Councilor Iris Joyce Agojo

Councilor Iris Joyce Agojo Kayo po ang aking #1 na Inspirasyon,
Kaya’t patuloy akong Aaksyon! Para sa Kabataan, Mamamayan at Bayan 💜🤙🏻
(1)

12/06/2026
Mahal natin ang Pilipinas. Paulit-ulit natin itong pinipili, ipinagmamalaki, at ipinaglalaban sa abot ng ating makakaya....
11/06/2026

Mahal natin ang Pilipinas. Paulit-ulit natin itong pinipili, ipinagmamalaki, at ipinaglalaban sa abot ng ating makakaya.

Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani ay hindi lamang tungkol sa paglaya mula sa mga mananakop. Ito rin ay tungkol sa pagkakaroon ng isang bansang makatarungan, may malasakit, at inuuna ang kapakanan ng kanyang mamamayan.

Ngayong Araw ng Kalayaan, ipagdiwang natin ang ating kasaysayan, ngunit huwag nating kalimutang pagnilayan ang ating kasalukuyan. Sapagkat ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi bulag na pagsunod, kundi ang tapang na manawagan ng mas mabuting Pilipinas para sa lahat.

Mahal natin ang Pilipinas. At patuloy natin itong mamahalin.Pero sana, mahalin din tayo nito pabalik.

🇵🇭 Maligayang ika-128 Araw ng Kalayaan, Pilipinas.

11/06/2026
11/06/2026
Today, we celebrate not only your 1st Birthday but also God's love and blessings in your life. May you grow surrounded b...
07/06/2026

Today, we celebrate not only your 1st Birthday but also God's love and blessings in your life. May you grow surrounded by faith, joy, kindness, and endless love from our family and loved ones. 💙💙💙

Happy 1st Birthday & Welcome to the Christian World, Lucas Angelo B. Jimenez!

Love,
Tito Ninong AJ & Tita Ninang Iris

June 3, 2026 Dumalo tayo sa Regular Session ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay sa Ikalawang Pagbasa ang mga panuka...
03/06/2026

June 3, 2026

Dumalo tayo sa Regular Session ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay sa Ikalawang Pagbasa ang mga panukalang ordinansa na naglalayong mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga mamamayan. Kabilang dito ang mga ordinansang may kaugnayan sa pagsusulong ng drug-free workplace, pagbabawal sa pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar, pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad, at pagbabawal sa pagiging topless o kalahating hubad sa mga pampublikong lugar sa ating bayan.

Tinalakay rin ang Committee Report ng Committee on Ordinances and Legal Matters kaugnay ng kahilingan para sa isang resolusyon na magbibigay ng kapangyarihan sa ating Punong Bayan, Hon. Lyndon M. Bruce, upang maisagawa at malagdaan ang mga kinakailangang legal na dokumento para sa Deed of Donation ng nakalaang lupa para sa itatayong Multi-Purpose Gymnasium at Road Right of Way sa Barangay Molinete.

Matapos ang sesyon ay nagsagawa rin ng Joint Committee Meeting upang higit pang mapag-aralan at mapag-usapan ang iba pang mahahalagang usapin na makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan.

Sa kabila ng mga gawain sa pamahalaan, naglaan din tayo ng oras upang makiramay sa pamilya ng yumao sa Sitio Lubluban at Brgy. Balakilong. Nakibahagi rin tayo sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Inay Nene sa Sitio Daang Balayan at sa unang kaarawan ni Ryle Dyawne sa Brgy. Poblacion 5.

Bumisita rin tayo at nakipag kamustahan sa ating kababayang may karamdaman.

01/06/2026

STAY SAFE & ALERT, EVERYONE! 🌧

Naglabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA kung saan inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, at Bataan sa loob ng susunod na dalawang oras.

Mas mabigat na buhos ng ulan ang nararanasan na rin sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal. Sa Batangas, apektado ang Nasugbu, Laurel, Calaca, Lemery, Taysan, at Lobo. | BChannel News

Narito ang ilan sa mga naging gawain natin noong Mayo 29, mula sa pagbisita at pag-abot ng tulong sa ating kababayang na...
30/05/2026

Narito ang ilan sa mga naging gawain natin noong Mayo 29, mula sa pagbisita at pag-abot ng tulong sa ating kababayang nasunugan, pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-66 na kaarawan ni Tatay Selying, pakikiramay sa mga naulilang pamilya sa As-is at Balakilong, pagdalo sa awarding ceremony ng basketball tournament sa Brgy. Buso-Buso, hanggang sa pakikiisa sa pag-iisang dibdib nina Caren at Joshua.

Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at pagkakataong makasama kayo sa mahahalagang sandali ng inyong buhay. Ang bawat pagbisita, pakikiisa, at paglilingkod ay bahagi ng ating hangarin na maging mas malapit sa ating mga kababayan at patuloy na makapaghatid ng serbisyong may malasakit. 💜🤍💚

Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Councilor Iris Joyce Agojo nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen