UP Action Los Baños

UP Action Los Baños Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UP Action Los Baños, Political organisation, Los Baños.

The UP Action Network – Los Baños is the broadest network of students, faculty, REPS, administrative staff, administrators, and nearby sectors and communities of the University of the Philippines Los Banos (UPLB).

𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡! 🌻𝘋𝘶𝘮𝘢𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘭𝘭...
01/07/2026

𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡! 🌻

𝘋𝘶𝘮𝘢𝘭𝘰 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘵𝘦𝘴𝘵𝘪𝘮𝘰𝘯𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘢𝘵 𝘶𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘤𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘦𝘹𝘦𝘳𝘤𝘪𝘴𝘦𝘴, 𝘢𝘵 𝘪𝘱𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺, 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘴𝘬𝘰𝘭𝘢𝘳 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯!

Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng mga nagsipagtapos, at patambulin ang mga kampanya ng sambayang Pilipino sa gitna ng lumalalang krisis panlipunan. Kagyat nating ipagpanawagan ang pagpapanagot sa korap, pahirap, at papet na administrasyong US-Marcos at Duterte at sa naging gampanin nito sa pagpapalala ng kahirapan at deteryorasyon ng karapatang pantao sa bansa.

𝙉𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙝𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙢𝙖𝙣, 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙬𝙖𝙜 𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙩𝙬𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙢𝙞𝙡𝙤𝙨 𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙗𝙖𝙣. 𝙈𝙜𝙖 𝙞𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙗𝙖𝙠𝙖 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮! 𝘿𝙪𝙢𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙙𝙖𝙡𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨!



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!DAY TWO NA! Kasalukuyang isinasagawa ng iba...
30/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!

DAY TWO NA! Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga konseho ng mga mag-aaral ng UPLB, kasama ang mga organisasyon sa ilalim ng kani-kanilang mga kolehiyo ngayong araw ang paghahanda sa nalalapit na mga iglap-protestang ikakasa sa mga isasagawang testimonial ng mga kolehiyo sa mga susunod na araw.

Sa mga nais lumahok sa prop workshops at sa mga pagkilos, mangyaring makipag-ugnayan sa UP Action Network Los Banos.



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga...
29/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐚𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬, 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚!

Kasalukuyang isinasagawa ng iba't ibang mga konseho ng mga mag-aaral ng UPLB, kasama ang mga organisasyon sa ilalim ng kani-kanilang mga kolehiyo ngayong araw ang paghahanda sa nalalapit na mga iglap-protestang ikakasa sa mga isasagawang testimonial ng mga kolehiyo sa mga susunod na araw.

Sa mga nais lumahok sa prop workshops at sa mga pagkilos, mangyaring makipag-ugnayan sa UP Action Network Los Banos.



18/03/2026

𝗪𝗘𝗟𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗜! 𝗦𝘂𝗺𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝘀𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻!

𝗦𝘂𝗺𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗮 𝘄𝗲𝗹𝗴𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀, 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝟳 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗿𝗮𝗯𝗮𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗸, 𝗨𝗣𝗟𝗕!

Kaisa ang UP ACTION Network Los Banos sa 𝗶𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗲𝗹𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗿𝗮𝘆𝗯𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝘁𝘀𝘂𝗽𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟭𝟵 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬 upang magprotesta kontra sa nakalululang pagtaas ng presyo ng krudo at langis na nagpapahirap sa buong bayan, at kundenahin ang nagaganap na giyerang agresyon ng US-Israel laban sa Iran.

Sa gitna ng kaliwa't kanang korapsyon sa bansa, ang umiigting na krisis sa kasalukuyan na nilalapatan ng mga inutil na solusyon ni Marcos Jr. ay dapat iwaksi ng sambayanang Pilipino. Tinatawagan natin ang lahat ng mga iskolar, mga g**o at kawani, at mamamayan ng Los Banos na makiisa sa ating welga!


𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 - 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗡𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢...
05/02/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 - 𝗟𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗡𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗢𝗡 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗔𝗜𝗡𝗧 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗝𝗥.

