PNP Liliw Municipal Police Station

PNP Liliw Municipal Police Station LILIW MUNICIPAL POLICE STATION "TO SERVE AND PROTECT"
(1)

03/06/2026
03/06/2026

PNP ISKOLAR, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA DARAGA, ALBAY

Naghatid ng inspirasyon ang programang Project F.I.V.E. (Fight Insurgency Via Education) ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5) matapos opisyal na makapagtapos sa kolehiyo ang isa nitong iskolar noong Mayo 29, 2026 sa Daraga Community College.

Ang naturang iskolar ay nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd), sa kabila ng mga hamon sa buhay at pinansyal na dinanas habang nag-aaral. Sa pamamagitan ng tiyaga, disiplina, at determinasyon, nakamit niya ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Ayon sa RMFB 5, ang tagumpay ng iskolar ay malinaw na patunay na ang edukasyon ay epektibong sandata laban sa kahirapan at iba’t ibang banta sa kapayapaan, kabilang ang insurhensiya. Layunin ng Project F.I.V.E. na bigyan ng libreng edukasyon at suporta ang mga kabataan mula sa mga komunidad na nangangailangan upang sila ay mahubog bilang produktibong mamamayan.

Pahayag ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Ang bawat batang natutulungan nating makapagtapos ay isang hakbang palayo sa karahasan at isang hakbang patungo sa mas maayos na kinabukasan. Ito ang tunay na diwa ng serbisyo ng PNP—ang magbigay ng pag-asa.”

Dagdag pa niya, “Hindi lamang ito simpleng programa; ito ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bayan. Sa bawat iskolar na nagtatagumpay, mas pinatitibay natin ang kapayapaan sa komunidad.”

Ang RMFB 5 ay patuloy na isinusulong ang Project F.I.V.E. bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa kapayapaan at kaunlaran, na nagbibigay ng alternatibong landas sa kabataan tungo sa edukasyon at mas produktibong buhay.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na malasakit at serbisyo ng kapulisan sa komunidad sa ilalim ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

03/06/2026
03/06/2026

𝐖𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐨𝐮𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐚𝐦𝐬!⁣
(𝐆𝐚𝐝𝐠𝐞𝐭𝐬 & 𝐀𝐩𝐩𝐥𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞𝐬)

Beware of Fake Deals & Fraudulent Seller

Laging Tandaan, Maging Mapanuri,
Huwag Magpaloko!

PMGEN WILSON C ASUETA
Director, PNP Anti-Cybercrime Group




03/06/2026
03/06/2026


ONGOING PNP MANHUNT OPERATION
03/06/2026

ONGOING PNP MANHUNT OPERATION


On June 2, 2026 at about 1:35 PM onwards PEMS Antonio R Sarcia Jr., MESPO attended Radio guesting at DZJV 1458 via zoom ...
02/06/2026

On June 2, 2026 at about 1:35 PM onwards PEMS Antonio R Sarcia Jr., MESPO attended Radio guesting at DZJV 1458 via zoom platform hosted by Ms. Maricon Rodriguez. Topics discussed about Operational Accomplishments on Anti-illegal Drugs Operations and Illegal Gambling Operations, Public safety and crime preventive measures, 8 focus crimes, updates on the PNP Projects and Programs, PCR Accomplishment and Administrative Accomplishment. Activity ended of same date with fruitful result.


Address

Ilayang Palina
Liliw
4004

Telephone

+639985985647

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Liliw Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Liliw Municipal Police Station:

Share

Category