04/09/2026
๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ฌ๐จ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก ๐๐ข๐ฆ๐, ๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ 2,177 ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ก๐๐ข๐ก
โ๐๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต, ๐๐๐, ๐ด๐ข ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ช๐ฆ๐ง ๐จ๐ฐ๐ฐ๐ฅ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฉ๐ข๐ต๐ข๐จ. ๐๐ข๐ฌ๐ฐ ๐จ๐ช๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ถ๐ญ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐ข๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช.โ
Ito ang taos-pusong pasasalamat ng 2,177 magniniyog na nakatanggap ng food packs mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) Region XII noong Setyembre 3, 2026, bilang bahagi ng pagtugon ng ahensya sa epekto ng 7.8-magnitude na lindol noong Hunyo 8, 2026.
Sabay-sabay na isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa siyam (9) na lugar sa Sarangani Province at General Santos City para sa mga natukoy na magniniyog na naapektuhan ng kalamidad, sa pangunguna ng PCA Region XII at PCA Sarangani, sa tulong ng PCA South Cotabato at mga lokal ng pamahalaan ng nasabing barangay at bayan.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 15 kilo ng bigas at iba pang grocery items bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang patuloy silang bumabangon mula sa epekto ng lindol.
Isinagawa ang distribusyon sa mga sumusunod na lugar:
โข Malungon, Sarangani โ 14 benepisyaryo
โข Brgy. Sinawal, General Santos City โ 100 benepisyaryo
โข Brgy. San Jose, General Santos City โ 52 benepisyaryo
โข Brgy. Nomoh, Maasim, Sarangani โ 355 benepisyaryo
โข Brgy. Sufatubo, Glan, Sarangani โ 458 benepisyaryo
โข New Aklan, Glan, Sarangani โ 565 benepisyaryo
โข Brgy. Tango, Glan, Sarangani โ 93 benepisyaryo
โข Brgy. Congan, Glan, Sarangani โ 321 benepisyaryo
โข Brgy. Rio del Pilar, Glan, Sarangani โ 219 benepisyaryo
Sa kabuuan, 2,177 magniniyog ang nabigyan ng food packs sa ilalim ng ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ng PCA Region XII, mula sa Health and Medical - Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na naglalayong makapaghatid ng agarang tulong at suporta sa mga magniniyog na naapektuhan ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinapaabot ng PCA Region XII sa ating mga magniniyog na hindi sila nag-iisa sa panahon ng pagsubok. Ang bawat tulong na naihahatid ay nagsisilbing suporta sa mga pamilyang magniniyog na patuloy na nagsisikap na makabangon at maibalik ang kanilang kabuhayan.
Sa gitna ng anumang kalamidad, patuloy na isinasabuhay ng PCA Rehiyon Dose ang diwa ng ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan para sa ating mga magniniyog.