LGU San Antonio, Quezon

LGU San Antonio, Quezon This is the Official page of the Municipality of San Antonio, Province of Quezon.

Isang karangalang ipinagmamalaki ng Bayan ng San Antonio ang tagumpay ni Matteo Alberto Vesliรฑo ng Barangay Poblacion bi...
30/05/2026

Isang karangalang ipinagmamalaki ng Bayan ng San Antonio ang tagumpay ni Matteo Alberto Vesliรฑo ng Barangay Poblacion bilang bahagi ng koponang nagkamit ng Silver Medal sa Volleyball Boys โ€“ Secondary sa Palarong Pambansa 2026. Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanyang dedikasyon, disiplina, at pagsisikap sa larangan ng palakasan.

Taos-pusong pagbati mula sa buong Bayan ng San Antonio sa pangunguna ni Mayor Erick M. Wagan, kasama si Vice Mayor Alvin C. Pillerba at ang Sangguniang Bayan. Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang iyong tagumpay sa mga kabataang San Antoniohin.

Mabuhay ka, Matteo! Ipinagmamalaki ka ng buong San Antonio!




๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Isinagawa ang apat na araw na ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ ๐๐‡๐– ๐‘๐ž๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐š๐ฅ ๐๐š๐ญ๐š๐œ๐ก ๐Ÿ’ na ...
30/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Isinagawa ang apat na araw na ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ ๐๐‡๐– ๐‘๐ž๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐š๐ฅ ๐๐š๐ญ๐š๐œ๐ก ๐Ÿ’ na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng ating mga BHWs sa ibaโ€™t ibang usaping pangkalusugan at serbisyong pangkomunidad. Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing kompetensya ng BHWs kabilang ang primary care services, wastong nutrisyon, maternal at child care, immunization, environmental sanitation, mental health, disease prevention, at community disaster preparedness.

Bahagi rin ng pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tulad ng monitoring ng kalusugan ng komunidad, profiling ng target clients, infection prevention and control, family planning, adolescent health, at return demonstration sa tamang pagkuha ng blood pressure, timbang, at temperatura. Layunin nitong higit pang mapalakas ang kakayahan ng ating mga Barangay Health Workers sa pagbibigay ng maayos, episyente, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayang San Antoniohin.

Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan, sa pamamagitan ng Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ni Dra. Wilma C. Laroza, katuwang ang buong suporta ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) at ang UNICEF.




29/05/2026
๐๐€๐’๐Š๐„๐“๐๐€๐‹๐‹ ๐Œ๐€๐“๐‚๐‡ ๐’๐‚๐‡๐„๐ƒ๐”๐‹๐„ 10th J. C Wagan Cup One San Antonio: Basketball and  Volleyball Cup 2026May 29 - June 6, 2026 ...
29/05/2026

๐๐€๐’๐Š๐„๐“๐๐€๐‹๐‹ ๐Œ๐€๐“๐‚๐‡ ๐’๐‚๐‡๐„๐ƒ๐”๐‹๐„
10th J. C Wagan Cup One San Antonio: Basketball and Volleyball Cup 2026
May 29 - June 6, 2026




๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Matagumpay at makulay na nasaksihan ang pagbubukas ng ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‰.๐‚. ๐–๐š๐ ๐š๐ง ๐‚๐ฎ๐ฉ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐Ž๐ง๐ž ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐š๐ง๐...
29/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Matagumpay at makulay na nasaksihan ang pagbubukas ng ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐‰.๐‚. ๐–๐š๐ ๐š๐ง ๐‚๐ฎ๐ฉ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐Ž๐ง๐ž ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐๐š๐ฌ๐ค๐ž๐ญ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐š๐ง๐ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐‚๐ฎ๐ฉ!

