25/05/2026
Brigada Eskwela 2026
Galila! Man- Brigada Tila!
Mga minamahal na magulang, mag-aaral, stakeholders, at mga katuwang at kabalikat ng paaralan,
Muli po naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Lasip Elementary School.Simula Hunyo 1-5, 2026. Ito ay isang sama-samang pagkilos at bayanihan para sa mas malinis, mas maayos, at mas matatag na paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng inyong suporta, pagtutulungan, at malasakit, masisiguro nating magiging handa at ligtas ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.
Bawat ambag ay mahalaga, at bawat tulong ay may malaking epekto sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Galila, mga Ka-Brigada! Ipakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan at pagkakaisa para sa edukasyon. Magsama-sama tayo para sa mas maayos, mas malinis, at mas matatag na paaralan!
Brigada Eskwela 2026: Bayanihan para sa Paaralan, Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.