Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem

Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem SERBISYUNG JERUSALEM
Sk. Chairperson 2018-2023
Brgy. Teresa 1st, Great Again

Kagawad 2023-2026
✔️SERBISYUNG ATIU KING PUSU
✔️SERBISYUNG PANTE-PANTE
✔️SERBISYUNG ATIN RESULTA
✔️SERBISYUNG ATIN MALASAKIT
🆘09815969060 Emergency Response
Let's Make Sta.

Mindanao needs our prayers. Maka-arap la pa reng tau king threats of aftershocks at tsunami.
08/06/2026

Mindanao needs our prayers. Maka-arap la pa reng tau king threats of aftershocks at tsunami.

📜 Opisyal na PahayagTungkol sa Kasunduan sa Isyu ng Basura sa mga Daluyan ng Patubig Natatambak Ang Basura Sa Barangay S...
07/06/2026

📜 Opisyal na Pahayag

Tungkol sa Kasunduan sa Isyu ng Basura sa mga Daluyan ng Patubig Natatambak Ang Basura Sa Barangay Santa Teresa 1st,

Nagpulong at nag-usap ang kinatawan ng Pamahalaang Barangay ng Santa Teresa 1st at Pamahalaang Barangay ng San Pablo 2nd upang talakayin ang matagal nang suliranin ng basura na naipon sa mga irigasyon at daluyan ng tubig. Ang usapang ito ay naging matagumpay at nagbunga ng isang pormal na kasunduan, sa pakikilahok at tulong ng Komite ng Agrikultura ng parehong barangay.

Bilang tugon sa hinaing at pangangailangan ng Barangay Santa Teresa 1st—kung saan ang basura sa irigasyon ay matagal nang nagdudulot ng problema—nagkasundo at tumugon ang Pamahalaang Barangay ng San Pablo 2nd na maglagay ng salaan ng basura sa mga daluyan upang mapigilan ang pagdaloy at pagtambak ng basura sa Barangay Santa Teresa 1st,.

Bukod dito, nakipag-ugnayan at nakipag-usap na rin kami sa pamunuan ng Barangay Santa Rita upang lubos na matugunan at maayos ang isyung ito, dahil ang kalinisan at maayos na daluyan ng tubig ay kapakanan ng lahat ng magkakaratig na komunidad.

Ang kasunduang ito ay patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga barangay para sa kalinisan, kalusugan, at maayos na agrikultura ng ating lugar.

07/06/2026
📜 PORMAL NA PAHAYAGTungkol sa pagnanakaw ng mga baterya sa mga Sasakyan na naka parada sa ating barangay Santa Teresa 1s...
07/06/2026

📜 PORMAL NA PAHAYAG

Tungkol sa pagnanakaw ng mga baterya sa mga Sasakyan na naka parada sa ating barangay Santa Teresa 1st, at sa lugar ng Barangay Remedios

Nais naming ipabatid sa lahat na pormal na naming isinampa ang kaukulang kaso laban sa mga salarin sa kinauukulang otoridad. Ang ganitong uri ng pagnanakaw ay hindi namin hahayaang makalusot at manatiling walang pananagutan.

Ang hakbang na ito ay ginawa namin upang bigyan ng hustisya ang mga naapektuhan, panagutin ang mga gumawa ng masama, at magsilbing malinaw na babala: na ang batas ay umiiral, at bawat krimen—maliit man o malaki—ay may katapat na parusa.

Naninindigan kami sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad. Hindi kami mag-aatubiling gumamit ng lahat ng legal na paraan upang protektahan ang ari-arian at kapakanan ng bawat mamamayan dito sa Santa Teresa 1st, at sa Remedios.

Hinihikayat namin ang lahat na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang gawain sa ating lugar.

🫡🫡Pagpupugay sa Yumaong Dating Bantay Bayan-Rolando Ignacio CunananMaraming salamat po sa tapat na paglilingkod at pagba...
07/06/2026

🫡🫡Pagpupugay sa Yumaong Dating Bantay Bayan-Rolando Ignacio Cunanan

Maraming salamat po sa tapat na paglilingkod at pagbabantay sa Barangay Santa Teresa 1st. Kayo ang naging sandigan ng ating kaligtasan at kapayapaan. Isang huling saludo sa inyong sakripisyo at kabayanihan. Hindi kayo malilimutan.
🫡🫡🫡

Sa Barangay Santa Cruz, hindi namin pinakikialaman ang Salahan ng Basura nila. Ang tanging ginagawa lang namin ay linisi...
06/06/2026

Sa Barangay Santa Cruz, hindi namin pinakikialaman ang Salahan ng Basura nila. Ang tanging ginagawa lang namin ay linisin ang mga nababara, dahil kung magpapabaya kami, kami rin ang maaapektuhan at babahain ang aming barangay.

Pero bakit naman ang aming Salahan ng Basura ng Barangay Santa Teresa 1st ay sinisira ninyo? Malaki ang halagang ginagastos ng Pamahalaang Barangay ng Santa Teresa 1st para sa mga ito, gayong ang mga basurang nahahakot dito ay hindi naman galing sa amin.

proteksyon lamang ito para sa aming mga kabarangay, lalo na laban sa basura at upang hindi lumubog o bahain ang kanilang mga tahanan. Kung magpapabaya kami, kami rin ang direktang maaapektuhan.

BABALA"Maglalagay ng CCTV ang Pamahalaang Pambarangay ng Santa Teresa 1st sa tabi ng Trash Tarp, upang makita kung sino ...
04/06/2026

BABALA

"Maglalagay ng CCTV ang Pamahalaang Pambarangay ng Santa Teresa 1st sa tabi ng Trash Tarp, upang makita kung sino ang nagtatangal at managot ang sinumang dapat managot."

Address

Lubao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ing Talasuyu Syal JearBon Banal Jerusalem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share