30/04/2026
β±πππ,πππ ππ πππππ ππππ ππ πππ ππππππππ ππ ππππ, ππππππππππππ ππ ππ πππππ ππ πππππππππππ ππ πππππ ππ πππππππππππ πππππ ππ ππππ
Pormal nang naipagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Labo sa pamumuno ni Mayor Jojo Francisco katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa panunguna ni Vice Mayor Alvin Bardon ang kabuuang halagang β±580,000 sa Department of Education (DepEd) - Camarines Norte bilang suporta sa mga pampublikong paaralan sa bayan, alinsunod sa Ordinansa Blg. 153, s. 2019.
Ang naturang pondo ay inilaan upang matulungan ang 58 pampublikong paaralan sa Labo, kung saan bawat isa ay makatatanggap ng tig-β±10,000. Layunin nitong mapalakas ang paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase, partikular sa taunang Brigada Eskwela.
Ayon sa direktiba ni Mayor Jojo Francisco, mahalagang maiparating agad ang tulong pinansyal upang matiyak na maayos at ligtas ang mga pasilidad ng paaralan bago magsimula ang panibagong taon ng pag-aaral. Binibigyang-diin din niya na ang ganitong hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng DepEd-Camarines Norte sa maagap na aksyon ng LGU Labo. Ayon sa kanilang pahayag, malaking tulong ang naturang pondo upang matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga paaralan tulad ng pagkukumpuni ng silid-aralan, paglilinis ng kapaligiran, at pagbili ng mga kinakailangang kagamitan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng pamahalaan, mga g**o, magulang, at komunidad, magiging matagumpay ang Brigada Eskwela ngayong taon at masisig**o ang isang maayos na pagbubukas ng klase para sa mga mag-aaral ng Labo.
βοΈ | Pastor Jhun Villaraza
π· | VM Alvin Bardon & Oscar Oning