06/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐ฆ๐ฎ๐น๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ ๐ช ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐ฉ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น๐น๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ข๐๐ช ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐ด
BIA, Daraga, Albay โ Nagpaabot ng agarang airport assistance ang Department of Migrant Workers - Regional Office V, katuwang ang OWWA Bicol, sa isang medically repatriated Overseas Filipino Worker (OFW) na dumating mula Hong Kong ngayong araw.
Maingat na inalalayan ng DMW Region V at OWWA Bicol ang OFW sa kanyang pagdating at pag-uwi patungo sa Naga City, Camarines Sur, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng suporta at serbisyo sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong sa kanilang pagbabalik sa bansa.
Tiniyak ng mga ahensya na maayos at ligtas ang kanyang pag-uwi mula sa paliparan patungo sa kanyang destinasyon, habang isinasaalang-alang ang kanyang kalagayang medikal at pangangailangan.
Sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok, naging makabuluhan para sa mga welfare officers ang masaksihang nakangiti ang OFW habang kasama ang kanyang kaanak na sumalubong sa kanya sa paliparan. Ang simpleng tagpong ito ay nagsilbing paalala na sa bawat ligtas na pagbabalik, may pamilyang naghihintay at mga taong handang umalalay.
Patuloy ang DMW Region V at OWWA Bicol sa paghahatid ng kalinga, malasakit, at serbisyo sa mga OFW at kanilang pamilya, mula sa kanilang pagdating hanggang sa kanilang ligtas na pag-uwi sa kani-kanilang komunidad.
Magpalakas at magpagaling po kayo, Kabayan!