03/03/2026
Barangay Assembly Day – First Semester C.Y. 2026
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan, BUSAKEÑOS, CSO, NGO, ng Barangay Busak na makiisa at makilahok sa ating Barangay Assembly Day ngayong Marso 28, 2026, Sabado sa ganap na ika- 1:00PM I Sitio Manggawa Covered Court, Zone 6, Busak, Libmanan, Camarines Sur
THEME,
“Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Dito po natin maririnig ang mga paksang may kinalaman sa pagpapatakbo ng Barangay, pondo, proyektong pang kalinisan at pangkaunlaran, pang edukasyon, kapayapaan, kalusugan, kaayusan at kaligtasan, programa para sa mga Seniors, Pwd, LGBTQIA, at higit sa lahat, pagkaka-isa tungo sa pag-unlad ng ating Barangay.
Ang inyong pagdalo ay mahalaga. Sama-sama tayong makibahagi, makialam, at makiisa para sa kinabukasan ng ating barangay!
Ito na po ang pagkakataong marinig ninyo, saan natin dadalhin ang pag gogobyerno sa ating Barangay? Saan tayo pupunta, paano at kailan ito mangyayari. Kailangan po natin ng aktibong partisipasyon ng bawat isa, marinig namin kayo at marinig ninyo kami, upang ma- address natin ang mga concerns.
Inaasahan po namin ang inyong pagdalo, maraming salamat po!
GOD BLESS EVERYONE