03/09/2026
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA DASAL!
Sa lahat ng nagdasal, nag-message, tumawag, at nag-alala para sa inyong lingkod, maraming, maraming salamat po. Maayos na po ang aking kalagayan at unti-unti na po tayong nagpapagaling.
Noong nakaraang Martes, sa hindi inaasahang pagkakataon, ako po ay nadulas at na-injury habang nagwa-warm up bago makapaglaro ng basketball sa ginanap na Philippine Councilors League (PCL) Laguna Week Celebration 2026. Nagkaroon po tayo ng injury sa kaliwang tuhod at kaliwang balikat, kaya agad tayong isinugod sa ospital upang mabigyan ng agarang lunas.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa mga kapwa ko konsehal sa Laguna na agad tumulong at nag-asikaso sa akin, sa pangunguna ng ating PCL Laguna Chapter President, Hon. Arvin Laude Manguiat.
Lalong-lalo na kina Konsehal Aldous Perez at Konsehal Benny Alborida na hindi ako iniwan at siniguradong makarating ako agad sa ospital. Maraming salamat din sa buong Municipality of Los Baños sa mabilis na pag-aksyon, kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, at sa aking mga staff.
Maraming salamat din sa mga karatig-bayan na agad nagpadala ng ambulansya upang matiyak ang agarang pagresponde at pagdadala sa akin sa ospital. Konsi Ambiel, Vijay, Hanz, Jack, Nat, Mayor Jan at mga teammates ko po sa black team. Malaking bagay po ang inyong mabilis na pagtugon at malasakit.
At higit sa lahat, maraming salamat sa aking maybahay, na walang sawang pag-aalaga at pag-aasikaso sa akin.
Sa lahat, huwag po kayong mag-alala. Malayo po ito sa bituka. 😅 Bukas na bukas pa rin po ang ating opisina at patuloy tayong maglilingkod sa ating mga kababayan.
Tuloy-tuloy ang para sa Bayan ng Los Baños.