30/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Isinagawa ang apat na araw na ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐จ๐ซ๐ค๐๐ซ๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐ญ๐๐๐ก ๐ na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng ating mga BHWs sa ibaโt ibang usaping pangkalusugan at serbisyong pangkomunidad. Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing kompetensya ng BHWs kabilang ang primary care services, wastong nutrisyon, maternal at child care, immunization, environmental sanitation, mental health, disease prevention, at community disaster preparedness.
Bahagi rin ng pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tulad ng monitoring ng kalusugan ng komunidad, profiling ng target clients, infection prevention and control, family planning, adolescent health, at return demonstration sa tamang pagkuha ng blood pressure, timbang, at temperatura. Layunin nitong higit pang mapalakas ang kakayahan ng ating mga Barangay Health Workers sa pagbibigay ng maayos, episyente, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayang San Antoniohin.
Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Erick M. Wagan, sa pamamagitan ng Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna ni Dra. Wilma C. Laroza, katuwang ang buong suporta ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) at ang UNICEF.