𝙈𝘼𝙍𝙄𝙄𝙉𝙂 𝙆𝙄𝙉𝙊𝙆𝙊𝙉𝘿𝙀𝙉𝘼 ng UP ACTION Network Los Baños ang pagbabasura ng House Committee on Justice sa inihain na impeachment complaint ng Koalisyong Makabayan laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ay garapal na pagsasawalambahala at harapang pagtataksil sa taumbayan na ninanakawan ng karapatang mamuhay nang may dignidad. Malinaw na ang pagdedeklara sa impeachment complaint laban kay Marcos Jr. bilang “insufficient in substance” ay pagbabasura sa kolektibong pag-aasam ng sambayanan na makalaya mula sa tanikala ng korapsyon, pagsasamantala at deka-dekadang kahirapan.

Naninindigan ang UP ACTION Network Los Baños na higit-kailanman, ang pagputol sa siklo ng sistematikong pandarambong sa kaban ng Bayan ay maisasakatuparan kung mapatatalsik at mapananagot ang mga salarin sa malawakang krisis panlipunan na nagpapahirap sa mamamayan! Hindi rito natatapos ang laban, kaisa ang UPAC ng malawak na hanay ng multisektoral na masa sa paggigiit ng katarungang panlipunan at pananagutan sa pabayang Estado na pinamumunuan ng Marcos, Jr. at Duterte na Hari at Reyna ng Katiwalian.

Kaya ang sigaw ng taumbayan:
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟𝗜𝗡, 𝗗𝗨𝗧𝗘𝗥𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗚𝗨𝗧𝗜𝗡!
𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧, 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗢𝗧!

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙬𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙄𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖𝙣𝙤𝙨: 𝙄𝙈𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝙅𝙍. 𝙉𝙊𝙒! Kaisa ang UP Action Network - Los Baños, kas...
23/01/2026

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙬𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙄𝙨𝙠𝙤𝙡𝙖𝙧 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙨 𝘽𝙖𝙣𝙤𝙨: 𝙄𝙈𝙋𝙀𝘼𝘾𝙃 𝙈𝘼𝙍𝘾𝙊𝙎 𝙅𝙍. 𝙉𝙊𝙒!

Kaisa ang UP Action Network - Los Baños, kasama ang hanay ng mga progresibong organisasyon at sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), sa pormal na paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa House of Representatives ngayong araw.

Ang reklamong inihain ay nakabatay sa paratang na Betrayal of Public Trust, kung saan nilatag ang sistematikong pakana ng korapsyon at pinangalanang Flood Control Projects Corruption Scandal of 2022-2025. Isiniwalat sa reklamo ang gampanin ni Marcos Jr. bilang puno’t dulo ng korapsyon at kung paano isinagawa ang malawakang pandarambong sa pamamagitan ng pondong inilaan para sa mga flood control projects.

Ipinakikita ng rekord ang mapagpasyang papel ni Marcos Jr. sa manipulasyon ng pambansang badyet na naglihis ng mahigit ₱545.6 bilyon, patungo sa bulsa ng mga paboritong kontratista at kaalyadong pulitikal, upang magsilbing sandatang pampulitika sa halalan ng 2025.

Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pagpapalaki at pag-weaponize ng Unprogrammed Appropriations, nilusaw ng administrasyon ang konstitusyonal na kapangyarihan ng Kongreso sa badyet, pinahina ang checks and balances, at isinentro ang kontrol sa pananalapi sa ehekutibo - na lalong nagpalaganap ng impunidad at sistemikong katiwalian.

Lahat ng ito ay nangyari habang patuloy na sumisirit ang krisis sa ekonomiya ng bansa - mababang pasahod at kawalan ng trabaho, paglugmok sa kahirapan, pagtaas ng mga bilihin, at kawalang-katiyakan sa mga batayang serbisyong panlipunan. Sa UPLB, lumitaw din ang samu’t saring suliranin kabilang dito ang patuloy na kakulangan sa pondo para sa Student Learning Assistance System (SLAS), na nagresulta sa hindi sapat o kawalan ng stipend para sa maraming iskolar na may pangangailangang pinansyal. Kasabay nito, nakaranas ang mga kontraktwal na g**o at kawani ng delays sa sahod.

