13/09/2026
𝐈𝐧𝐢𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐯𝐞𝐧𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐊 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐢𝐞𝐬, 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐫𝐝𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬
Bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng ating mga tala at dokumento, isinagawa sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Maahas ang Initial Inventory ng mga kagamitan, financial records, at mahahalagang dokumento ng SK noong Setyembre 8, 2026 sa Barangay Hall ng Barangay Maahas.
Sa pamamagitan nito, siniguro nating maayos na natutukoy, naitatala, at napangangalagaan ang mga ari-arian at dokumentong ipinagkatiwala sa Sangguniang Kabataan.
Para sa amin, ang maayos na pamamahala ay nagsisimula sa malinaw na mga tala, tamang dokumentasyon, at pananagutan sa bawat ipinagkatiwala sa amin.
Tala na maayos. Pamamahalang malinaw. Serbisyong tapat.