DepEd Tayo 111842 Francia Elementary School

DepEd Tayo 111842 Francia Elementary School ATTENTION: This is the new FB page of Francia ES Ligao City. Like and follow us! New updates, soon!

Ka-DepEd, magsisimula na sa Enero 31 ang early registration para sa mag-aaral ng pampublikong paaralan sa buong bansa.Pa...
29/01/2026

Ka-DepEd, magsisimula na sa Enero 31 ang early registration para sa mag-aaral ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Para sa kaalaman at bilang gabay sa mga magulang, guardian at mag-aaral, hinihikayat natin na basahin sa ibaba ang mga mahahalagang impormasyon na dapat malaman para sa Early Registration para sa SY 2026-2027.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DepEd Order No. 17, s. 2025,:https://www.deped.gov.ph/wp.../uploads/DO_s2025_017r.pdf



Kristal Tunay Rodolfo Rigay Bonafus

25/10/2025

TRIBO SINAG TALA, NAGPASIKLAB!

Ipinakita ng mga miyembro ng Tribo Sinag Tala (Francia ES Baton and DLC) ang kanilang galing sa naganap na Drum & Lyre Corps Parade and Exhibition noong 24 Oktubre 2025 para sa pagdiriwang ng pista ng Barangay Paulba, Lungsod Ligao.

Ito ang unang partisipasyon nila sa labas ng kanilang "comfort zone". Mga ngiting di mapawi, mga katawang di makaramdam ng pagod, mga pusong nagsusumiklab - yan ang bitbit nilang sangkap na nagpaganda sa kanilang presentasyon.

Ang pamunuan at kaguruan ng Mababang Paaralan ng Francia ay lubos na nagpapasalamat sa Barangay Paulba sa imbitasyong ito. Higit na pasasalamat din ang nais ipatid sa mga opisyales ng Barangay Francia, sa patuloy na suporta sa mga mag-aaral. Espesyal na pasasalamat din sa mga magulang at Trainers ng mga batang hindi rin napagod, sa halip ay naging parte ng pagkabuo ng tribong ito. At higit sa lahat, ang pagpupuring ito ay iniaalay namin sa ating Panginoong Siyang nagbigay ng kalakasan at kagalingan sa bawat isa.

Walang pagod, walang tapon, walang sayang! Maraming salamat po!



Koordineytor ng Tribo Sinag Tala (Francia ES Baton & DLC)
G. Handy A. Bongao (DLC)
Bb. Mercideth P. Ogayon (Baton)
Bb. Anna Lisa P. Alaba (Punungg**o)

Paalala: Ang pagpost ng bidyung ito ay may kaukulang pahintulot sa mga magulang ng mga bata. Ito ay orihinal at hindi maaaring gamiting kasangkapan ng pambubully o iba pang komentong hindi kaaya-aya. I-respeto po natin ang bawat presentasyon at bawat batang kasali.

ORIHINAL NA KUHA ni: Bb. Jovy SP

π—”π—Ÿπ—”π—•π—”, 𝗑𝗔𝗦𝗛 π—£π—”π—¦π—¦π—˜π—₯ 2025!Out of the 11,308 who completed the FY 2025 Batch 1 NASH last September 14, only 2,899 takers me...
21/10/2025

π—”π—Ÿπ—”π—•π—”, 𝗑𝗔𝗦𝗛 π—£π—”π—¦π—¦π—˜π—₯ 2025!

Out of the 11,308 who completed the FY 2025 Batch 1 NASH last September 14, only 2,899 takers met the PPSSH standards in 4 DOMAINS. And that good news includes her ⬇️⬇️⬇️.

CONGRATULATIONS to our school head, Ma'am Anna Lisa P. Alaba! πŸ‘πŸ’—πŸŽ‰πŸŽŠ Your Francia ES Fam is so proud of you!


Kainang Pamilya Mahalaga Day23 Setyembre 2024 ____________________________________________________________Lahat tayo ay ...
23/09/2024

Kainang Pamilya Mahalaga Day
23 Setyembre 2024

____________________________________________________________
Lahat tayo ay may paboritong putahe. Tuwing tag-ulan paborito natin ang sopas at lugaw dahil ito ay comforting at mainit pero bakit nga ba? Ano ang kanilang mga katangian na ating gusto?
Sama-sama tayong umupo sa hapag kainan kasama ang ating pamilya ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day upang magsalu-salo at makipagkwentuhan sa ating pamilya.
Kaugnay ng selebrasyon, sinususpinde ang trabaho sa mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno ngayong araw, Setyembre 23, simula ika-3 ng hapon, alinsunod sa Memorandum Circular No. 64 s. 2024: https://www.officialgazette.gov.ph/.../memorandum.../

Lahat tayo ay may paboritong putahe. Tuwing tag-ulan paborito natin ang sopas at lugaw dahil ito ay comforting at mainit pero bakit nga ba? Ano ang kanilang mga katangian na ating gusto?