Nagdulot din ng matinding hamon ang sunod-sunod na bagyo at sakuna, kaya’t maraming estudyante at kaguruan ang nahirapang mag-adjust sa akademikong gawain at pasan pasan ang bigat ng gawain para habulin ang pagtapos ng semestre. Danas din ng mga kalapit na komunidad ang matinding pagbaha sa Bay, walang katiyakin sa kabuhayan at tirahan dahil sa anti-mamamayang road widening projects sa Lopez avenue, at iba’t iba pang krisis na mas lalong naglulugmok sa mga mamamayan sa gutom.

Habang pahirap nang pahirap ang buhay ng mamamayang Pilipino, nananatiling makupad at mas lalo lamang kinukunsinti at pinapalaganap ni Marcos Jr. ang kaliwa’t kanang katiwalian sa bansa, nararapat lamang na na i-impeach na ito sa kanyang pwesto. Gayundin, naniniwala ang UP ACTION Los Baños na hindi lang dapat kay Marcos Jr. tumigil ang mga hakbang tungo sa pananagutan. Dapat ding sumailalim sa kaparehong paglilitis si Sara Duerte bilang kapares sa pandarambong ni Marcos Jr. Nararapat lamang na sila ay parehong panagutin sa kanilang pagnanakaw sa sambayanan.

Ang Convenor ng UP ACTION Los Baños na si John Andre Alcala ang naging kinatawan ng network sa paghahain ng impeachment complaint.

Nanawagan ang UP ACTION Los Baños ng agarang, walang kinikilingan, at makatarungang pag-aksyon sa reklamong ito, at hinihikayat ang lahat ng mamamayan na magbantay, mag-organisa, at kolektibong kumilos sa patuloy na laban kontra katiwalian at abuso sa kapangyarihan.



23/01/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗨𝗣 𝗔𝗰𝘁 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗿𝗿𝘂𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡) 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸-𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗼𝘀, 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗢𝗦 𝗝𝗥. 𝗡𝗢𝗪!

Nakiisa ang UP ACTION Network Los Baños sa paghahain ng kasong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa House of Representatives, Enero 22, 2025.

Tumayong isa sa mga complainant ang Convenor ng UP ACTION Network Los Baños na si John Andre Alcala sa inihaing impeachment case. Ang kasong ito ay sa grounds ng Betrayal of Public Trust dahil sa maanomalyang mga flood control projects ni Marcos Jr. mula 2022-2025, kung saan natuklasan ang kaniyang sistematikong pakikilahok at paglikha ng sistemang nagbigay daan sa pagkamal niya ng higit ₱545.6 bilyong piso sa kaban ng bayan.

Malinaw ang mga batayan sa kung bakit dapat nang alisin si Marcos Jr. sa kaniyang puwesto. Sa kabila nito, hindi natin dapat limutin ang kapantay na panawagang alisin din si Vice President Sara Duterte sa kaniyang puwesto, dahil sila ay parehong kumukumpas sa pamamagitan ng kanilang mga galamay sa kongreso upang kumurakot ng bilyon-bilyong piso mula sa atin.

Ating natitiyak: si Marcos Jr. at Duterte ang Hari at Reyna ng korapsyon, at dapat lamang nating palakasin ang ating kampanya sa tuluyang pagpapanagot sa kanila.


𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗗𝗔𝗬 𝗥𝗔𝗚𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲ENERO 19, 2025 | 2:00 PMHUMANITIES STEPS...
17/01/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗨𝗣 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗧𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗗𝗔𝗬 𝗥𝗔𝗚𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲

ENERO 19, 2025 | 2:00 PM
HUMANITIES STEPS | WEAR RED!

