25/12/2025
๐ซ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐....๐ซ๐๐
๐
๐ ๐น๐๐๐๐๐ ๐ ๐ด๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐ ๐คญ๐
Naka 9/9 na ba lahat? Kung oo, ๐ฃ๐ฑ๐ช๐ท๐ด ๐๐ธ๐พ ๐๐ธ๐ป๐ญ! Maligayang Pasko mga Kabarkada! Tunay na saya at ligaya ang hatid ng pasko ngayong taon. Puno ng kagalakan, pasasalamat, at pagmamahalan. Marahil tayo'y may iba't-ibang relihiyon, gayunpaman, iyon ay hindi naging basehan upang tayo'y mahati't magkahiwalay. Bagkus, ito'y naging daan ng ating pagbibigayan at pagmamahalan.๐
Dumarating ang Pasko taun-taon, pero hindi pare-pareho ang bigat nito sa bawat tao. Habang ang iba ay abala sa paghahanda, may mga taong tahimik lang na nagmamasidโpinipiling ngumiti kahit may kulang. Kulang na siyang hindi matutumbasan ng handa sa mesa o pera. Hindi lahat ng Pasko ay puno ng tawanan. Para sa ilan, ito ay paalala ng mga nawala, ng mga hindi na umuuwi, at ng mga relasyon na tuluyan nang nagbago. Dito natin nararamdaman ang tunay na esensiya ng kapaskuhan. Marahil may mga kalungkutan saating puso't-isipan, mas maiging tayo'y ngumiti't maging masaya sa paskong daraan.
Marami ang natutong magmahal sa paraang tahimik. Tahimik sa puntong may mga sakripisyong hindi ipinapakita, mga luha na pinupunasan sa dilim, at mga dasal na binubulong para sa kapakanan ng iba. Ang ganitong uri ng pagmamahal ang tunay na diwa ng Paskoโhindi engrande, hindi palaging masaya, pero totoo. Kumbaga, dito nakikita ang yunay na depinisyon ng pasko. Ito ang pagmamahal na nananatili kahit pagod na, kahit nasaktan, kahit walang kasiguraduhan.
Sa huli, ang Pasko ay paalala na sa kabila ng lahat ng kakulangan, may dahilan pa ring magpatuloy. Sapagkat 'yon ang tama, nabuhay ang ating Panginoon upang tayo'y mag-patuloy saating buhay. Na kahit hindi perpekto ang buhay, may saysay pa rin ito dahil may mga taong patuloy na pumipili ng kabutihan. At kung may isang aral ang Pasko, ito ay ang katotohanang ang pagmamahalโkahit tahimik at hindi napapansinโay sapat para magbigay ng liwanag sa pinakamadilim na panahon. Sapagkat kamiโy palaging naniniwala na ang pagmamahal natin saating kapwa ang pinaka-mataas na karangalan nilang matatangap. Kung kaya't, mabuhay ang mga Pilipino at Maligayang Pasko!
๐๐ฎ๐ป๐ป๐ ๐๐ฑ๐ป๐ฒ๐ผ๐ฝ๐ถ๐ช๐ผ, ๐๐ช๐ซ๐ช๐ป๐ด๐ช๐ญ๐ช'๐ผ!
Christmas