na pag-ulan at masamang panahon, hinihikayat ko po ang lahat na manatiling alerto at handa, lalo na ang ating mga kababayan na nasa mabababang lugar at mga lugar na madaling bahain.

Iwasan po ang pagtawid sa baha, maging maingat sa pagbiyahe, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso tungkol sa lagay ng panahon.

Sa ganitong pagkakataon, unahin po natin ang ating kaligtasan at kalusugan. Ingatan natin ang ating sarili, pamilya, at kapwa Lucenahin. πŸ™πŸ’™

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas!

β€” Konsehal Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza
🩺❀️ Serbisyong may Puso para sa Lucenahin

08/08/2026

β€οΈβ€πŸ©Ή CPR-READY LUCENA: HANDA TUMULONG, HANDA MAGLIGTAS NG BUHAY!

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at handang Lucena City ang ating isinusulong na CPR-Ready Lucena Program.

Bilang isang doktor at inyong lingkod-bayan, naniniwala ako na ang kaalaman sa Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) ay hindi lamang kasanayanβ€”maaari itong maging susi upang mailigtas ang buhay ng isang tao sa oras ng emergency.

Layunin nating mas maraming Lucenahin ang magkaroon ng tamang kaalaman at kahandaan upang makaresponde kapag may nangangailangan. Dahil sa cardiac emergency, bawat segundo ay mahalaga.

Sama-sama nating itaguyod ang isang lungsod na handang rumesponde at handang magligtas ng buhay.

CPR-READY ANG LUCENA! ❀️

β€” Kons. Dr. Edwin β€œDok Love” Pureza
Chairperson, Committee on Health and Sanitation

πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, KAP. KENT RIGOR ADVERSARIO! πŸŽ‚πŸŽˆMaligayang kaarawan po, Kap. Kent Rigor Adversario!Nawa’y patuloy kayong...
08/08/2026

πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, KAP. KENT RIGOR ADVERSARIO! πŸŽ‚πŸŽˆ

Maligayang kaarawan po, Kap. Kent Rigor Adversario!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at marami pang biyaya upang patuloy na makapaglingkod nang buong puso sa ating mga kababayan.

Hangad ko ang inyong tagumpay, kaligayahan, at mas marami pang makabuluhang taon ng paglilingkod sa komunidad.

Happy Birthday, Kap! God bless you always! πŸŽŠπŸ™

β€” Kons. Dok Love Pureza
Konsehal, Lungsod ng Lucena

Nakababahala ang pagtaas ng mga kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) sa Metro Manila. Bilang isang doktor at lingkod-bay...
03/08/2026

Nakababahala ang pagtaas ng mga kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) sa Metro Manila. Bilang isang doktor at lingkod-bayan, naaalala ko na mahigit isang taon na ang nakalipas ay naisabatas natin ang isa sa aking mga pangunahing panukalang ordinansa na naglalayong magbigay ng libreng bakuna laban sa Influenza upang higit na maprotektahan ang kalusugan ng ating mga kababayan.

Ang ganitong mga sitwasyon ay nagpapatunay na mahalagang maging handa, maagap, at may sapat na proteksiyon ang ating lungsod laban sa mga nakahahawang sakit. Ang pagbabakuna, tamang kalinisan, at maagap na pagpapatingin sa doktor kapag may sintomas ay mahalagang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Patuloy nating isusulong ang mga programang pangkalusugan na nagbibigay ng tunay na proteksiyon sa bawat pamilyang Lucenahin. Mas mabuting umiwas kaysa magpagamot. Mag-ingat at manatiling malusog ang lahat. πŸ’™πŸ’‰

π‘·π’‚π’π’–π’Œπ’‚π’π’‚π’π’ˆ π‘Άπ’“π’…π’Šπ’π’‚π’π’”π’‚ 𝒔𝒂 π‘³π’Šπ’ƒπ’“π’†π’π’ˆ π‘©π’‚π’Œπ’–π’π’‚ 𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑰𝒏𝒇𝒍𝒖𝒆𝒏𝒛𝒂 𝒂𝒕 π‘·π’π’†π’–π’Žπ’π’π’Šπ’‚, 𝒅𝒂𝒅𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒔𝒂 π‘­π’Šπ’“π’”π’• π‘Ήπ’†π’‚π’…π’Šπ’π’ˆ π’π’ˆπ’‚π’šπ’π’π’ˆ π’π’Šπ’π’ˆπ’ˆπ’.

Matapos ihain, ang panukalang ordinansa na naglalayong magbigay ng libreng bakuna laban sa Influenza at Pneumonia para sa mga bata at senior citizens ay inaasahang daraan na sa First Reading ngayong linggo sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena City.

Ang panukala ay inihain ni Konsehal Dok Love Pureza bilang bahagi ng pagsusulong ng preventive healthcare at proteksyon sa kalusugan ng mga Lucenahin, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable sectors.

Address

17 Enriquez Street Brgy 2 Lucena City
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Edwin "Love" Pureza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dr. Edwin "Love" Pureza:

Shortcuts

Share