31/05/2026
Para sa bata, para sa bayan! 🎒🧹✨
Mga ka-Paciano! Oras na naman para sa ating pagkakaisa at bayanihan. Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa mas ligtas, malinis, at masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral!
🗓 Kailan: June 1-5, 2026
📍 Saan: Paciano Rizal Elementary School
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, mga opisyal ng barangay, at mga volunteers na makiisa sa ating Brigada Eskwela 2026. Magdala lamang po ng inyong mga kagamitan sa paglilinis, pagpipinta, o pagkukumpuni. 🪣🧽🎨
Maliit man o malaking tulong, basta’t galing sa puso, malayo ang mararating para sa kinabukasan ng ating mga pag-asa ng bayan. Kita-kits po tayo!