Nag-uumapaw ang sigla at suporta ng ating mga kapwa San Antoniohin habang buong husay, determinasyon, at sportsmanship na ipinamalas ng mga manlalaro mula sa ibaโ€™t ibang barangay sa larangan ng basketball at volleyball. Nakiisa rin ang ilang kandidata para sa Mutya ng San Antonio 2026 bilang mga muse ng kani-kanilang barangay, na lalong nagdagdag ng kulay at kasiglahan sa naturang programa.
Sa mensahe ni Mayor Erick M. Wagan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paglayo sa ipinagbabawal na gamot at anumang uri ng bisyo na maaaring makasira sa kinabukasan ng ating kabataan.
โ€œSa San Antonio, ayaw natin sa droga. Sana ang aking paninindigan ay maging paninindigan nating lahat,โ€ ani ng Punong Bayan.
Ayon pa sa kanya, malaking tulong ang mga gawaing pampalakasan upang mailayo ang kabataan sa masasamang bisyo at mahikayat silang maging aktibo, disiplinado, at responsable. Sa pamamagitan ng sports, higit na napapalakas ang pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at mabubuting pagpapahalaga na magsisilbing gabay ng kabataang San Antoniohin tungo sa mas maayos at makabuluhang kinabukasan.

Taos-puso rin ang pasasalamat kay kina Vice Mayor Alvin C. Pillerba, sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sa lahat ng nakiisa at naging katuwang sa matagumpay na pagbubukas ng program ang ito. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang mapatatag ang samahan, disiplina, at aktibong pakikilahok ng kabataang San Antoniohin sa larangan ng sports at iba pang makabuluhang gawain.




28/05/2026
Narito na ang pinakahihintay na โ€œ10th JC Wagan Cup 2026: One San Antonio Basketball and Volleyball Cupโ€ kung saan muling...
27/05/2026

Narito na ang pinakahihintay na โ€œ10th JC Wagan Cup 2026: One San Antonio Basketball and Volleyball Cupโ€ kung saan muling magsasama-sama ang husay, lakas, at pagkakaisa ng bawat kabataang manlalaro sa Bayan ng San Antonio. Tunghayan ang Opening Ceremony ngayong Mayo 28, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga sa San Antonio Cultural & Sports Center.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio,sa pamumuno ni Mayor Erick M. Wagan, Vice Mayor Alvin Pillerba, Sangguniang Bayan Members, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation sa pangunguna ni PPSK Kobe Bryant Lalusin, sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng palakasan, pagkakaibigan, at pagkakaisa tungo sa mas matatag na One San Antonio!





๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’, ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐†  ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž!Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Bayan ng San Antonio, Quezon sa pagkilal...
27/05/2026

๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’, ๐๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž!

Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Bayan ng San Antonio, Quezon sa pagkilala ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) bilang isa sa mga CALABARZON LGUs with IDEAL Functionality Rating para sa Year Under Review 2025.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap at dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan sa pangangalaga, pagtataguyod, at pagprotekta sa kapakanan ng bawat batang San Antoniohin.

Patuloy nating pagtibayin ang mga programang naglalayong magbigay ng ligtas, maayos, at mas mapag-arugang komunidad para sa ating mga bata.

Isang karangalang maipagmamalaki ng buong bayan ng San Antonio!



Pagbati ng maligayang kaarawan sa iyo, ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐“๐ซ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž๐ซ ๐†. ๐„๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐‘. ๐‹๐จ๐ฉ๐ž๐ณHangad namin ang inyong mabuting kalusugan, ...
27/05/2026

Pagbati ng maligayang kaarawan sa iyo, ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐“๐ซ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž๐ซ ๐†. ๐„๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐‘. ๐‹๐จ๐ฉ๐ž๐ณ

Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan, masayang buhay, at patuloy na biyaya para sa inyo at sa inyong pamilya. Nawaโ€™y bigyan pa kayo ng lakas, gabay, at tagumpay upang maipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa ating bayan.

Pagbati mula kay Mayor Erick Wagan at LGU Family.



Address

Lucena

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU San Antonio, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share