03/06/2026
๐ข PANAWAGAN SA ATING MGA MAGULANG, ALUMNI, AT MGA KASAPI NG KOMUNIDAD ๐ข
Patuloy po kaming nananawagan ng mga boluntaryong handang makiisa sa Brigada Eskwela. Napansin po namin na kakaunti pa lamang ang mga magulang at miyembro ng komunidad na nakikilahok sa paglilinis at paghahanda ng ating paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang para sa mga g**o at kawani ng paaralan. Ito ay isang sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Ang bawat oras, pawis, at tulong na inyong maibibigay ay malaking ambag upang masig**o ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa kanilang pagkatuto.
Inaanyayahan namin ang bawat isa na maging bahagi ng bayanihan. Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa ating mga batang mag-aaral.
๐ Ang munting tulong ay may malaking epekto.
๐ Ang bayanihan ay susi sa mas magandang kinabukasan ng ating mga anak.
Maraming salamat po at umaasa kami sa inyong pakikiisa!