01/06/2026
πππππ ππππππππππ πππ
132nd Founding Anniversary
Isang makulay na pagdiriwang ng kultura, kasaysayan, at kabataan!
Noong Marso 27, 2026, nakilahok ang mga mag-aaral mula sa mga paaralang elementarya ng Licab sa DepEd Playground Day, habang ipinamalas naman ng mga mag-aaral mula sa Exequiel R. Lina High School, Sta. Maria National High School, at Saint Christopher Academy ang kanilang talento at sigla sa Street Dancing Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-132 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Licab.
Sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal at masisiglang sayaw, ipinakita ng mga kabataan ang kanilang talento, pagkamalikhain, at pagmamalaki sa mayamang kultura at pamana ng Licab.
Mula pa noong 1947, nang magkaroon ng playground ang Licab Central School, hanggang sa makukulay na pagdiriwang ng kasalukuyan, patuloy na isinasabuhay ng kabataang LicabeΓ±o ang diwa ng pagkakaisa, pagmamalaki, at pagmamahal sa ating bayan.