29/09/2026
‼️ PABATID ‼️
₱100,000 PARA SA 5 PRESIDENTIAL SCHOLARS
MULA SA BAGONG PILIPINAS – “BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG” INITIATIVE NG OFFICE OF THE PRESIDENT
Masayang ibinabalita sa ating mga kabarangay ang limang (5) 4th-year students mula sa Barangay Lewin na siyang makikinabang ng ₱20,000 bawat isa, o kabuuang ₱100,000 educational assistance.
Ang ating mga scholars ay sina:
1. MYLENE DAVE GONZALES;
2. CLARISSA DELLORO MORALES;
3. AILEEN BABASA;
4. GRETHEL BENITEZ; at
5. ALAIKA G. BRECINIO.
Ang educational assistance na ito ay malaking tulong para sa kanilang matrikula, school fees, school supplies, pamasahe, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pag-aaral.
Layunin nitong makatulong na mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga estudyante at kanilang pamilya upang mas makapagpokus sila sa kanilang pag-aaral at makapaghanda para sa mas magandang kinabukasan.
Para sa kabataan. Para sa edukasyon. Para sa Barangay Lewin. 💚💚💚
Bawat Barangay Makikinabang! 🇵🇭🎓
Presidential Scholarship Program