11/04/2025
Flashback Friday: 𝐓unay at mainit ang pagtanggap ng Ilocos Norte sa team Solid North Partylist.
Nakakataba ng puso❤️
Nitong nakaraang Marso 30-31, pinaramdam ng ating mga kababayan sa Ilocos Norte ang matibay na suporta sa Solid North Partylist. Pinangunahan ni Cong. Ching Bernos, Coun. Luzan Ortega-Valero, at Gemo Ablan ang pagdalaw sa Ilocos Norte. Umikot ang masiglang motorcade sa Laoag City, hanggang sa mga bayan ng Bacarra, Vintar, Pasuquin, San Nicolas, Dingras, Solsona, at Piddig—damang-dama ang malasakit at suporta ng bawat Ilokano.
Bumisita rin ang grupo sa mga palengke, nakipagpulong sa mga mayors, at nag-courtesy visit kina Gov. Matthew Marcos Manotoc at Vice Gov. Cecilia Araneta Marcos. Syempre, hindi kumpleto ang biyahe kung walang paglibot sa mga yaman ng turismo gaya ng Paoay Church at Batac Riverside Empanadahan.
Sa bawat ngiti, kwento, at pakikipagkamay—naramdaman natin ang pagmamahal ng Ilocos Norte.
Salamat kakailian! Patuloy ang Solid North Partylist sa adbokasiyang:
📍Turismo.
💼 Trabaho.
📈 Progreso.
Timpuyog ti Amianan! 💪