27/03/2026
EARTH HOUR | March 28, 2026 ๐๐ก
Ang Probinsya ng Quezon ay nakikiisa sa pandaigdigang kampanya ng Earth Hour bukas Marso 28, 2026 , mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM, bilang pagpapakita ng ating sama-samang paninindigan para sa pangangalaga ng kalikasan at laban sa epekto ng climate change.
Bukas, inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Quezon na makilahok sa simpleng hakbang na ito patayin ang mga ilaw at hindi kinakailangang kagamitang de-kuryente sa loob ng isang oras. Ang maliit na pagkilos na ito ay nagsisilbing paalala na sa sama-samang pagkilos ng bawat isa, makakagawa tayo ng malaking pagbabago para sa ating kapaligiran.
๐ฑ Sama-sama nating ipakita ang ating malasakit sa kalikasan at ang ating pangako para sa isang mas luntian at mas ligtas na kinabukasan.
๐ก Isang Oras para sa Mundo. Isang Hakbang para sa Kinabukasan.