Sa pagsisimula ng ikalawang semestre, tumatambad at sinasalubong na naman tayo ng samo’t saring problema’t krisis sa Sektor ng Edukasyon! Nakalinya na naman ang kakulangan sa sabsidyo sa mga mag-aaral, kakapusan sa pasilidad, nakabinbin na mga pagawain sa loob ng Unibersidad, kakulangan sa mga g**o, kontraktwalisasyon, komersyalisadong mga serbisyo, banta ng redtagging, palpak na modernisasyon ng mga mekanismo, at mga neoliberal na polisiyang nagpapalugmok sa hanay ng sangkaestudyantehan, kaguruan at mga kawani habang naglilingkod sa mga naghaharing-uri, kapitalista at dayuhang impresa sa tulak ng pagkahumaling sa world rankings at globalisasyon.

Pagod na pagod, sawang-sawa at lubog na lubog na ang multisektoral na hanay ng sektor sa tila walang katapusang siklo, paulit-ulit na paghihirap, pagtitiis at pagpasan sa pananagutan na inabandona ng Estado sa usapin ng edukasyon at serbisyong panlipunan.

Ang komunidad ng UPLB ay hindi hiwalay sa kolektibong danas ng sambayanan. Damang-dama ang kakapusan sa pondo at alokasyon sa nilagdaan ni Marcos, Jr. na General Appropriations Act. Ipinagmamalaki ang mahigit na 29 Bilyong piso na inilaan sa UP System ang pinakamalaking budget sa nakalipas na mga taon ngunit matatandaan na malayo pa ito sa mungkahi na mahigit 49 Bilyong piso upang tunay na matugunan ang pangangailangan, maipagkaloob ang pagkakataong makapag-aral nang may dignidad ang mga Iskolar ng Bayan, tunay na masuportahan ang holistikong kapakanan ng mga manggagawa at makapagbukas pa ng oportunidad sa mas marami pang kabataan na makapaglingkod sa Bayan.

Kaya, makatao at makatarungan na maghimagsik, magalit at magpanagot sa Estado na pinamumunuan ng Hari at Reyna ng Korapsyon na sina Marcos, Jr. at Sara Duterte na mga tagapamandila ng katiwalian, malawakang pandarambong sa kaban ng Bayan at pandarahas para sa pagsusulong ng makasariling mga interes!

Panagutin at singilin ang mga kasabwat na politiko na matagumpay na nakapagpasok pa rin ng bilyong-bilyong pork barrel na insulto, pambubusabos at pagyurak sa mga batayang karapatan ng mamamayan na makaakses sa de-kalidad ng edukasyon at serbisyong panlipunan.

Sa ganitong kalunos-lunos na kalagayan, pangangailangan na sumama at makiisa sa magaganap na First Day Rage sa Lunes, Enero 19, 2026! Ipakita ang nagkakaisa at nag-aalimpuyong galit ng sangkaestudyantehan, kaguruan at kawani ng UPLB! Magkita-kita tayo sa Hum Steps sa ganap na 2:00 ng hapon at doon natin patambulin ang ating mga panawagan na:

𝙎𝙚𝙧𝙗𝙞𝙨𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙏𝙖𝙤, 𝙒𝙖𝙜 𝙂𝙖𝙬𝙞𝙣𝙜 𝙉𝙚𝙜𝙤𝙨𝙮𝙤!
𝙎𝙖𝙝𝙤𝙙 𝙄𝙩𝙖𝙖𝙨! 𝙋𝙧𝙚𝙨𝙮𝙤 𝙄𝙗𝙖𝙗𝙖!
𝙈𝙖𝙧𝙘𝙤𝙨, 𝙎𝙞𝙣𝙜𝙞𝙡𝙞𝙣! 𝘿𝙪𝙩𝙚𝙧𝙩𝙚, 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙪𝙩𝙞𝙣!
𝙋𝙤𝙣𝙙𝙤 𝙨𝙖 𝙀𝙙𝙪𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙆𝙤𝙧𝙖𝙥𝙨𝙮𝙤𝙣!
𝘼𝙣𝙜 𝙋𝙤𝙣𝙙𝙤 𝙨𝙖 𝙏𝙖𝙤, 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙩𝙞𝙠𝙤!


Address

Los Baños

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Action Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share