25/03/2026
Please keep safe BF Resort neighbors. Call 911 for emergencies 🙏
Isang netizen na ang napilitang manawagan sa BF Resort Village Homeowners Community FB Group. Bakit kamo? Na-holdup lang naman ang kaibigan niya sa G. Sanchez Street. At alam niyo ba ang nakakatawa? Ayon mismo sa pulisya, pangatlong biktima na raw siya sa mismong lugar na iyon sa loob ng sarili nating village.
Ang galing, 'di ba? Lalo na kung iisipin mong kailan lang, may nagmamarunong pang mag-post na kesyo 'wag daw tayong magpakalat ng "fake news" na may nakawan o insidente sa BFRV simula nang hawakan ito ng bagong HOA ang BFRVTHAI. Ang lakas pa ng loob igiit na wala raw kinukumpirma ang pulisya na may mga nangyayaring ganito. Oh, anyare ngayon? Bulag-bulagan pa rin ba?
Paano namang hindi magkakaganito, eh palaging lutang at napaka-incompetent ng security agency na binabayaran ng BFRVTHAI ang RAAN Ventures International Security Agency Inc. Nawala na nga yung 24/7 hourly roving, ginawa pang public highway ang village dahil kahit sino at kahit anong sasakyan na walang sticker, malayang nakakapasok. Ano pa nga ba ang aasahan natin sa ganyang kapalpakan?
Tapos ngayon, may gana pa kayong obligahin ang mga residenteng magpa-member sa BFRVTHAI at pilit gusto palitan ng bagong vehicle sticker? Patawa ba kayo? Paano niyo kami makukumbinse na sumuporta kung ngayon pa lang, ganito na kabulok ang pinapakita ninyong serbisyo?