Sama-sama tayong umupo sa hapag kainan kasama ang ating pamilya ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day upang magsalu-salo at makipagkwentuhan sa ating pamilya.

Kaugnay ng selebrasyon, sinususpinde ang trabaho sa mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno ngayong araw, Setyembre 23, simula ika-3 ng hapon, alinsunod sa Memorandum Circular No. 64 s. 2024: https://www.officialgazette.gov.ph/2024/09/12/memorandum-circular-no-4-s-2024/

Ang aming malugod na pagbati sa iyong kaarawan, Kgg. Fernando Vallejo Gonzalez, Alkalde/Mayor ng Lungsod Ligao. πŸŽ‚πŸŽˆπŸ₯³
11/09/2024

Ang aming malugod na pagbati sa iyong kaarawan, Kgg. Fernando Vallejo Gonzalez, Alkalde/Mayor ng Lungsod Ligao. πŸŽ‚πŸŽˆπŸ₯³

Ang Mababang Paaralan ng Francia ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga G**o, bilang tugon sa Presidenti...
09/09/2024

Ang Mababang Paaralan ng Francia ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga G**o, bilang tugon sa Presidential Proclamation Blg. 242, s. 2011.

Mula sa aming tahanan - Mababang Paaralan ng Francia - ang lahat ng kaguruan (mula sa pampubliko at pribadong paaralan) ay malugod naming binabati ng "Happy Teachers' Month". Mabuhay tayong lahat! :-)

06/09/2024

π—”π—‘π—‘π—’π—¨π—‘π—–π—˜π— π—˜π—‘π—§
from the Office of the Schools Division Superintendent
September 6, 2024

Good am everyone.

This Office received an information that a certain Dick Santos is using my name asking a certain amount for deposit to the account of Anna Marie B. Albay

Should you encounter the same, kindly ignore. Never that I asked and will never ask to anybody for any personal concern.

I don't know these persons ,their names are unfamiliar to me. They may use other names or different names for the same purpose just to fool people/ individual and get money.

I am sharing this info to prompt everyone. This is a modus operandi.

Thank you.
SDS Nympha

Please help us disseminate.

Unang pagtitipon sa TP 2024-2025(SPTA Assembly)2 Agosto 2024Humigit-kumulang 90 bahagdan ang dumalo sa unang pagtitipon ...
12/08/2024

Unang pagtitipon sa TP 2024-2025
(SPTA Assembly)

2 Agosto 2024

Humigit-kumulang 90 bahagdan ang dumalo sa unang pagtitipon ng mga magulang at mga g**o. Ito ay dinaluhan ng mga magulang mula Kindergarten hanggang Baitang 6, at ng buong pamunuan at kaguruan ng Mababang Paaralan ng Francia.

Ilan sa mga napag-usapan ay ang: (1) mga programa, proyekto, at mga gawaing isasagawa sa paaralan; (2) mga programa, proyekto, at mga gawaing naisagawa na; (3) datos sa pagpapatala; (4) Brigada Eskwela; (5) Convoy of Hope Feeding Program; at (6) MaTaTaG Curriculum.

Ibinahagi rin ang mga donasyong natanggap mula sa mga institusyon at mga pribadong indibidwal.

Larawang-Kuha ni: Bb. JSP

Sorpresa sa Unang Araw ng Pasukan! ❀️Nakatanggap ng bagong bag at tsinelas ang mga pinakaunang mag-aaral na pumasok sa M...
12/08/2024

Sorpresa sa Unang Araw ng Pasukan! ❀️

Nakatanggap ng bagong bag at tsinelas ang mga pinakaunang mag-aaral na pumasok sa Mababang Paaralan ng Francia. Ito ay iginawad ni Ma'am Anna Lisa P. Alaba, G**ong Nangangasiwa, kila John Roel Pesino (Baitang 4), Jelaiza Mae Quides (Baitang 5), at Owen Kim Quides (Baitang 6).

Isponsor ng Bag at Tsinelas: Ma'am Anna Lisa P. Alaba
Larawang-Kuha ni: Bb. Mary Joy P. Remolar

Address

Brgy. Francia
Ligao
4504

Opening Hours

Monday 7:15am - 5pm
Tuesday 7:15am - 5pm
Wednesday 7:15am - 5pm
Thursday 7:15am - 5pm
Friday 7:15am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo 111842 Francia Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category